Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Married to the Prominent Family's Adopted Son

Married to the Prominent Family's Adopted Son

Arranged-marriage sa isang kilalang angkan sa bansa, ang mga Lopelion. Ngunit sa halip na matuwa ay nadismaya pa si Luna Fajardo nang makasal sa huwad na Lopelion. Si Marcus, ang adopted son ng pamilya. Isang warden prison, hindi tanyag at walang pangalan sa lipunan. Sa paanong paraan mapapakinabangan ng pamilya niya ang isang ampon? May mabuti bang maidudulot ang pagpapakasal niya rito? O, kamalasan lamang ang hatid nito sa pamilya at buhay niya?
Urban
1011.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Underground Society: Love On The Brain

Underground Society: Love On The Brain

Eu:N
Nalaman ni Araceae na buhay pa ang tunay niyang magulang kaya tumakas siya sa bahay ampunan upang hanapin ang mga ito. Kasama niyang tumakas ang matalik na kaibigang si Ertan, ngunit nahuli sila sa lansangan ng isang sindikatong grupo. Kasama ng iba pang kabataan, dinala sila sa isang underground human auction, dito nagkahiwalay si Araceae at Ertan. Napunta si Araceae sa kamay ni Kaya, ang binatang may malaking galit sa kanya. Naging miserable ang buhay ni Araceae sa kamay ni Kaya, sinapit niya ang parusa sa isang kasalanang hindi naman niya ginawa. Sa kagustuhan na mabuhay tumakas si Araceae sa malupit na lalaki, nagtagumpay siya ngunit ang alaala niya ang naging kapalit nito. Nagising si Araceae sa isang maliit na isla at nakilala ang matandang mag-asawa, dito nabuhay siya bilang si Aris. Paglipas ng dalawang taon, nakilala ni Araceae si Temur, isang mayamang binata na taga Maynila. Inibig nila ang isa't-isa at pagkatapos ng kasal, dinala siya ng asawa sa Maynila upang doon manirahan. Sa pagtira niya sa mansion, nakilala ni Araceae si Kaya Flegenheimer, ang CEO ng FHMer Corporation at nakatatandang kapatid ni Temur. Sa pagbabalik ng lalaking lumapastangan at nagpahirap sa kaniya. Magbalik na kaya ang alaala ni Araceae? Madiskubre kaya niya ang lihim sa likod ng tunay niyang pagkatao? Ano ang gagawin ni Kaya oras na makitang muli ang babaeng minahal at nagtraydor sa kanya?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Last Vampire Chronicles TAGALOG

The Last Vampire Chronicles TAGALOG

Ilang libong taon nang pinaghaharian ng angkan nina Timothy ang kaharian ng Zowol. Isang tagong mundo, kung saan mga naagnas na katawan ng mortal o kadalasan tawagin na zombie sa mundo ng mga tao. Sakop rin nila ang lahi ng mga lobo, kung saan sa pagdaan ng maraming henerasyon ay nagkaroon na ng pagkakabuklod at pagkakaisa sa bawat panig sa pagitan ng magkaibang lahi. Ngunit isang lahi ang hindi sang-ayon sa panukalang pag-isahin ang lahat. Ito ang mga lahi ng bampira, kung saan una silang napadpad sa mundo ng Acerria. Sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng malaking digmaan sa pagitan ng mga Zowol at bampira na tumagal din ng ilang siglo. Sa labanan na naganap ay tuluyan nagapi at naubos ang mga lahi ng bampira. Pero iyon ang inaakala ng lahat, dahil may nag-iisang natira sa mga lahi nila. Si Kendra--- ang anak ng Hari ng mga bampira kay Aliyah, isang mortal na nakatakas bago maubos ng Zowol ang lahi ng bampira. Patuloy ang paghahanap sa nasabing huling bampira, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling walang pagkakakilanlan nito. Tanging ang pilat na kalmot sa likuran nito na ginawa ng hari ng mga lobo ang palatandaan dito. Sa pagdaan ng mga taon, tuluyang kinalimutan ang paghahanap dito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay muling hahanapin si Kendra. Dahil nakasalalay sa huling dugo ng bampira ang kaligtasan ng mundong kanilang ginagalawan na nangnganib mawasak sa hinaharap...
Other
1020.3K viewsCompleted
Read
Add to library
SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)

SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)

Simoun Montalvo... Panganay sa tatlong magkakapatid na Montalvo. Matalino, mayaman at lahat ng bagay ay nakukuha nito dahil sa dala-dala nitong apelidong Montalvo. Ngunit sa kabila ng mga ito, ang isang katulad ni Simoun Montalvo ay nanatiling nakakulong sa nakaraan na pilit nitong kinakalimutan. Simula ng mabigo ito sa unang pag-ibig ay hindi na ito nagtiwala sa mga babae... at ang gusto na lang nitong gawin ay ang paglaruan ang mga ito. Hanggang sa nakilala nito ang isa sa mga flight attendant nito sa sarili nitong Airline Company, si Samantha Gomez. Isa itong magaling at professional na emplayado. Lingid sa kaalam nito ay lihim na nagbighani si Simoun sa akin nitong ganda at karisma. Pero katulad ni Simoun ay hindi rin ito naniniwala sa totoong kahulugan ng pag-ibig matapos itong iwan ng mga magulang at maging produkto ng isang broken family. Magtatagumpay kaya si kupido na pagsamahin ang dalawang tao na parehong walang tiwala sa pag-ibig? Abangan...
Romance
1011.3K viewsCompleted
Read
Add to library
His Secretary's Secret

His Secretary's Secret

Nagsimula ang lahat sa pagiging Fubu nilang dalawa hanggang sa humantong sa bawal na pagmamahalan sa apat na sulok ng office
Romance
10338 viewsOngoing
Read
Add to library
Ruthless: Nicholas Buenaventura (Tagalog)

Ruthless: Nicholas Buenaventura (Tagalog)

Buenaventura Trilogy: One Nicholas Buenaventura is a certified bachelor at halos umikot na ang buhay niya sa dalawang bagay; pera at negosyo. In short, Workaholic. Minsan na siyang nagmahal ngunit dahil sa ginawa sa kaniya ng babaeng minahal niya ay tuluyan nang nagbago ang pananaw niya sa pag-ibig. Paano kung dumating ang babaeng isa sa magpapasakit sa ulo niya? Maari kayang maibalik ang dating siya? Ang dating seryoso sa pag-ibig?
Romance
9.923.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire

Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire

Sawang asawa na si Graciella sa palaging panunumbat ng tiyahin sa kaniya. Makipagblind date siya sa isang lalaki sa pag aakala na iyon ang taong sasalba para maka alis sa poder ng tiyahin. Paano kung hindi pala dapat si Menard Young ang dapat na ka blind date? Sisibol kaya ang pag-ibig sa dalawang nilalang na ang pakay sa pavpapakasal ay para lang takasan ang panggigipit ng pamilya?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
A Deal With The Billionaire

A Deal With The Billionaire

Si Lyrica ay galing sa isang pamilya sa probinsiya, siya ay sumubok makipagsapalaran sa Maynila. Doon ay nakilala niya ang binatang si Lucian, inalok siya nito ng isang kasunduan, isang kasunduang hindi niya mahindian. Ano kaya ang mangyayari sa kasunduan ng dalawa? Mahuhulog kaya ang loob nilang dalawa sa isa't isa? Ano ano kaya ang mga sikretong mabubunyag sa pagpasok nilang dalawa sa kasunduan?
Romance
1075.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Accidentally Pregnant in One Night Stand

Accidentally Pregnant in One Night Stand

BABALA: Ang kwentong ito ay hindi angkop sa mga menor de edad. Naglalaman ito ng maraming eksena ng RATED SPG ( Striktong Patnubay at Gabay) 🔞 Dahil sa kalasingan hindi aakalain ni Christina na may mangyayari sa kanila ni Jake Downson, ang anak ng karibal ng kanilang pamilya pagdating sa business industry. Gusto niya na lamang ibaon ang pagkakamaling iyon sa limot at kalimutan ito ngunit nagbunga ito at naging dahilan ng muling pagkakainitan ng kanilang mga pamilya. Para maisalba sa kahihiyan ang kanilang pamilya, ipinagkasundo silang ikasal para sa magiging anak nila ngunit may problema. Mayroon nang nagmamay-ari sa puso ni Jake, si Celine. Paano haharapin ni Christina ang galit ni Jake? Dahil sa kaniya ay nasira ang relasyon nito sa kaniyang nobya.
Romance
1062.4K viewsCompleted
Show Reviews (8)
Read
Add to library
Sammaezy
Hello po good evening sa lahat. I'm very sorry po sa lahat ng antay. Tapusin ko lang ang MAB ko sa kabilang story tas babalikan ko kayo. Okay??By Monday baka Maka update na ako dito. If you want to read my other story, basahin niyo po. Contracted night with Billionaire ang title.
Analyn Bermudez
Ms Author maari ba magtanong?? mga ilang kabanata pa ang aabutin nito bago ending?? haha sori pow akala ko pag naging okay na sila mag asawa ending na..hindi pa pala KC anjan pa ung mga kontrabida kay Christine haha
Read All Reviews
Doctor 's Bargain Wife (Series 2)

Doctor 's Bargain Wife (Series 2)

Sypnosis Mula pagkabata, hindi na naranasan ni Venisse ang init ng tunay na pamilya. Sa murang edad, natutunan niyang tumayong mag-isa—kahit pa ibig sabihin niyon ay isakripisyo ang sariling pangarap. Sa edad na 23, isang hindi inaasahang pagbubuntis ang tuluyang gumiba sa plano niyang buhay. Unti-unting nawala ang pag-asa. Araw-gabi siyang kumakayod—kahit anong trabaho, mapasukan lang. Para sa gamot, check-up, at isang kinabukasang hindi pa sigurado. Hanggang sa dumating ang panahong wala na siyang pagpipilian. Pumasok siya bilang GRO sa isang kilalang bar—isang trabahong kailanma’y hindi niya inakalang papasukin. Sa bawat ngiti at aliw sa mayayamang bisita, pinipilit niyang itago ang lungkot at takot sa likod ng mata. At doon sila nagtagpo—ni Dr. Kurt Navarro. Isang gabi, isang emergency. Ang batang dinadala ni Venisse sa sinapupunan, nalagay sa panganib. Isang komplikasyon. Isang mahal na operasyon. Isang bayarin na hindi niya kayang pasanin. At sa gitna ng kaguluhan, may inalok si Kurt. Isang kasunduan. Anim na buwang kasal. Walang emosyon. Walang label. Puro papel at pirma. Kapalit: kaligtasan ng anak niya. Pero paano kung habang lumilipas ang bawat araw, unti-unting lumambot ang pusong matagal nang pinatigas ng sakit? Paano kung sa likod ng kontrata, unti-unti niyang nararamdaman ang bagay na hindi kasama sa usapan? Pag-ibig. Isang kasunduan. Isang kasinungalingan. Isang pusong unti-unting bumibigay. Pero sa dulo ng anim na buwan… pipirma ba sila para sa wakas? O para sa panibagong simula?
Romance
9.8714 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3132333435
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status