Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Lucky Me! Instant Mommy?

Lucky Me! Instant Mommy?

"Ang tanga-tanga mo naman, Hailey! Bakit ka nagpabuntis? Sa ating dalawa ikaw pa nga itong mahinhin. Di makabasag pinggan. Ikaw ‘yong dalagang Filipina, yeah!" hindi napigilan ang galit na sita niya sa kakambal. Problema. Iyon kaagad ang sumagi sa isip ni Callie nang malamang buntis ang ni kakambal niyang si Hailey. Bukod sa hindi nito masabi kung sino ang tatay ay mahina ang puso nito, kaligtasan kaagad nito ang naisip niya. Gustuhin man niya itong sabunutan dahil sa taglay na kagagahan ay hindi na lang niya ginawa. Sa mapaglarong tadhana, sa kakahanap niya sa Tatay ng anak nito ay natuklasan niyang ang multi millionaire na si Carter Hyun ang nakadisgrasiya dito. Natagpuan na lang niya ang sarili na siya na ang Mommy ng baby nito. Magkakasama sila sa iisang bubong, mapigilan niya kaya kung may pag-ibig na umusbong?
Romance
1061.6K viewsCompleted
Read
Add to library
El Amor Inocente Del Don De La Mafia

El Amor Inocente Del Don De La Mafia

[Esta es una traducción al español de ‘The Mafia Don’s Innocent Love’] Artemy Loskutov... Conocido por mi comportamiento gélido, mi naturaleza despiadada y mis habilidades letales, exijo respeto e infundo miedo en todo aquel que se cruza en mi camino. El amor y el afecto no tienen cabida en mi existencia; mi único propósito es vengarme de la detestable mafia Cavalieri, responsable de la prematura muerte de mi madre. Cuando me topo con una joven maltratada y escondida debajo de mi cama, no la perdono por bondad, sino que la veo como una mera posesión, un juguete para manipular. Rebecca Cavalieri... Me había acostumbrado a los hombres que buscaban explotarme, hacerme daño y descartarme. La confianza es un concepto esquivo y mi corazón permanece oculto bajo capas de angustia. Sin embargo, Artemy logró desenterrar y reavivar la llama parpadeante dentro de mí. Despertó mis emociones latentes. Pero si descubre el verdadero alcance del peligro que represento para él, corro el riesgo de perder no sólo su afecto, sino también mi propia vida.
Mafia
8.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Hold me Tight my Lamia

Hold me Tight my Lamia

Si Ziantynna Quinzel ay kilala bilang spoiled brat ng pamilyang Quinzel. Ang ganoong katangian ni Ziantynna ay nagsimula ng aksidente niyang marinig sa kaniyang ama ang kasunduan na ipapakasal siya sa isang lalaki na ni minsan ay hindi pa niya nakikita. Dahil doon ay ginawa niya ang lahat upang mabahiran ng pangit na imahe ang kaniyang magandang reputasyon ngunit ganoon pa man nangyari pa rin ang kagustuhan ng kaniyang ama. Kaya naman sa kaniyang ika–dalawampu't tatlong kaarawan ay dinala siya sa isang bahay na mala palasyo ang laki na ang nagmamay-ari ay si Zacharias Lamprouge. Ang negosyanteng lalaki na may tagong katauhan. Dahil sa kawalang kakayahan tinanggap na niya ang katotohanang makukulong siya sa piling ng lalaki. Ngunit magagawa rin kaya niyang tanggapin ang katotohanan sa kaniyang pagkatao kung malaman niya ang nakaraan at kung sino talaga siya?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Me Harder, Mr. Billionaire

Love Me Harder, Mr. Billionaire

"Hindi ito isang laro lang, Vanilla. Simula noong pumayag kang maging girlfriend ko, hindi ka na makakatakas pa sa akin." salitang namutawi sa labi ni Zakari habang nakatitig sa magandang mukha ni Vanilla na nasa harap niya. Nag-umpisa ang lahat sa isang pagkukunwari at laro-laruang pag-ibig. Nag-umpisa ang lahat sa panluluko ng kasintahan ni Vanilla na so Darren. Isang pagkukunwari lang naman sana ang lahat pero bakit parang gusto yata ni Zakari na totoohanin ang lahat at tuluyang agawin sa mismong kaibigan ang sarili nitong nobya? "Bro, ipinagkatiwala ko lang siya sa iyo pero hindi akalain na totoohanin mo pala ang lahat. Vanilla is my girlfriend. I love her at pwede bang ibalik mo na siya sa akin?" si Darren na walang ibang hangad kundi ang makuha ulit ang babaeng kanyang iniibig. Oo, nagkamali siya pero sana hindi iyun maging mitsa para agawin ng sarili niyang kaibigan ang kanyang nobya. Sino ang pipiliin ni Vanilla? Ang boyfriend niyang si Darren na nagawa siyang lokohin or si Zakari na walang ibang ginawa kundi ang iparamdam sa kanya na pag-aari siya nito?
Romance
9.493.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Unwanted Daughter's Ruthless Comeback

The Unwanted Daughter's Ruthless Comeback

Carmelle grew up carrying nothing but unanswered questions—sino siya talaga, bakit siya iniwan, at bakit ang pagmamahal na dapat ay para sa kanya ay palaging malayo, parang hindi niya kailanman maaabot. Abandoned by her family’s nanny right after she was born, kinuha siya at itinago, para si Morgana—ang anak ng yaya—ang mabigyan ng mas magandang buhay. Buhay na dapat sana ay kay Carmelle. Labing-walong taon ang lumipas, natagpuan siya ng tunay niyang pamilya. Pero imbes na yakap at pag-asa, malamig na tingin, paghahambing, at walang katapusang paboritismo ang sumalubong sa kaniya. Sa mata nila, she was never the daughter they lost—she was an intruder. Isang estranghero sa sarili niyang dugo. Si Morgana, ang adopted daughter na pinalaki nila, ang naging golden child. Palaging tama. Palaging pinaniniwalaan kahit walang ebidensya. Palaging pinipili, kahit mali na. At si Carmelle? Kahit anong gawin niya, palagi siyang mali. Laging siya ang sisi. Mga kasalanang hindi niya ginawa, sa kanya isinisi. Mga gulong hindi niya sinimulan, sa kanya ibinato. Hanggang pati si Anton—ang fiancé niya, ang taong akala niya kakampi niya ay unti-unting lumayo at naniwala sa kasinungalingan. Hanggang isang araw, unti-unting lumabas ang katotohanan. Lahat ng sakit, paninira, at paratang na ibinato kay Carmelle… si Morgana pala ang nasa likod. Hanggang kailan niya kakayanin ang mundong paulit-ulit siyang sinasaktan? Kakayanin pa ba niyang magpatawad kung ang puso niya ay unti-unti nang nagiging bato?
Romance
49 viewsOngoing
Read
Add to library
My Ex and Whys

My Ex and Whys

Sa lahat ng school, may maituturing na Campus curshes, Queen Bee, Ice Princess and Mr & Ms. Popular. Sikat na sikat ang pangalan na Cassandra Monteralba sa isang University sa Maynila hindi lamang dahil sa ganda o talino niyang taglay kundi dahil sa pagiging malamig, supalda, mataray at walang kinikilingan na kahit sino, kaya binansagan itong Ice Princess Pero kahit gaano kataas at lamig ng pader na matagal ng naitayo ni Cassandra ay walang hirap itong binasag at nilusaw ng isang masiyahin, malambing at hindi susuko na si Aubree Gonzales. Magagawa nga bang mapaibig at mapainit ni Aubree ang nagyeyelong puso ni Cassandra? Don't steal my story, this is my original.
LGBTQ+
1013.0K viewsOngoing
Read
Add to library
One Hot Night With The Billionaire

One Hot Night With The Billionaire

[Matured Content/SPG] Si Elle Calys Saavedra, isang probinsyanang napilitang lumuwas ng Maynila upang makapagtrabaho’t makatulong sa kanyang ama na ibangon kanilang nasirang sakahan. Sa tulong ng kanyang tiyahin ay mabilis siyang nakahanap ng trabaho. Buong akala ni Elle ay magiging maayos na ang lahat gayong binigyan siya ng trabaho ng kanyang auntie Levi nang lumuwas siya sa Maynila, ngunit iba ang nangyari. Nang malamang pagiging escort sa isang high-end bar ang trabahong ibinigay sa kanya— isang trabahong pagbibigay ng aliw na alam niyang hindi niya kayang sikmurain, doon na nagsimulang magbago ang buhay niya. Taliwas man sa prinsipyong kinagisnan, kapit-patalim na lamang si Elle dahil wala siyang magawa. Aniya’y para sa pamilya. Isang gabi ay nakilala niya ang isang lalaking may malapad at perpektong mga kilay, singkit ang mga mata, matangos ang ilong, may matikas na panga at aroganteng ngiti sa mga labi. Ang lalaking hindi niya akalaing pag-aalayan niya ng kanyang sarili. Marupok at tanga na nga siguro siya para magpaubaya sa lalaking hindi niya kilala. Mas lalong nagulo ang isip niya sa mga nakitang pagbabago sa lalaking ‘yon. Animo’y dalawa ang personalidad, pabago-bago ang ugali dahilan para umusbong ang galit para sa lalaki. Ngunit nang malaman niya ang katotohanan at nasagot ang mga tanong na bumagabag sa kanya ay mas lalo pa yatang gumulo ang buhay niya. Ilang beses niyang kinuwestyon ang sarili kung sino ba ang napagkalooban niya ng kanyang katawan. Sino nga ba ang lalaking ‘yon?
Romance
1016.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Mayor's Contract Wife

The Mayor's Contract Wife

Isang matapang na dalagang negosyante si Ysabella Cruz na handang gawin ang lahat para mailigtas ang pamilya nila sa pagkakautang—kahit pa ang kapalit ay isang kasunduang kasal. Ang catch? Ang lalaking papakasalan niya ay si Mayor Alaric Dela Vega—bata, makapangyarihan, at misteryosong lider ng kanilang bayan. Hindi inaasahan ni Ysabella na ang lalaking minsang tumulong sa kanya noong kabataan pa sila ay siya ring magiging "asawa" niya ngayon—ngunit sa papel lamang. May sariling dahilan si Mayor Alaric kung bakit pumayag siya sa kasunduan: kailangan niyang mapanatili ang imahe niyang "settled" upang matuloy ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa pulitika. Ngunit habang lumilipas ang mga buwan sa ilalim ng iisang bubong, unti-unting nabubura ang hangganan ng kasunduan. Sa pagitan ng mga scripted na halik sa harap ng kamera at mga gabing puno ng katahimikan, may damdaming unti-unting nagigising. Hanggang kailan sila magtatago sa likod ng kontrata? At kapag dumating ang oras ng pag-pirma ng annulment papers, sino ang unang aatras—ang pusong natutong magmahal o ang pusong takot masaktan muli?
Romance
10838 viewsOngoing
Read
Add to library
Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy

Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy

Nakakulong sa isang kasal na puno ng takot at kontrol, alam ni Calista "Cali" Montenegro na hindi siya basta-basta makakatakas kay Devin Vasquez—isang lalaking sabik sa kapangyarihan at hinding-hindi siya pakakawalan. Matagal na niyang tinitiis ang kalupitan nito, iniisip na wala na siyang ibang pagpipilian. Pero nang magdesisyon siyang maghain ng diborsyo, natuklasan niya ang isang masakit na katotohanan—hindi siya basta-basta palalayain ni Devin nang walang laban. Doon dumating si Lewis Alcaraz. Mapanlinlang, makapangyarihan, at ang taong pinaka-kinaiinisan ni Devin. Inalok niya si Cali ng proteksyong matagal na niyang hinahanap. Pero ang tulong na ito ay may kapalit—isang kasunduang magdudugtong sa kanilang dalawa sa paraang hindi niya inaasahan. Habang ang takot at galit ni Cali ay tuluyang nagtulak sa kanya na lumaban, natagpuan niya ang sarili sa mas kumplikadong sitwasyon kasama si Lewis. Ngunit sa kabila ng panganib, ang pag-aalaga at kapanatagang ibinibigay nito ang muling nagbigay sa kanya ng pag-asa sa pag-ibig. Sa laban ng kapangyarihan, pagnanasa, at pagtataksil—sino ang pipiliin ni Cali? Ang asawang gagawin ang lahat para maangkin siyang muli, o ang lalaking gumugulo sa kanyang isipan at puso?
Romance
2.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Our White Little Secrets

Our White Little Secrets

Synopsis: Sherry Francelia ay isang babaeng tumatakbo mula sa isang impyernong hindi niya pinili—isang mundo ng dugo, kasinungalingan, at kapangyarihan. Sa desperasyon, gumawa siya ng isang mapanganib na desisyon: ang lokohin ang isang lalaking mas mapanganib kaysa sa sinumang humahabol sa kanya. Si Levim Devereux ay isang kilalang mafia boss—malamig, walang puso, at walang sinasanto. Ngunit sa kabila ng kanyang bangis, may isang bagay siyang hindi inasahan: isang babae na walang takot na pumapasok sa kanyang mundo at ginugulo ang kanyang plano. Ang kanilang ugnayan ay nagsimula sa isang kasinungalingan—isang delikadong laro ng panlilinlang at kapangyarihan. Ngunit habang lalong lumalalim ang kanilang koneksyon, nagiging malinaw na may mas malaking pwersang gumagalaw sa kanilang paligid. Nang bumalik ang multo ng nakaraan, napagtanto ni Sherry na walang makatakas sa mundong pilit niyang tinatakasan—lalo na kung ang lalaking dati niyang niloko ay siya na ring kinatatakutan niyang mawala. Sa pagitan ng pagnanasa at panganib, pagtataksil at katotohanan—sino ang unang bibigay? At sa isang mundo kung saan ang tiwala ay isang bagay na maaaring pumatay, paano mo malalaman kung sino ang tunay mong kakampi?
Romance
519 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3738394041
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status