Kinilabutan ako sa pakiramdam na iyon ngunit hindi ko naman magawang alisin ang aking mga mata sa bahaging iyon at para bang nakikipagtitigan ako sa kung sino mang taong nasa likuran ng kurtina.
Mukhang masyado akong nahila sa pagtingin sa bahaging iyon kaya hindi ko namalayan na tapos na pala si Papa sa kanyang ginagawa at ngayon ay kinakausap ako. Pinapaalis niya ako dahil nakasandal ako sa bintana sa tabi ng driver's seat. Kung hindi niya ipinitik ang kanyang daliri ay hindi ako magiging sa tila pagkalunod ko sa pagtitig sa mansion.