Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Tarinio Castillion: Under His Means

Tarinio Castillion: Under His Means

Tarinio Castillion also known as 'The Castillion Hacker' isang magaling na agent na nabibilang sa secret department. Tagalutas ng kaso at tagapatay ng mga malalaking taong salot sa lipunan.A happy go lucky Castillion. Hindi man siya kabilang sa pitong magkakapatid itinuring siyang isa sa mga ito dahil sa dugong nananalaytay sa kanyang katawan.Womanizer. Fucker. Asshole. Son of a bicth. Lahat na ay nasa kanya, may kayabangan pero may ipagmayabang talaga. Isa siya sa malakas tumawa kapag nakikita niyang umiiyak ang kanyang mga pinsan dahil sa babae. Siya? Siya ang iniiyakan ng mga babae.Wala sa angkan nila ang pangit kaya ginagamit niya iyon para maikama ang mga babae. Bukod sa pagkakama ng mga babae araw araw ay ang pagiging agent ang talagang buhay niya. Pagdakip sa mga anay ng lipunan at mga drug syndicates na sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan.At isa si Amanda Colen Trei sa mga taong iyon. Babaeng ulo ng pinakamalaking sindikato ng ipinagbabawal na gamot sa buong bansa. At si Tarinio ang humawak ng kaso para dakpin ito.Madadakip nga ba niya kung taliwas sa gawain nito ang ipinapakita ng inosenteng mukha ng dalaga?
Romance
104.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Tres Marias: Ada

Tres Marias: Ada

Hindi naging hadlang ang yaman at pribilehiyo upang tuparin ni Atty. Ada Esquivel--- isang matapang at ma-prinsipyong babae--- ang kanyang misyon sa buhay. Bagaman lumaki siyang laki sa yaman at karangyaan, pinili niyang i-alay ang kanyang buhay upang tulungan ang mga mas higit na nangangailangan. Ang kanyang pangalan ay isang malaking tinik sa lalamunan ng mga mayayamang mapang-abuso, sapagkat kilala siya sa pagpanalo ng ng mga kasong isinasampa laban sa ilan sa kanila. Sa kauna-unahang pagkakataon ay natalo siya sa isang kaso. Kasunod nito ay ang kalunos-lunos na pagkamatay ng kanyang dating Propesor. Dahil dito ay mapapadpad siya sa isang malayo at maliit ngunit tahimik na bayan ng Bagong Silang. Sa patuloy na pakikibaka para sa karapatan ng mga taong naninirahan dito, unti-unti ring mabibigyan ng linaw ang sinapit ng kanyang propesor, maging ang misteryo sa likod ng kauna-unahang kasong hindi niya naipanalo ay mabubunyag din. Lingid sa kaalaman ni Ada ang bawat sikretong matutuklasan niya ay magiging mitsa ng kanyang buhay. Makakaligtas kaya siya sa tiyak na kapahamakang nakaabang sa kanya? Posible kayang makatagpo siya ng pag-ibig sa gitna ng digmaan? How much will it take to win against the fight outside the courtroom?
Mystery/Thriller
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Rise of the Fallen Ex-Wife

The Rise of the Fallen Ex-Wife

Harper Mercader, isang babae na ginupo ng pagkakataon. Isang asawa na labis na nagmamahal ngunit naiwan na umaasa at nasasaktan. Muli na babangon at bubuuin ang sarili upang maipaghiganti ang kan'yang puso na nasugatan. Evan Ruiz, isang lalaki na namumuhay sa galit at poot. Walang iba na hinangad kung hindi ang makaganti sa mga tao na nanakit sa kan'ya at sa kan'yang pamilya. Walang pipiliin ang kan'yang puso sa paghihiganti, lalo na sa babae na tinalikuran siya sa kanilang kasal. Sa mundo ng pagkabigo at pag-aalinlangan; Sa mundo na puno ng galit at paghihiganti; Sa mundo ng lokohan at pagtatraydor; May tunay na pag-ibig pa kaya na sisibol?
Romance
1058.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Kindhearted Revenge

The Kindhearted Revenge

Isang bagay na lang ang gustong tuparin ni Shiela De Guzman sa buhay magmula nang mangyari ang insidenteng nagdulot sa kaniya ng sobrang pighati at nagpabago sa buhay na pinapangarap niya. Hustisya. Iyon lang naman ang gusto niyang makuha para sa mga magulang na walang awang pinatay. Ginawa niya ang lahat matupad lang ang mithiing maging isang pulis para ikulong ang mga pumatay sa kaniyang magulang. Sa paghahanap sa mga taong pumatay sa mga magulang ay natuklasan niya rin ang dahilan sa likod ng pagpatay sa mga ito at ang nakatagong lihim sa kaniyang pagkatao. Ang dating mabuting intensiyon na paghihiganti ay napalitan ng poot at karahasan. SHIELA DE GUZMAN! ELA RICARPIO! RAVEN CRUZ! DIVINE MABISCO! Iisang tao, apat na pagkakakilanlan. Sino nga ba siya at ano nga bang totoo sa tunay niyang pagkatao?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
MAYARI

MAYARI

Isigani
Si Mayari na pinoprotektahan ng isang babaylan, ay isang prinsesang niligtas ni Adonis na isang tikbalang. Isang malaking pagsubok ang kakaharapin nito at kakailanganin niya ang isang matinding pagsasanay, malaking sakripisyo para sa misyon ukol sa kapakanan ng bayan ng Maharlika. Pipilitin ni Mayari na makuha ang pamumuno sa palasyo, na hawak ng isang salamangkerong dating kanang kamay ng hari na nagpapahirap sa bayang nasasakupan. Mahihirapan si Mayari sa paghahanap ng mga kasama na aayon sa kanya dahil sa takot ng mga ito na paghigantiahan ng makapangyarihang salamangkero na tumatayong pinuno sa kaharian pagkatapos nitong lasunin ang hari. Sa kaniyang paglalakbay ay makikila niya ang mga kaibigan na tutulong sa kaniya upang magwagi laban sa kay Elyazar na salamangkero. Mahihirapan man, gagawin ng bida ang lahat para maibalik sa kaayusan ang bayan.
Fantasy
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Destined to be Mr. CEO’s Wife

Destined to be Mr. CEO’s Wife

Si Chloe ay ipinagkasundo ng kaniyang mga magulang sa isang Matandang negosyante matapos matalo sa sugal ang kaniyang mga magulang. Pilitin man niya ang kaniyang sarili ay hindi makaya ng kanyang sikmura ang makasama si Valentino ng dahil lamang sa kasalanan ng kaniyang mga magulang. Hanggang mag krus ang landas nila ni Riley at mabuo ang kanilang isang gabing pinagsaluhan. Tumakas si Chloe sa kasal nila ni Valentino Rosso sa tulong ng kanyang kaibigang si Kean, ngunit dahil sa kahihiyan ay sinundan siya nito sa ibang bansa at nag eskandalo sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Dumating naman si Riley para ipagtanggol niya si Chloe sa mga magulang nito at kay Valentino. Abangan ang mga susunod na mangyayari sa pagitan ng mga magulang ni Chloe at mga gulong ihahatid nito ng dahil sa pagpili ni Chloe na manatili sa piling ni Riley .
Romance
1019.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The Rival's Mistress

The Rival's Mistress

Dati niyang asawa, hindi lang siya tinalikuran—pinapatay pa. Sa isang gabi ng pagtataksil, muntik nang mamatay si Alina sa kamay ng mga tauhan ng lalaking minsan niyang minahal. Pero sa isang iglap, isang maling liko, at isang desperadong hakbang, napadpad siya sa sasakyan ng pinaka-ayaw ng ex niyang lalaki... si Damian Velasco, ang pinakamalupit na karibal sa negosyo. "Hirap ka bang magpasalamat, Mrs. Montenegro?" malademonyong bulong ng lalaki. "O gusto mong ipakita na lang sa ibang paraan?" Isang kasunduan ang binuo sa init ng gabi: ililigtas siya ni Damian, pero kapalit nito… magiging kanya siya. Sa kama. Sa piling niya. Hanggang sa tuluyan niyang makuha ang kanyang paghihiganti. Pero paano kung sa gitna ng pagkukunwari, may ibang apoy na mamagitan sa kanila? Isa bang laban ito… o isang bagong simula?
Romance
382 viewsOngoing
Read
Add to library
The Proposal

The Proposal

Kimberly De Leon
Si Alex Rivera ay isang Assistant Writer sa isang Television Company. Pangarap niyang makapagsulat ng sarili niyang drama at makilala rito. Mabait, pursigidong maabot ang pangarap, at mabuting anak sa mga magulang. Tutol ang ama ni Alex sa pagiging writer niya. Sa hindi inaasahang pangyayari ay kinakailangan niyang umalis sa tinitirahan niya. Kailangan niyang humanap ng bagong niyang matitirahan kung hindi ay pauuwiin siya ng kanyang ama sa probinsya at patitigilin siya nito sa pagsusulat. Nakahanap siya ng taong naghahanap ng housemate sa tulong ng kaniyang kaibigan. Lumipat agad siya sa bahay nito ng hindi inaalam ang ibang detalye sa magiging kasama niya. Dahil sa magkasalungat na lifestyle ay hindi sila nagkikita ng housemate niya. Isang araw ay nalaman niya na lalaki pala ang housemate niya. Lalaki? Paano, isang babae at isang lalaki sa iisang bahay? Paano kapag nalaman ito ng kanyang ama? Paano ang kaniyang mga pangarap? Dahil sa pagiging desperado ay tinanong niya ang lalaki " Pwede mo ba akong pakasalan?"
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Unexpectedly Yours, Doctor

Unexpectedly Yours, Doctor

One night is all it takes. Si Celeste Ramirez ay isang nurse na tutok sa trabaho at walang oras para sa kahit anong abala—lalo na sa pag-ibig. Pero sa isang medical conference na puno ng alak, musika, at kasiyahan, nagising na lang siya sa isang hindi pamilyar na kama, walang saplot, at walang maalala,maliban sa mapusok na init ng isang gabing kasama ang lalaking hindi niya kilala. Ilang araw ang lumipas—dalawang linya sa pregnancy test ang bumungat sa kanya. Wala ito sa plano niya. Wala siyang balak maging ina. At lalong wala siyang ideya kung sino ang ama ng dinadala niya. Handa na siyang tapusin ang lahat ng tahimik at walang komplikasyon. Pero sa mismong clinic kung saan siya magpapalaglag, isang pamilyar na mukha ang sumalubong sa kanya—ang bagong doktor na hahawak sa kaso niya. Ay ang lalaking kasama niya sa gabing iyon. Ito na kaya ang ama ng kanyang dinadala? O may mas higit pang rason kung bakit sila muling pinagtagpo ng tadhana?
Romance
10725 viewsOngoing
Read
Add to library
Boyfriend Hunt

Boyfriend Hunt

CowardTheBrave
Si Eli ay isang huwarang estudyante at kasalukuyang nangunguna sa kanilang klase. Kilala siya bilang isang tahimik na tao at walang interes sa ibang bagay bukod sa pag-aaral. Iyon na rin siguro ang isa sa pinakadahilan kung bakit walang maituturing na kaibigan sa school si Eli. Lingid sa kaalaman ng kanyang mga kaklase, si Eli ay isang closeted gay. Dahil sa fear of rejection at mahusgahan ng iba, mas pinipiling mapag-isa ni Eli kaysa makihalubilo sa kanyang mga kaklase. Isang gabi habang nagrereview si Eli para sa isang exam kinabukasan, napukaw ang kanyang atensiyon sa isang online advertisment. Ito ay isang 'dating' application na tinatawag na MATCHED, na kung saan ay maaari kang makakilala at makatagpo ng taong para sa iyo... As a gay person. Dahil sa masidhing kuryusidad ay dali-daling dinampot ni Eli ang kanyang cellphone para idownload ang MATCHED para simulang hanapin ang taong kukumpleto sa tinatago niyang pagkatao. Have you ever tried to use an app to find a lover? Let the hunt begin.
LGBTQ+
108.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
4142434445
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status