Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE BILLIONAIRE’S REPLACED WIFE (SSPG)

THE BILLIONAIRE’S REPLACED WIFE (SSPG)

LOVE blooms in unexpected circumstances. Pinilit ipakasal si Hannah sa isang lalake na sa tanang buhay niya ay hindi niya pa nakikita at ang masaklap pa ay pangit at may taning na ang buhay ng tatlong buwan. Siya ang ipinalit na bride ng mga magulang niya nang basta- basta na lang lumayas ang nakakabata niyang kapatid na may isang taong agwat sa kanya na parang kakambal niya na rin. Baon at nalugi na sa utang ang negosyo nilang mag-anak kung kaya’t upang maisalba ito ay kailangan niyang magsakripisyo at magpakasal sa estranghero. Paano na lang kung sa araw mismo ng kasal niya ay masilayan niya ang pinakaperpekto at makisig na lalake na walang iba kung hindi ang kanyang groom na isa pa lang multi-billionaire at eligible bachelor sa buong bansa at higit sa lahat ay hindi pa mamamatay at tinatago lang ang totoong katauhan nito. Mahuhulog kaya siya kay Hanz Leonard Carlson na sobrang lambing at mabait pala.? Paano kung magbabalik si Heleana at iladlad siyang nagbabalat-kayo lamang sa katauhan ng kanyang kapatid kung kailan natutunan niya ng ibigin ang kanyang asawa, magbabago kaya ang pagtingin sa kanya ng asawa sa kabila ng kanyang kasinungalingan? Pipiliin kaya siya ni Hanz na isa lamang siyang impostora o si Heleana na siyang una at tunay nitong fiancee?
102.6K viewsOngoingAdded to Library 73 Times as sobrang sakit ng ulo
Read
+Library
Uncle Baby Daddy

Uncle Baby Daddy

Matapos mahuli ni Ashley Tan ang kanyang boyfriend na si Oscar na nagtaksil sa kanya kasama pa ang sarili niyang pinsan, nagdesisyon siyang lunurin sa alak ang sakit at hiya. Pero sa halip na makalimot, isang gabi lang ang nagbago ng lahat. Isang gabing kasama niya ang lalaking hindi niya dapat pinangarap kahit kailan: si Frank Roswell, ang Uncle ng ex niya.
10849 viewsOngoingAdded to Library 30 Times as sobrang sakit ng ulo
Read
+Library
UNCHAINED MY HEART

UNCHAINED MY HEART

Si Michael Luna ay isang bilyonaryong abogado, malakas ang dating at malamig ang titig—parang pader na imposibleng maabot ng sinuman. Sa kanyang mga kamay, ang batas ay isang larong kanya nang napagtagumpayan.Siya ang bilyonaryong tagapagmana ng Luna Hotelier, isang marangyang hotel chain na itinayo ng kanyang pamilya, at may-ari ng Luna Law Firm, ang pinakaprestihiyosong law office sa bansa. Ngunit sa kabila ng yaman at kapangyarihan, si Michael ay tila baga natutulog na bulkan, puno ng galit at pagkamuhi sa pagmamahal, isang damdaming sinira ng isang taong kanyang minahal at pinagkatiwalaan nang lubusan. Si Michael ay may nakaraan na puno ng sakit—si Isabella Lopez, ang kanyang dating fiancée, ay nagtaksil sa kanya kasama ang kanyang pinakamatalik na kaibigang si Brent. Ang pagtataksil ay natuklasan ni Michael dalawang araw bago ang kanilang kasal, nang makita niya ang kanyang fiancée sa kompromisong sitwasyon sa loob ng condo nito. Labis na nasaktan, si Michael ay kumuha ng video bilang ebidensya ng kanilang pagtataksil at plano niyang isiwalat ito sa mismong araw ng kasal. Mula noon, isinumpa niya ang pag-ibig at naging mailap sa mga babae. Ngunit ang pusong matagal nang sarado sa pagmamahal ay biglang nayanig nang makilala niya si Jasmine Estrada, isang matapang at makatarungang prosecutor sa Pasig Police Department. Sa kabila ng kasikatan bilang “diyosa” ng departamento, si Jasmine ay may paninindigan at puso para sa mga naaapi—isang bagay na labis na humanga kay Michael. Sa bawat pagharap nila sa korte, sa bawat tunggalian ng prinsipyo at batas, unti-unting nabuksan ang pinto ng kanyang pusong matagal nang nakakandado. Magiging handa kaya si Michael na buksan ang kanyang puso para kay Jasmine, o patuloy siyang magiging bilanggo ng nakaraan? At si Jasmine, kaya ba niyang lumaban hanggang dulo sa pagmamahal niya sa lalaking puno ng sakit at galit?
105.4K viewsCompletedAdded to Library 129 Times as sobrang sakit ng ulo
Read
+Library
Trapped With The Crippled Billionaire

Trapped With The Crippled Billionaire

Limang taon ang lumipas mula nang magkalamat ang pangako nilang panghabambuhay—pag-ibig na nauwi sa paglayo at pagdurusa. Ngayon, muli silang nagtagpo. Mapapawi kaya ng panahon ang sakit ng nakaraan, o mananatili itong sugat na hindi na maghihilom? Para kay Angela, tapos na ang kanilang kwento, kwentong ayaw na niyang balikan pa. Pero para sa bilyonaryo, “As long as it’s you, there will be more chances.”
108.8K viewsOngoingAdded to Library 307 Times as sobrang sakit ng ulo
Read
+Library
Thorn Between Duty And Desire

Thorn Between Duty And Desire

Si Anathalia Eirah Dela Rosa ay ang pinakatampok na halimbawa ng isang spoiled brat—matigas ang ulo, impulsive, at sanay na laging makuha ang kanyang nais. May matalim na dila at pusong puno ng mapanghimagsik na lakas, hindi siya kailanman kailangang sumagot sa sinuman, lalo na sa isang lalaki. Ngunit magbabago ang lahat nang makilala niya si Kaelion Isolde Vesperas, isang kalmado at mahinahon na gobernador na may pusong kasing matibay ng kanyang awtoridad. Walang pakialam si Kaelion sa mga charm ni Anathalia, at wala ni isang bagay ang nakakagulo sa kanyang mahinahong anyo—lalo na hindi isang maapoy na babae na akala niya’y kaya niyang pabagsakin. Habang sanay si Anathalia na ang mga tao ay yumuyuko sa kanyang gusto, nananatiling matatag si Kaelion, hindi tinatablan ng kanyang mga tantrum at maligalig na pagtatangkang mapansin siya. Habang ang magaspang na ugali ni Anathalia at mga pang-aakit ay hindi nakakalusot sa malamig na pagtanggap ni Kaelion, natutuklasan niyang hindi basta-basta mananalo ang kanyang puso. Kailangan niyang magbago at matutunan ang kahalagahan ng pagiging bukas, isang bagay na hindi pa niya kailanman inaalok. Sa isang mundong kung saan nagtatagpo ang pagnanasa at kapangyarihan, ang magkaibang impulsiveness ni Anathalia at ang mahinahong pagpipigil ni Kaelion ay nagbabanggaan sa isang laban ng mga kalooban. Magagawa kaya niyang iwaksi ang kanyang pagiging spoiled upang makuha ang respeto—at marahil pati ang pagmamahal—niya? O hahantong ba ang mga whim ng kanyang puso sa isang landas ng pagkabasag ng puso? @cursebyharrrt Date Started: November 28,2024 Date Finish: Status: On-going A/N: Slow Update, please bare with the writer.
894 viewsOngoingAdded to Library 19 Times as sobrang sakit ng ulo
Read
+Library
Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire

Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire

Desperada nang iligtas ni Irina ang kanyang ina mula sa malubha nitong sakit, kaya naman nang mabigyan siya ng oportunidad na kumita ng malaking pera kapalit ng kanyang katawan ay hindi na niya iyon tinanggihan pa. Ngunit hindi niya akalain na kakambal nito ay isang panganib na tuluyang babago sa kanyang buhay—na naging dahilan upang mapilitan siyang pakasalan ang walang pusong si Alec Beaufort, ang CEO ng Beaufort Enterprises. Na kahit anong pagtakas ang kanyang gawin, nahahanap pa rin siya nito at ikinukulong sa marahas nitong mga bisig.
8.243.1K viewsOngoingAdded to Library 1.1K Times as sobrang sakit ng ulo
Read
+Library
Billionaire's Legal Wife (Taglish)

Billionaire's Legal Wife (Taglish)

Akala ni Luna, magiging katulad ng sa mga magulang niya ang buhay-pag-ibig niya—isang "happy ending" na puno ng tamis at saya. Pero nagkamali siya. Dahil sa likod ng marangyang buhay kasama ang bilyonaryong asawa na si Caleb, may mga madidilim na sikretong unti-unti siyang dinudurog. Natuklasan ni Luna ang isang masakit na katotohanan: Noong bago pa lang silang magkarelasyon, may nabuntis na pala si Caleb at itinago ito sa kanya sa loob ng mahabang panahon. Sa kabila ng pagtataksil na ito, mas pinili ni Luna ang magmahal kaysa magalit. Sinisi niya ang sarili dahil hindi siya magkaanak—iniisip niyang kaya lang nagawa iyon ni Caleb ay dahil sa sobrang paghahangad nito ng isang pamilya na hindi niya maibigay. Dahil sa takot na mawala ang lalaking mahal niya, tinanggap niya ang bata... pati na ang kabit ni Caleb sa loob ng sarili nilang tahanan. Ngunit hanggang kailan kaya ni Luna ang magtiis? Araw-araw niyang nakikita ang kabit ng asawa sa sarili niyang bahay, unti-unting kinukuha ang kanyang pwesto, at dahan-dahang pinapalitan siya sa puso ni Caleb. Hanggang kailan mananatiling "Legal Wife" si Luna kung ang sarili niyang bahay ay naging kulungan na ng kanyang pait at selos? Kakayanin ba niyang ilaban ang pagsasama nila, o huli na ang lahat para sa kanyang masayang pangarap? "Ako ang legal, ako ang asawa; pero bakit sa sariling bahay, ako ang laging kawawa? Ako ang reynang may korona sa paningin ng iba, pero sa puso ng asawa ko, may nakasingit nang iba."
294 viewsCompletedAdded to Library 6 Times as sobrang sakit ng ulo
Read
+Library
exclusively Yours

exclusively Yours

Hindi akalain ni Alexa Perez na makakaranas siya ng pagtataksil mula sa dalawang tao na malapit sa kanyang puso. Ikakasal na siya at ang nobyo niya nang madiskubre niyang may lihim itong relasyon sa kanyang matalik at nagiisang kaibigan. Dahil sa sakit na dulot ng pagtatasil ng nobyo ay naisipan niyang maghiganti rito. Nangahas siya na akitin at ialok ang kanyang sarili sa isang gwapo at batang tiyuhin ng kanyang nobyo. Hindi pinagsisihan ni Alexa ang nagawa niya, kahit na ang lalaki na binigyan niya ng kanyang kapurihan ay bigla siyang iniwasan. Sa araw mismo ng kanyang kasal ay hindi lumitaw si Alexa, bigla na lang siyang naglaho dala-dala ang isang munting bagay na siyang magbabago ng buong buhay niya.
9.95.7K viewsOngoingAdded to Library 181 Times as sobrang sakit ng ulo
Read
+Library
One Night with the Ruthless Billionaire

One Night with the Ruthless Billionaire

Ravenna Ylianna Ocampo, isang babaeng naghahangad lamang na mahalin nang isang matinong lalaki. ‘Yong tunay, at hindi lamang sa taglay niyang ganda, o yaman ng kaniyang pamilya. Ilang beses siyang nabigo, at nasaktan, dahil puro lang naman pera ang nasa isipan nila, idagdag na ang paghahangad ng mga ‘to sa kaniyang katawan. But the pain vanished when she met a man named Killian Adler Rivanov. A handsome billionaire that owns a bunch of business at a young age. Madalas siyang pagkaguluhan ng mga babae, na kahit sobrang lamig na ng pakitutungo nito sa mga ‘to ay hindi pa rin siya tinatantanan. “You’re crying because of a boy?” he asked, looking straight into her eyes as he let out a mocking laugh. “He already got the diamond that he wanted and yet, he let it slipped away.” Killian wrapped his arms around her waist, trapping her in his arms so she wouldn’t runaway. With his intense stare, he use that as a weapon to make her knees tremble. “Be with me tonight, woman, and I’ll let you experience the love that you’re looking for.” ‘Yong isang minutong kasama niya ang binata ay halos hindi na siya makahinga nang maayos, at tila nahihirapan, paano na lang kaya ‘yong isang gabi na kasama niya ‘to?
1.0K viewsOngoingAdded to Library 22 Times as sobrang sakit ng ulo
Read
+Library
Yurich Martinez: One Hot Night With You

Yurich Martinez: One Hot Night With You

SPG/R-18+ Hindi inaakala ni Jhen Paulin Rosales na magbabago ang buhay n'ya dahil sa sobrang kalasingan. Nagtungo siya mag-isa sa discohan para mabawasan ang inis n'ya sa daddy niyang nag-uwi ng babae sa bahay nila at may bitbit pang dalawang anak na feeling sila ang totoong anak ng daddy n'ya at siya ang sampid. Doon nagkrus ang landas nila ni Yurich Martinez. Hindi malaman ni Jhen kung lasing lang ba ang hindi pa kilalang lalaki o may halong droga ang alak nito dahil nakikiusap na tulungan siya at nauwi ito sa pagtatalik. Kinaumagahan, shocked si Jhen dahil ang bata pa n'ya. Eighteen pa lang siya at second year college pa lang siya at kapag nalaman ng daddy n'ya ay tiyak na itatakwil siya nito. Kaya sa labis na taranta ni Jhen, hindi na niya pinagkaabalahan na silipin ang naka siping n'yang lalaki dahil nakatalikod ito sa kaniya. Kaya kahit masakit ang katawan, nilisan ni Jhen ang hotel at sigurado naman si Jhen na hindi na sila magkikita ng lalaking naka-sex dahil pareho nilang hindi namukhaan ang isa't isa.
10571 viewsOngoingAdded to Library 13 Times as sobrang sakit ng ulo
Read
+Library
PREV
1
...
3334353637
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status