Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
BE MY WIFE

BE MY WIFE

Para kay Dhalia Augustine Madrigal, ang buhay ay isang serye ng pagsubok—lalo na nang tanggapin niya ang trabahong maging sekretarya ng malupit at istriktong bilyonaryo, si Henri Yanno Garciaz. Habang lahat ng naunang sekretarya ay hindi nagtagal, siya lang ang nagtiis at nakasabay sa ugali nito. Ngunit hindi niya inasahan na ang trabahong ito ang magdadala sa kanya sa isang alok na magpapabago sa kanyang buhay. Isang kasal kapalit ng sampung milyong piso. Para kay Henri, si Dhalia ang perpektong sagot upang makaiwas sa isang sapilitang kasal sa kanyang unang pag-ibig. Ngunit sa kabila ng kasunduang iyon, hindi niya maitanggi ang lumalalim niyang damdamin para sa babaeng laging naroon para sa kanya. Unti-unting nagbago ang kanilang relasyon, at sa kabila ng mga pagsubok, natagpuan nila ang tunay na kaligayahan sa isa’t isa. Ngunit sa isang iglap, nagbago ang lahat. Isang rebelasyong nag-ugat sa nakaraan ang gumulo sa buhay ni Dhalia—isa pala siyang Lim, kapatid ng dating minahal ni Henri. At ang mas matinding dagok, isang larawan ang sumira sa kanilang tiwala—isang larawan na nagpatunay na may ibang babae si Henri. Sa gitna ng sakit at kahihiyan, pinili niyang lumayo, dala ang lihim na siya rin ay nagdadalang-tao. Limang taon ang lumipas, at sa kabila ng pagtatago ni Dhalia, hindi siya tinantanan ng lalaking minsan niyang minahal. Ngayon, muling bumalik si Henri sa buhay niya, handang patunayan ang isang bagay—na sa kabila ng lahat, si Dhalia lang ang babaeng nais niyang makasama habambuhay. Ngunit sapat ba ang pagmamahal upang paghilumin ang sugat ng nakaraan?
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Bastarda Series-√: The Melody of HEARTBREAK

Bastarda Series-√: The Melody of HEARTBREAK

Sa mundo ng musika at pag-ibig, kilalanin si Rasselle, isang dalagang kolehiyala na may talento sa pagkanta at may pusong sensitibo. Ngunit ang kanyang buhay ay nagbago nang makilala niya si Rage Hidalgo, isang kaakit-akit ngunit misteryosong lalaki na nagdala ng bagong pag-ibig at pagkakamali sa kanyang buhay. Sa kanilang pagmamahalan, natuklasan ni Rasselle ang mga lihim na nakatago sa likod ng mga ngiti at halik ni Rage. Ang mga lihim na ito ay magdudulot ng sakit at pagdurusa sa kanilang relasyon. Habang si Rasselle ay nagpupumilit na malampasan ang mga pagsubok sa kanilang relasyon, natuklasan niya rin ang mga katotohanan tungkol sa kanyang mga magulang at sa mga dahilan ng kanilang pagtutol sa kanilang relasyon. Sa gitna ng mga pagtataksil at pagdurusa, magagawa ba ni Rasselle na patawarin si Rage at muli niya itong tanggapin pabalik sa kanyang buhay? O magtatapos na lang ba ang kanilang relasyon sa isang malungkot na paghihiwalay? Sundan ang kwento ng dalawang taong nagmamahalan sa gitna ng mga pagsubok at pagtataksil sa "The Melody of Heartbreak" ni J.C.E Cleopatra.
Mafia
10825 viewsOngoing
Read
Add to library
The Hidden Princess

The Hidden Princess

Aziria Izzy Sullvian? Lumipat sa sariling pagmamay-aring paaralan nila o sabihin na nating stock-holder ang tatay niya. Ang dalaga ay nagtatago mula sa mga kaniyang magulang sa kadahilanang lubos na ikinagalit at ikinalungkot nito. Dito mag-uumpisa ang kalbaryo ng kaniyang buhay na takbuhan ang mga bodyguards ng kaniyang tatay. Itago ang totoong pagkatao at umaktong hindi kilala ng lahat.Tago nang tago ang dalaga hanggang siya na mismo ang sumuko. Ano na naman bang magiging buhay niya kapag nasa poder na naman siya ng kaniyang mga magulang? Lalago ba ang kaniyang galit dito? O permanente na siyang hawak-hawak ng kaniyang mga tinataguan?Ang paaralan ang magpapahirap sa kaniya ngunit doon niya rin makikita ang taong hindi niya inakalang mamahalin niya. Mali ba ang kaniyang pagdedesisyon? Mali ba ang tinatahak niyang daan? Ang katigasan ba ng kaniyang ulo ang magpapahamak sa kaniya?Ms. Aziria Izzy Sullvian, hide!
Romance
108.6K viewsCompleted
Read
Add to library
In The Hands Of The Mafia Boss

In The Hands Of The Mafia Boss

Hindi akalain ni Hannah na sa pagbalik niya sa bisig ng kaniyang mga magulang ay mapapalitan na ang kanilang pagmamahal dahil lang sa isang ampon ng kanilang pamilya. Kung sa mata ng iba, itong ampon ay napaka bait at di makabasag pinggan pero ang katotohanan ay malayo sa alam nila. Pero sa pagpasok ni Raymond Olivarez sa buhay niya, naramdaman niya ang pagmamahal na di nasusukat. "Iwan ka man ng iba, but I will not do the same thing to you, Hannah," nakangiting sabi ni Raymond. Hindi niya din akalain na ang business man na si Raymond Olivarez pala ay may itinatagong ibang katauhan bilang boss ng "Black Eagle" na isang Mafia sa pilipinas. Siya na nasa kamay ng Mafia Boss, magiging maganda ba ang kaniyang buhay pagkatapos makamit ang hustisya na gusto niya o pasimula lamang iyon bago mahukay ang isang deep rooted sydicate na salot sa lipunan?
Mafia
262 viewsOngoing
Read
Add to library
Bastarda Series-|: When love finds a way

Bastarda Series-|: When love finds a way

Isadora Ajaziah Falcon 20 year old. Ang nag iisang anak na bastarda at nawawalang tagapagpag mana ng Pamilyang Falcon. Siya ay biktima ng child trafficking noong sanggol pa lang. Lumaki si Isadora na mahirap lang at dahil sa kagustuhan niyang makapagtapos ng pag-aaral sa Manila. Hindi na sya nagdalawang isip, nang magkaroon sa lugar nila ng programa para sa libreng pag aaral sa kolehiyo hindi nya pinalampas ang pagkakataon na iyon. Ano kaya ang kapalaran na naghihintay kay Isadora sa pagluwas niya ng Manila? Siya ba mismo ang makakatuklas kung ano ba talaga ang tunay niyang estado sa buhay? O malalaman lang niya ang katotohan sa lalaking makikilala niya na si Eutanes Titini 25-year old. Kilalang badboy, womanizer at batang-bata na Business man ng bansa. At ano kaya ang magiging papel ni Eutanes sa buhay ni Isadora? Atin pong alamin ang estorya ng dalawang magkatambal sa When love Finds a Way Bastarda series-one ni J.C.E CLEOPATRA.
Romance
105.3K viewsCompleted
Read
Add to library
When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)

When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)

Zxoul49
Masaya at makulay ang buhay ng isang artista. Tulad ni Aaron, na halos nasa kanya na ang lahat: kasikatan, kaibigan at minamahal na kasintahan. Ano pa bang kulang? Siyempre, para sa kanya ay wala na. Pero paano kung isang araw ay may magbago. Paano kung isa sa mga ito ang mawala sa buhay niya? At pumalit ang isang responsibilidad na hindi niya minsan na isip sa tanang buhay niya.
Romance
104.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Missing Billionaire (TAGLISH)

The Missing Billionaire (TAGLISH)

Dahil sa kahirapan ng buhay, pinasok ni Erina ang iba’t-ibang trabaho para lang matustusan ang kaniyang pangangailangan araw-araw. Binubuhay niya nang mag-isa ang kaniyang sarili simula no’ng umalis siya sa puder ng kaniyang ama. Naging maayos naman ang takbo ng kaniyang buhay pero nagbago ang lahat nang dumating at nakilala niya ang binatang si Wayne Louie Anderson. Isang bilyonaryo, kilalang personalidad sa larangan ng negosyo, at nagmamay-ari ng mga tanyag na resorts at casino sa Pilipinas at maging sa labas ng bansa. Subalit, walang kaalam-alam si Erina tungkol doon. May isang pangyayari na nagtulak kay Wayne para ilihim ang kaniyang pagkatao at palabasin na siya ay nawawala. Ito’y naging daan para makasama siya ni Erina sa iisang bubong at naging daan para makilala at magustuhan siya ng dalaga. Magbabago kaya ang pagtingin niya sa binata kapag nalaman niya na ang tungkol sa totoong pagkatao nito? Isasantabi kaya niya ang galit para sa pag-ibig? O paiiralin ang galit at pagkamuhi, at sumuko sa iniibig?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Claimed By A Billionaire

Claimed By A Billionaire

Perpekto ang buhay ni Celestine—o iyon ang akala niya. Bilang tagapagmana ng isang kilalang fashion empire, mayaman, sikat, at malaya siya… hanggang sa biglang bumaliktad ang lahat. Pinagpakasal siya kay Enzo, isang misteryosong bilyonaryong Formula 1 driver, at bigla siyang napasama sa buhay ng isang lalaking halos hindi pa niya kilala. Ang inaasahang pormal at maayos na kasal ay nauwi sa isang nakakaalab na laro ng pagnanasa, selos, at init ng damdamin. Nang isama siya ni Enzo sa kanyang high-octane na mundo ng karera, lalong tumindi ang tensyon: may mga karibal na nanliligaw, may panganib sa paligid, at unti-unting lumalabas ang possessive at obsessive na side ni Enzo—hindi siya nahihiya ipakita sa lahat na siya ay pag-aari niya. Sa pagitan ng kanyang pride, takot, at hindi mapigilang atraksyon, kailangan ni Celestine na harapin ang lalaking gustong makuha ang lahat… pati ang kanyang puso. Mapapapayag kaya si Celestine sa bilyonaryong nag-aangkin sa kanya, o hahayaan ba ng mabilis at mapanganib na mundo ng yaman, selos, at pagnanasa na sila’y maghiwalay?
Romance
10172 viewsOngoing
Read
Add to library
Broken Strings: Divorcing the Ruthless Billionaire

Broken Strings: Divorcing the Ruthless Billionaire

Buong buhay na pinangarap ni Venice na mapakasalan ang kaniyang childhood crush—pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Naangkin niya nga sa papel si Teo, pero ang puso ng asawa ay matagal nang pagmamay-ari ng iba. Simula nang bumalik ang natatanging babae sa buhay ni Teo, mas lalong nanlamig ang kanilang relasyon. Ang laging katwiran—malubha at bilang na lang ang oras sa mundo ni Rhea. Sa loob ng limang taon, nagpabulag si Venice sa bait-baitan ng sariling mag-ama. Sa mismong ika-limang anibersaryo, saka lamang nabuo ang desisyon niya—iiwan ni Venice si Miguel at Teo. Husto na ang kaniyang pagdurusa. Pero pa'no kung ang malamig niyang asawa ay tumanggi sa diborsiyo? Matatakasan pa rin ba ni Venice ang mapait niyang kapalaran? Marahil kailangan niya ng tulong—sa pagbabalik ng lalaking tunay na nagmahal sa kaniya, magagawa bang kalimutan ni Venice ang nakaraan?
Romance
206 viewsOngoing
Read
Add to library
Cecilia

Cecilia

doswrights' wp
Na sa bingit na sana ng tagumpay si Cecilia sa paghihiganti laban sa mga Samson, ang pamilyang umampon sa kanya na siyang dahilan sa ilang taong paghihirap niya. Ngunit tatlong putok ng baril mula sa lalaking itinuturing na niyang kapatid ang agad na bumawi sa buhay niya, or so she thought, dahil sa muling pagbukas ng kanyang mga mata ay natagpuan niya ang sarili niyang nakakadena sa loob ng isang madilim na underground. She then realized, that her soul was transmigrated in the body of the mentioned character in the book that she once read. Cecilia Eckhart Campbell, the unwanted wife of the male lead. ' I will not let the book dictate your life Cecilia. Gagawin ko ang lahat upang manatiling buhay ang character mo hanggang sa huling kabanata ng librong ito. I, Cecilia Samson, who's currently living in the body of Cecilia Eckhart Campbell, is ready to dominate and play a hellish game in this hellish world. ' -- Cecilia Samson
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2728293031
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status