Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Who's the good daddy? (A Billionaire's Purchase Book Two)

Who's the good daddy? (A Billionaire's Purchase Book Two)

JocelynMDM
Apat na taon na ang nakalipas mula nang tumakas si Samsara papuntang Italya para magpakasal sa kanyang ex-boss na si Maxwell, dala ang kambal na anak niya sa kanyang ex na milyonaryo na si Landon. Ngunit sa kanilang muling pagkikita, gagawin ni Landon ang lahat para mabawi ang kanyang mga anak at ang kanyang tunay na pag-ibig na si Samsara.
Romance
9.2969 viewsOngoing
Read
Add to library
CARIÑO ETERNO

CARIÑO ETERNO

Tale of Sol
Si Selestina Amor, isang dalagang ipinanganak noong 1724 ay nakatakdang mamatay sa kanyang ika-21st birthday subalit nakatadhana ring muling mabuhay paglipas ng isang daan taon pagtapos. Ang sumpang iyon ay bigay ng Diyos na si Ulilang Kaluluwa. Pero apat na beses lamang siyang pwedeng muling mabuhay at ang kanyang minamahal na si Pedro Lazaro lamang ang makakapigil sa mapait niyang tadhana. Si Pedro Lazaro, isang katutubong kayumanggi ang balat na nagtatago sa gitna ng kabundukan kasama ang kanyang mga ka-tribo dahil sa walang tigil na pagpatay ng mga Kastila sa kanilang lahi. Sa di inaasahang pangyayari ay nakakilala siya ng isang dalagang anak ng isang mayamang Mestizo. Ang dalagang iyon na nagpaibig sa kanya ay si Selestina. Ngunit nang mamatay ang kanyang iniirog ay nakipagkasundo siya sa Diyos na si Ulilang Kaluluwa. Binigyan siya ng walang hanggang buhay upang hintayin muli ang muling pagkabuhay ng kanyang Greatest Love.
Fantasy
5.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Owned by A Hot Billionaire lawyer

Owned by A Hot Billionaire lawyer

Sa araw ng kanyang engagement party ay gumimbal sa madla ang isang video ng isang babae at lalaki na nagtatalik. Ang lalaki ay walang iba kundi ang kanyang fiancee, si Xavier Lopez at ang ex-girlfriend nito. Sa pinaghalong kahihiyan at kalungkutan, umalis si Luna Gray sa nasabing party at natagpuan na lamang niya ang sariling kaniig ang isa sa mga tanyag na abogado sa bansa. Si Giovanni Alexander Cortez. Kilala si Giovanni bilang isang tuso sa larangan ng ligal, bukod sa matalino at mayaman, ubod din ito ng kagwapuhan kahit na suplado. Lahat ng kababaihan ay halos luhuran siya. Except kay Luna Gray, ang babaeng brat at puno ng kapritso. Makakaya kaya niyang paamuhin ang isang babaeng laki sa yaman at nakukuha ang lahat ng gusto?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
My Daddy Boss

My Daddy Boss

Pinagpalit si Lenie ng kanyang ex-boyfriend na si Dexter kaya naman humingi siya ng tulong sa kaibigang si Alice para lumipat ng trabaho at makapagsimula ulit ng bagong buhay. Pero, pati si Alice ay niloko rin siya dahil iniwan nito ang baby niya kay Lenie at umalis nang walang paalam. Para mabuhay niya si Javi ay nag-apply siya sa kumpanyang pinapasukan ni Alice noon. Nang matanggap naman ay di niya inakalang mamahalin siya ng kanyang boss na si Alexis Ramirez. Hindi nagtagal ay napamahal na rin siya rito. Kaya lang, may isang sikreto siyang hindi sinasabi kay Alexis. Bawal kasi ang empleyadong may anak sa kumpanya ni Alexis. Hindi alam ni Lenie kung paano ipapaliwanag sa kanyang boss ang kanyang sitwsyon. Habang iniisip kung paano ang kanyang magiging solusyon sa problema ay bigla namang bumalik ang kanyang dating kaibigan na si Alice para bawiin ang anak. Dahil ilang taon na rin niyang nakasama si Javi ay sobrang nahirapan siyang isauli ang bata sa tunay nitong ina. Para hindi malayo kay Javi ay humingi na ng tulong si Lenie kay Alexis. Ang hindi alam noong dalawa na sa simpleng pagtulong ni Alexis ay sobra palang dami ang mababago sa relasyon at buhay nila.
Romance
1011.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Seeking Forgiveness: The Ex-Husband’s Second Chance

Seeking Forgiveness: The Ex-Husband’s Second Chance

Oceania Verity
Sa ikalawang taon ng kanyang kasal, natuklasan ni Isabel na siya ay nagdadalang-tao. Labis ang kanyang tuwa, umaasa na ang kanilang magiging anak ang magpapatibay sa kanilang marupok na relasyon ni Allen, ang kanyang asawa. Ngunit sa likod ng kanyang kaligayahan ay may takot—alam niyang ang puso ni Allen ay para kay Victoria, ang babaeng hindi niya kayang kalimutan. Sa kabila nito, umaasa si Isabel na magbabago ang lahat dahil sa kanilang anak. Ngunit naglaho ang kanyang pag-asa nang mangyari ang isang malagim na aksidente. Malubhang nasugatan si Isabel at desperadong nakiusap kay Allen na iligtas ang kanilang anak. Subalit, tinalikuran siya ni Allen at pinili si Victoria, iniwan si Isabel sa kanyang sariling kapalaran. Habang lumalayo si Allen, parang pinipiga ang puso ni Isabel sa sakit. Kumalat ang balita sa Laoag tungkol kay Allen Alvarez, isang lalaking lumubog sa matinding pagsisisi. Ang pangalan ni Isabel Fajardo-Alvarez ay naging simbolo ng hindi maipaliwanag na kalungkutan at pighati, at walang sinuman ang naglakas-loob na banggitin ito sa harap ni Allen. Pagkalipas ng ilang taon, nakilala ni Isabel si Luis Mendoza, isang mayamang mamamayan ng Laoag at nag-iisang tagapagmana ng kanilang pamilya. Mabait si Luis at inalagaan si Isabel, tinuring ding parang sariling anak ang bata. Sa paglipas ng panahon, ipinakilala ni Luis si Isabel sa kanilang business partners, kasama ang pamilya nina Allen. Sa gitna ng isang masayang pagtitipon, biglang nagwala si Allen, lumuhod sa harap ni Isabel, ang kanyang mga mata’y pulang-pula at puno ng pighati. "Isabel, comeback to me... I’m begging for your forgiveness" aniya, humihingi ng kapatawaran, umaasang maibabalik pa ang dati nilang pagsasama. Mapatawad kaya siya ni Isabel o mananatili nalang alaala ang kanilang pagsasama?
Romance
10590 viewsOngoing
Read
Add to library
BOOK 2: Maid For You Too

BOOK 2: Maid For You Too

Si Anna Alejandra ay isang ulirang anak na walang ibang hiling kundi ang mai-angat sa laylayan ang pamilyang siya lang ang inaasahan. Isang probinsyanang nakipagsapalaran sa siyudad para tugunan ang pangangailangan ng mga kapatid. Namasukang kasambahay sa pamilyang Martinez, at nakilala ang isang binatang babago sa kapalaran nya, si Javier Martinez. Kontento na si Anna sa panakaw tingin nya sa binata noong una, ngunit habang tumatagal ay humihiling sya nang higit pa. Nangyari naman ito nang maging malapit sila sa isa't isa, at naging magkaibigan hanggang sa nagkagustuhan. Subalit sa halip na mauwi sa happily ever after, isang bangungot ang kaniyang naranasan.
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
How to Unlove You

How to Unlove You

Nang malaman ni Jillian na buntis siya, dalawang buwan pagkatapos magkaruon ng aksidenteng pakikipagtalik sa isang estranghero, na akala niya ay si Brent na kanyang boyfriend, yun pala ay ibang lalaki. Nang hanapin niya ang lalaking may kagagawan ng kanyang pagbubuntis, tinanggihan siya nito dahil may hinihintay itong ibang babae. Na stress siya na nagdulot ng pagdurugo during her pregnancy kaya kinailangan siyang dalhin sa ospital. Paggising niya, natagpuan niya ang sarili sa hospital na kasama ang pinakamayamang babae sa mundo na si Madam Lishou. Sa halip na magalit, ininsist ni Madam Lishou ang isang kasal sa pagitan ni Jillian at ng kanyang apo na si Mckenzie. Nalaman kasi nito sa isang source na ang apo nito ang nakabuntis sa kanya. Tumanggi ang lalaki na pakasalan siya, nagalit si Madam Lishou at binantaan ang lalaki na itatakwil kung hindi ito magpapakasal sa kanya. Napilitang pumayag ang lalaki sa kondisyon na civil lamang sila ikakasal. Habang nagkakalapit ang loib nilang mag asawa, biglang nagparamdam ang dalawang tao mula sa kanilang nakaraan, si Tamara na nagnanais na muling mabawi si Mckenzie at si Brent na handa siyang tanggapin ulit sa kabila ng kalagayan niya. Paano ito makakaapekto sa kanilang pagsasama? Sila ba'y paglalayuin ng pagkakataon, o magtatagumpay sila sa harap ng mga pagsubok, na nagpapalakas ng kanilang pagsasama sa paglipas ng panahon?
Romance
9.826.1K viewsCompleted
Read
Add to library
He's My Sinful Salvation

He's My Sinful Salvation

Si Seraphina ay isang waitress na nagtatrabaho sa isang marangyang hotel sa Maynila. Isang gabi, nakilala niya si Damien, isang misteryosong bilyonaryo na umuwi sa Pilipinas. Agad silang nagkagustuhan sa isa't isa, ngunit may mga hadlang na kailangan nilang harapin. Si Damien ay may madilim na nakaraan na humahabol sa kanya. May mga taong gustong siyang saktan, at handa silang gamitin si Seraphina para makamit ang kanilang layunin. Kailangan nilang magtulungan para malampasan ang mga pagsubok na ito. Sa gitna ng panganib at intriga, matutuklasan nina Damien at Seraphina ang tunay na kahulugan ng pag-ibig at kaligtasan. Ang kanilang pagmamahalan ang magiging daan para sa kanilang pagbabago at paglaya.
Romance
104 viewsOngoing
Read
Add to library
Flash Marriage with the Mad Genius Doctor

Flash Marriage with the Mad Genius Doctor

Dalawang taon nagdusa si Caitlyn Salvante sa kamay ng mga dumukot sa kanya. Akala niya ay wala ng pag-asang makabalik pa sa kanyang pamilya at dating buhay… Ngunit nailigtas siya. Sa muling pagbabalik ay binigla siya ng balitang ikakasal na ang lalakeng iniibig sa kanyang kapatid na si Fiona. Napagtanto niyang marami ang nagbago, maging ang pakikitungo ng kanyang mga magulang at dalawang kapatid. Pinandirihan at kinasuklaman sa isang bagay na hindi naman niya ginusto. Pakiramdam ni Caitlyn, isang malaking pagkakamali ang muling bumalik sa kanyang pamilya kaya umalis siya at palihim na pinakasalan si King Ezekiel Sanchez, isang doctor at tiyuhin ng dating nobyo na si Jude Gonzales.
Romance
106.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Craving For Love

Craving For Love

Sa mundong ang nagpapaikot ay pera, ang tingin ni Samara Licaforte sa mga mahihirap ay laruan lang ng mayayaman. Bagama't hindi legal na anak sa mata ng batas ng business tycoon na si Mr. Frederick Licaforte, CEO ng Licaforte Corp, ay lumaki sa luho si Samara at hindi makakailang siya ang paboritong anak sa pagitan nila ng stepsister niyang Monica. Happy-go-lucky, bully at eskandalosa. Ganyan siya kung ilarawan ng karamihan dahil sa mga ginagawa niyang kalokohan para lang mapanatili ang popularidad niya. Dahil wala na ang kanyang ina, at sa tingin niya ay nakikihati lang siya sa pagmamahal at oras ng kanyang ama mula sa legal nitong pamilya, ay sa atensyon ng ibang tao niya hinanap ang halaga niya. Sa pag-aakalang mananatiling ganun lang si Samara, ay kumatok sa buhay niya ang pobreng bulag na si Marco Villaflor, ang lalaking unti-unting titibag sa mga paniniwala niya.
Romance
1013.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3536373839
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status