RUNAWAY HEIRESS: THE BILLIONAIRE'S DESIRE FOR ME
Bilang panganay na anak ng isa sa mga pinakakilalang negosyante sa buong bansa, hindi kailanman inakala ni Serene Isla Alonte na masasasangkot siya sa isang iskandalo, isang gabing puno ng pagnanasa kasama ang lalaking hindi man lang niya kilala! At ang mas masahol pa, ang isang gabi na iyon ang naging dahilan ng lahat. Nabuntis siya, at dahil doon, tinanggal siya ng ama sa posisyon bilang legitimate heiress at pinalayas mula sa kanilang tahanan.
Lumipas ang ilang taon mula nang umalis siya patungo sa ibang bansa. Ngayon, bumalik si Serene sa Pilipinas kasama ang kanyang kambal na anak upang magsimula ng bagong buhay. Ngunit hindi niya inaasahan na muling babalik ang bangungot ng kanyang nakaraan nang makilala niyang muli si Ethan Davison, ang lalaking walang kamalay-malay na sumira sa kanyang buhay noon, at ngayon ay isa sa pinakamayamang negosyante sa Pilipinas!
At ang pinakamasaklap pa, si Ethan na ngayon ang magiging boss niya sa opisina!
“Mr. Ethan Asher Davison, please mind your behavior in the office!” mariing sabi ni Serene habang matalim ang kanyang tingin.
Napangisi ang lalaki, halatang naaaliw sa reaksyon ng babae.
“This is my company. Tell me, who can stop me, Serene, hmm?” sagot ni Ethan na may halong mapang-asar na ngiti.
Ramdam ni Serene ang unti-unting pagbalik ng tensyon sa pagitan nila, ang tensyong ilang taon na niyang pilit nilimot. Ngunit ngayong muli silang nagtagpo, tila muling nabubuhay ang apoy na matagal na niyang pinatay sa kanyang puso.
Si Ethan na ba ang magiging gamot sa sugatang puso ni Serene gayong isa rin ito sa dahilan kung bakit siya nasaktan noon?