After the Daylight
Naramdaman kong bigla niya akong pinalo sa batok, dahilan na mawalan ako tuluyan nang malay.
YOUTAN POV.
Nasa loob na kami ngayon ng hide out. Madaling araw kaming nagtungo rito, tulad nang pinagplanuhan. Tahimik ang loob kaya, siguradong naghahanda na rin sila. Hindi rin nagkamali ang sinabi sa amin ng pinadala rito ni Ruan, nagpiyesta nga ang mga gag*ng 'to. Ngayon, narito pa rin kami sa pinagtataguan namin. Dahil kanina lang marami na rin sa mga tauhan nila ang napatulog namin. Ngunit sa aming paglilibot namin rito, hindi pa rin namin nahanap ang mga bata. Ilang oras na rin, nakakasiguro akong dumating na rin dito si Zinnia.
Bab Populer