Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Marry Me, Mr. Professor

Marry Me, Mr. Professor

Sina Alexis at Manuel ay malapit ng ikasal. Gayunpaman, habang papalapit ang petsa ng kasal, nagsimulang magpakita ang mga bitak. Muling lumitaw ang damdamin ni Manuel para sa kanyang dating kasintahan nang mabasag ni Alexis ang vase na regalo nito. Dahil hindi niya nabalewala ang kanyang hindi mapigil na mga emosyon, hindi namalayan ni Manuel ang kanyang sarili at nasampal si Alexis. Nadurog ang puso at dismayado, ginawa ni Alexis ang mahirap na desisyon na itigil ang kasal, napagtanto na ang kanilang relasyon ay hindi buo. Sa paghahanap ng pang-unawa, nakahanap siya ng hindi inaasahang mapagkukunan ng sandalan kay Alvin, isang matalino at mahabagin na CEO at tagapagturo sa isang sikat na unibersidad. Sa pagpapatuloy ni Alexis sa buhay ay natuklasan niya ang isang mas malalim na pag-unawa sa kanyang sarili at kung ano ang tunay niyang ninanais sa isang asawa. Sa pamamagitan ng kanilang ibinahaging pag-uusap at paggalang sa isa't isa, natagpuan ni Alexis ang paggaling at panibagong pakiramdam ng pag-asa para sa hinaharap. Sa gitna ng kaguluhan ng nawalang pag-ibig at mga bagong simula, ang paglalakbay ni Alexis sa pagtuklas sa sarili ay nagbukas, na humantong sa kanya sa mga hindi inaasahang lugar at nagturo sa kanya ng mahahalagang aral tungkol sa pag-ibig, katatagan, at kapangyarihan ng pagmamahal.
Romance
1012.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Carrying My Ex-Boyfriend's Child

Carrying My Ex-Boyfriend's Child

Sa araw na nalaman ni Nikita na siya'y nagdadalang-tao, nakipaghiwalay si Kent sa kaniya, upang makipagbalikan kay Lauren, ang dati nitong kasintahan. Pinili niyang ilihim na lamang dito ang tungkol sa pagbubuntis niya sa isiping ayaw niyang mapilitan ang binata na magpakasal sa kaniya upang panagutan lamang ang anak nila. Ayaw niyang mamuhay sa isang pilit na pamilya ang anak kung kaya't minabuti nalang nitong huwag sabihin sa lalaki. Nang malaman ni Nikita na ikakasal na si Kent at Lauren, nagdesisyon itong sumama sa kaibigang si Hanz papunta sa ibang bansa upang doon manirahan at palakihin ang anak nila ni Kent. Si Hanz ay may lihim na pagtingin sa babae. Nang umamin ang kaibigan kay Nikita sa kaniyang totoong nararamdaman ay sinubukan ulit ng babaeng buksan ang puso niya para sa pagmamahal. Sino ang mananaig sa puso ng dalaga, ang ama ng anak niyang minsan na siyang iniwan o ang kaibigang matagal ng may pagtingin sa kaniya na walang ibang ginawa kung 'di ang mahalin sila at ang anak nila ni Kent? Pipiliin mo ba ang buong pamilya o ang masayang pamilya? Maaayos pa ba ang relasyon sa pagitan nila Kent at Nikita o mabubuo ang bagong relasyon sa pagitan ng dati pang dalawang matalik na magkaibigan?
Romance
1022.9K viewsCompleted
Read
Add to library
TEMPTING the DEVIL MAFIA (Riot Men Series 24)

TEMPTING the DEVIL MAFIA (Riot Men Series 24)

Lumaki sa karahasan at magulong buhay si Niccos. Normal na lang sa kan'ya ang patayan at madugong kaganapan sa araw-araw. Kaya ipinangako n'ya sa sarili pagkatapos ng unos sa kan'yang buhay at sa pamilya ay mamuhay s'ya ng tahimik, maayos at matiwasay. Ngunit paano kung hindi n'ya pwedeng talikuran ang obligasyon na iniwan sa kan'ya? Paano kung dito nakasalalay ang kaligtasan ng nag iisang babae na pinakaayaw n'ya, ngunit nagbago ang lahat ng minsang may mangyari sa kanila. Naging demonyo s'yang muli ng masaksihan kung paano nalagay sa panganib ang buhay ni Kianna dahil sa kagagawan ng kan'yang mga kalaban dati na naghihiganti sa kan'ya. Paano n'ya lalabanan ang isinumpa sa sarili na mamuhay ng tahimik? Kung sa bawat pagpikit ng kan'yang mga mata ay ang nagmamakaawa at nahihirapang mukha ng dalaga ang kan'yang nakikita.
Romance
9.9118.6K viewsCompleted
Read
Add to library
I Will Take Back What's Originally Mine

I Will Take Back What's Originally Mine

FireQUEEN
Si Jessa Diryln, isang part timer na babae na na-frame-up ng sarili niyang step sister. Matapos niya itong suportahan sa pag-aaral, ang nakukuha niya sa kanyang madrasta ay mga paninisi, pagpapahirap at pang-huli, na-frame-up siya. Upang makatakas sa posibleng pagkamatay na sinabi ng pamilya ng biktima, sinubukan niyang maglakbay nang hindi nililinis ang kanyang pangalan. Gayunpaman, sa halip na makalaya mula sa kamatayan, siya ay talagang namatay. Well, parang ganun nga. Pero bigla siyang nagising sa katawan ni Estacie Somyls. Ang pinakamasama pa, talagang mahirap din ang buhay ng may-ari ng katawan na sinapian niya! Isang babae na iniwan ng sariling ama para makasama ang bagong pamilya. Hindi lang iyon, ginamit pa ang sarili niyang mana mula sa yumaong ina! Ngayong siya na ang bagong may-ari ng katawan na ito, makukuha na ba niya ang orihinal na sa kanya?
Romance
101.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Vengeful Obsession (SSPG)

The Billionaire's Vengeful Obsession (SSPG)

Ipinangako niyang wawasakin siya… pero nauwi sa pagnanasa. *** Umuwing buo ang loob ni Caleigh Villamor—handa siyang ipaglaban ang ama niyang ikinulong dahil sa isang operasyong nauwi sa kamatayan ng isang kilalang pasyente. Ngunit hindi niya inaasahan na ang pagbabalik niya sa Pilipinas ang mismong magiging simula ng pagkawasak niya. Si Drako Valderama, isang brutal at makapangyarihang billionaire, ay gutom sa paghihiganti. Sa mata niya, ang pamilya ni Caleigh ang dahilan ng lahat ng sakit niya. At ngayon, ang plano niya ay simple lang: pagbayarin ang pamilya ni Caleigh... durugin ang puso nito hanggang sa magmakaawa. Ngunit sa isang gabing puno ng galit, init, at pagkakamali—may nabasag. Ang puso ni Drako. At habang lalo niyang sinasaktan si Caleigh, mas lalo siyang nalulunod sa sarili niyang pagnanasa. Ito ba'y paghihiganti—o isang nakakalasing na pagnanasa sa babaeng dapat niyang kamuhian?
Romance
9.911.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Valentina: The Unwanted Wife

Valentina: The Unwanted Wife

Sampung taon na minahal ni Valentina si Aekim at wala iyong katugon mula rito. Isa na lang ang inaasahan niyang makatutulong sa kaniya upang maangkin nang tuluyan ang binata- ang lola nito. Ngunit hanggang kailan dadayain ni Valentina ang sarili para lang maging masaya, kung sa pagsasama nila ay siya lang ang nagmamahal? May pag-asa pa kayang makabuo sila ng masayang pamilya o tuluyan na niyang bibitiwan ang pinapangarap na pagmamahal mula sa binata?
Romance
103.2K viewsOngoing
Read
Add to library
You're The One I Love

You're The One I Love

Opportunist-ganito ang tingin ng half brother ng fiancé niya kay Raquel. At para maiwasan ang lalaking gustong sirain ang nalalapit niyang kasal, pumunta siya sa San Ruiz. Doon niya nakilala si Drake, ang lalaking inakusahan niya ng akyat-bahay. Hindi maitatanggi ni Raquel ang atraksyong nararamdaman para kay Drake. Hindi niya napigilan ang sarili na mahalin ang lalaki kahit na ito ay isang pagkakamali. Nang lumipad palabas ng bansa si Drake ay nangako ito sa kanya na babalik. Pero hindi nito tinupad ang pangako sa kanya. Bumalik siya ng Maynila at handang magtapat sa fiancé niya tungkol sa kasalanang nagawa nang muling magkrus ang landas nila ni Drake. Nalaman niyang may kinalaman ito sa taong gustong sirain ang pangarap niya.
Romance
1013.8K viewsCompleted
Read
Add to library
ISLA FERRER: Unspoken Sacrifice

ISLA FERRER: Unspoken Sacrifice

"Let's file an annulment, Isla..." Ibinigay ni Isla Ferrer ang lahat-lahat sa pinakamamahal niyang asawa na si George Madrigal. Mula sa pagmamahal, oras, atensyon at salapi. Subalit imbes na suklian ng kaakibat na pagmamahal, isang pagtataksil ang ginawa ng kanyang asawa at balak pang pakasalan ang kabit nito, dahilan kung bakit tuluyang nawasak ang puso ni Isla. Dahil sa sakit na ipinaramdam ni George sa kanya, ipinapangako ni Isla sa sarili niya na gaganti siya sa mga taong nanakit sa kanya. Kahit pa pabagsakin ang sarili niyang asawa na minsan na niyang minahal at sinamba. At sa kanyang pagbangon, mapagtatagumpayan kaya ni Isla ang balak niyang paghihiganti? O muli lang na manunumbalik ang dati niyang pagmamahal sa lalaki. Hanggang saan dadalhin si Isla ng galit na bumabalot sa kanyang puso? Magawa kaya niyang pabagsakin ang negosyo at ang pamilya Madrigal? Kayanin kaya niyang paghigantihan ang pamilyang naging ikalawa niyang tahanan?
Romance
103.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Boss and His Secretary

The Boss and His Secretary

Lumaking hirap sa buhay ang 24 years old na si Trisha Julianna Brenzuela mula nang iwan sila ng kaniyang ina matapos mamatay ang kaniyang ama. Hindi natapos ang kaniyang pagdurusa matapos naman siyang hiwalayan at ipagpalit ng fiancé niya sa kaniyang kaibigan. Sa kadahilanan ng dagok ng buhay nang mawalan siya ng trabaho at magkasakit ang kaniyang kapatid. Ginawa niya ang lahat kahit na maging isang bayaran sa loob ng isang gabi upang makalikom lamang ng malaking halaga ng pera para sa operasyon ng kapatid niyang may autism. Sa hindi inaasahan, ang childhood enemy niyang si William na kasalukuyang CEO ng Aveedra Electronics Company, ang lalaking naka-one night stand niya at magiging boss rin niya sa trabaho. Ang siyang magiging contract husband niya nang palihim sa loob nang ilang buwan. Ngunit, nang nahulog na ang loob nila sa isa't isa, eksakto namang dumating ang fiancée nito na itinalaga ng pamilya Cervantes at Smith para sa nakaplanong arrange marriage ng dalawa ilang taon na ang nakalilipas. Paano pa maipaglalaban ng dalawa ang kanilang lihim na relasyon mula sa mga magulang ng dalawang kilalang makapangyarihang pamilya? Matapos mabigo ng mga masasamang tauhan ng pamilya Smith mula sa pagtatangka. Magbabalik si Trisha para ipakilala ang kaniyang sarili sa bagong katauhan bilang isang tunay na anak ng kilala at mayamang pamilya Del Fuego.
Romance
103.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Hiding the Billionaire's Heir

Hiding the Billionaire's Heir

Dreamer'swords
Dahil sa hirap ng buhay, walang ibang pagpilian na ibinigay ang mundo kay Maria kung hindi ang ibenta ang sarili niyang katawan sa isang kilalang auction nang malaman niya na ang kaniyang Lola na siyang nagpalaki sa kaniya ay kailangan nang operahan sa lalong madaling panahon. Dito ay naging pagmamay-ari siya ni Damon, isang kilalang businessman ng isang gabi na siyang nagkaroon ng bunga. Ngunit kahit gaano pa siya kadesperada ay hinding-hindi niya gugustuhin na sabihin kay Damon ang tungkol sa anak nila sapagkat bilang ina ay ayaw niyang masaktan ang kaniyang anak. Ngunit paano kung pagkatapos ng ilang taon ng pagtatago ay magtagpo sila sa kumpanya kung saan sekretarya siya nito?
Romance
2.2K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1112131415
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status