Secretly, Mrs. CEO
Walang ibang hinangad si Naya Diaz kundi ang maayos na pagturing sa kanya ng kanyang pamilya lalong-lalo na ng kanyang ina.
Ngunit tila ba kahit anong gawin niya ay hindi pa rin sapat para sa kanila ang kanyang pagpupursige. Kaya naman nang pilitin siya na makipagkasal sa kaibigan ng kanyang ina na mas matanda sa kanya ay hindi niya na napigilan pa ang kanyang sarili.
Nagpasya siyang lumayas.
Nang malaman ni Xavier Iglesias ang nangyaring iyon, ang kanyang boss at ang kanyang long time boyfriend, ay labis ang pagkasuklam at galit nito sa kanila.
Sa ilang taong pagsasama nila bilang magnobyo ay pagod na siyang nakikita ang kanyang nobya na nahihirapan dahil sa sarili nitong pamilya. Kung kaya't hindi na siya nagdalawang-isip na ayain at ituloy ang kasal na matagal niya nang binabalak para sa kanilang dalawa.
Naya agreed to marry him, but there's a condition.
Xavier respects her decision.
Ngunit kahit na pilitin niya ang kanyang sarili na tanggapin ang kondisyon na iyon ng asawa ay sawa na siya sa pagtatago.
Kaya naman nang makahanap siya ng pagkakataon na makaharap ang pamilya ni Naya ay hindi na siya nagdalawang-isip na isakatuparan ang kanyang plano. Kung ang mga taong kinamumuhian niya ang magiging daan upang masabi niya sa lahat ang tungkol sa relasyon nila, kukunin niya ang oportunidad na iyon.
He will pursue his plan, even though there's a hundred percent chance that they'll use him for their own benefit.