Taming The Ruthless Mafia King
Ang pinaka mataas na antas ng tagapaglingkod naman ang mga tagapaglingkod na may matalas na isip, madalas sila ang namumuno sa pag aasikaso ng lahat sa tuwing may kasiyahan, at kadalasang humaharap sa mga bisita upang magsilbi dahil sila ang pinaka presentable.
“P-pasensiya na po, madam.” Yumuko si Katarina.
“Pasensiya?” Hinawakan ni Lucita ang baba ni Katarina para itaas. “Isang ka lang mababang klase ng alipin,” insulto niya. “Hindi ka dapat nandito dahil nakakaabala ka lang sa importanteng okasyon na ito, alam mo ba yon?”
“M-madam, pasensiya na po talaga. H-hindi ko—” Hindi naituloy ni Katarina ang sasabihin nang sabuyan siya nito ng tubig na malamig sa mukha.
Bab Populer