Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE

PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE

Pinagtaksilan si Psalm ng asawang si Darvis. Sa araw ng wedding anniversary nila, sa halip na umuwi upang i-celebrate iyon kasama siya ay mas pinili ng lalaki na samahan ang kapatid niyang si Pearl na tatlong buwan nang buntis. Nagdesisyon si Psalm na umalis at hiningi ang tulong ng isang kaibigan upang magsagawa ng pekeng aksidente para sa kaniya. Pero bago lumisan, sisirain muna niya ang buhay ng asawa at ng kabit nito, bilang kabayaran sa lahat ng pasakit. Maghihiganti siya. Ngunit bago ang araw ng kaniyang pekeng kamatayan ay nakilala niya si Ymir Janus Venatici, isang lalaking hawak sa kaniyang palad ang buong bansa. Nag-alok ito ng tulong pero puso niya ang hinihingi nitong kapalit. Magagawa ba niyang ibigay ang sarili sa lalaki kung takot na siyang magmahal muli?
1098.3K viewsOngoingAdded to Library 3.3K Times as tae ng kambing
Show Reviews (12)
Read
+Library
Roc Monsolo Bonaobra
nabasa ko NATO sa kabila maganda ang story reco ko kya lang na dismaya Ako kc ND c psalm at darvis ang end game.....maganda sana kung Sila nagkatuluyan nakakahappy buo ang pamilya nila naging extended family tuloy
April Ochavo Palang
ms a, aaminin ko na nung una gus2 ko na lng c ymir para ky psalm pero ngayon na nkita ko how miserable ang life ni darvis, awang awa talaga ako sa knya. cguro malaki ang pgkakamali at wlang prpekto pero ama pa rin sya ng anak ni psalm. sana man lng sila pa rin sa huli.
Read All Reviews
After Betrayal: Mr. Billionaire helped me take my revenge

After Betrayal: Mr. Billionaire helped me take my revenge

Lahat na ata ng kamalasan ay nakuha na ni Alyana. Mula sa pagpalit sa kaniya ng nanny sa anak nito (Inabandona siya habang ang anak ng katulong ang nagtamasa ng karangyaan), sa hindi pagbibigay ng atensiyon sa kaniya ng tunay na pamilya pagkatapos siyang maibalik sa kanila, ang pagpapahirap sa kaniya ng impostor na si Briana, at hanggang sa panloloko ng kaniyang Fiancé. Gusto pa nilang akunin niya lahat ng kasalanan, kahit wala naman siyang ginagawang masama. Lahat ng iyon ay tiniis niya hanggang sa dumating ang lalaking kaisa-isang nagpakita ng kabutihan sa kaniya. Ang bilyonaryong si Sevastian Mondragon, ang lalaking handang gawin ang lahat para sa babaeng minamahal. Itataya ang buhay maibigay lamang kay Alyana ang nais nitong pagpaparusa sa mga umapi sa kaniya. Ngunit hanggang saan ang kakayanin niya, kung nag puso ni Alyana ay nakasarado na upang umibig muli? All rights Reserved 2026
1073 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as tae ng kambing
Read
+Library
The Vengeance of the Heiress

The Vengeance of the Heiress

Mavis witnessed the downfall of her clan. Nasaksihan niya ang pagkawala ng lahat sa kanya. Ang pagkamatay ng mga magulang niya, ang pag-agaw sa kompanya nila at ang unti-unting pagkawala ng pagkatao niya bilang nag-iisang tagapagmana ng Servillon. Lahat ng iyon ay nagsiga sa galit at poot niya at naging ugat ng kagustuhan niyang mapaghiganti at mabawi lahat ng kinuha sa kanya. In the middle of her vengeance she entangled herself with the other inheritors, including Cyrus Dashiel Resalde, the gorgeous man that she first met in the middle of the night under the bright full moon. The man that holds a lot of secret na may kinalaman sa pagkatao niya. Magtatagumpay kaya siya sa kanyang paghihiganti kung sa kalagitnaan ng pagpapaplano niya ay nahulog siya sa bangin ng pag-ibig na sa una pa lang ay dapat na niyang iniwasan.
104.6K viewsOngoingAdded to Library 101 Times as tae ng kambing
Read
+Library
Secret Affair with My Hot Ninong

Secret Affair with My Hot Ninong

Matapos mamatayan ng mga magulang, natagpuan ni Liana ang sulat ng kanyang ama na naglalaman ng isang pangakong proteksyon mula sa Ninong niyang si Rafael Vergara. Sa pag-asang matulungan siya nito, lumuwas siya sa lungsod. Ngunit ang inabutan niya ay hindi ordinaryong Ninong, isang bilyonaryong haciendero, gwapo, at makapangyarihan ngunit sobrang istrikto. Tinanggap siya nito bilang kasambahay, kapalit ng pagkakataong makapag-aral. Ngunit habang tumatagal, unti-unting nagiging malabo ang hangganan ng respeto at pagnanasa. Hanggang sa ang pangako nitong proteksyon ay nauwi sa pagkahumaling. Paano na kung ang Ninong niya ang dahilan ng bawat tibok ng kanyang puso? Ngayon, siya ay bihag ng pag-ibig na ipinagbabawal… sa lalaking hindi niya dapat mahalin, ang kanyang Ninong na nakatakda ng ikasal sa kasintahan nito.
1069.6K viewsOngoingAdded to Library 1.9K Times as tae ng kambing
Read
+Library
Contracted Night with Billionaire

Contracted Night with Billionaire

BABALA: ANG KWENTONG ITO AY HINDI ANGKOP SA MGA MENOR DE EDAD.🔞 NAGLALAMAN ITO NG MARAMING SPG (STRIKTONG PATNUBAY AT GABAY) 🔞 Dahil sa kahirapan nakagawa si Andrea ng isang di malilimutang nakaraan kasama ang taong pilit na sana niyang kinalimutan, ngunit tadhana ang humanap ng paraan para ito'y kanyang muling masilayan. Sa ikalawang pagkakataon nagtagpo muli ang landas nila ng lalaking unang kumuha ng pagka birhen niya. Si Tyron Madrigal ang taga pagmana ng Madrigal Group of Companies, at nag alok sa kanya ng kontrata bilang taga pag aliw nito sa kama kapalit ng trabaho at pera para sa sakit ng lolo niya. Ngunit paano kung sa kasundoang iyon ay matalo siya? Mahal niya na ang bilyonaryong boss.
1078.4K viewsCompletedAdded to Library 3.1K Times as tae ng kambing
Read
+Library
Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret

Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret

Ang unang pagkikita nina Isabelle Reyes at Andres Vargas ay sa isang handaan, kung saan kapansin-pansin ang natatanging kagandahan ng dalaga. Halos lahat ng mga mata ng mga tao ay napako sa kanya. Tanging si Andres lamang na nakasuot ng tuwid na unipormeng militar, may mahigpit na tindig, at tahimik siyang tiningnan na may kalmadong pagkawalang-interes. Ngunit dahil sa kasunduan ng kanilang mga pamilya — ang pamilya Reyes at pamilya Vargas — pinilit ipakasal si Isabelle kay Andres, isang bagay na hindi naman tinutulan ng dalaga. Matapos ang kasal, habang sila ay magkasama sa kanilang higaan, tinanong ni Andres si Isabelle tungkol sa ugnayan nila ng kanyang kapatid na si Marco. Sa pagkakaalam ni Andres, may malalim na pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman, dahil sa pakiwari niya, inagaw niya ang nobya ng kanyang kapatid. Ngunit sa paglipas ng mga araw, unti-unting nahulog ang kanyang damdamin para kay Isabelle at ninais niyang mapasakanya ito ng buo. Ngunit may isang lihim si Isabelle — isang lihim na siya ay muling nabuhay upang iligtas ang buhay ng lalaki mula sa nalalapit nitong kamatayan dulot ng digmaan. Maililigtas kaya niya ito, o magkasama silang mapapahamak?
10905 viewsOngoingAdded to Library 29 Times as tae ng kambing
Read
+Library
Love me obediently, Mr. Billionaire

Love me obediently, Mr. Billionaire

Lilybluems
Halos pagbagsakan ng langit at lupa si Laura ng malaman na ang lalaking minahal niya ng apat na taon na si Elijah ay ang mismong dahilan ng pagbagsak ng company nila at ang nagpakulong sa kaniyang ama. Idagdag pa rito na may iba pala itong babae at buntis na. Desperado na mailigtas ang ama, walang ibang nagawa si Laura kundi ang makipagkasundo kay Adan Del Rosario. Isang kilalang mayaman na lawyer, kapalit ng tulong ay gagawin niya ang lahat ng gusto ng lalaki. “Be obedient, Ms. Zapanta, and just be mine.” Mariin na bulong ni Adan kay Laura bago siya tuluyan na angkinin nito.
101.4K viewsOngoingAdded to Library 46 Times as tae ng kambing
Read
+Library
The Billionaire’s Contract

The Billionaire’s Contract

Lumaki si Irish Wright nang walang pagkilala bilang anak ng pamilyang Wright—nilalait ng kanyang madrasta, ipinagkanulo ng kanyang kapatid sa ama, at nawalan ng lalaking minahal niya. Mula sa sugat na iyon, nabuo ang isang matibay na pasya: gantihan ang lahat sa pinaka-matapang na paraan—sa pamamagitan ng kapangyarihan. Ang kanyang target ay si Alarich Vance, CEO ng Vance Corp. Sa matinding tapang, nais ni Irish na maging Mrs. Vance, ngunit binigyan siya ni Alarich ng tatlong buwan upang patunayan ang kanyang sarili. Nagsimula ang isang mapanganib na laro, kung saan unti-unting nabubura ang hangganan sa pagitan ng plano, ambisyon, at damdamin.
1.2K viewsOngoingAdded to Library 30 Times as tae ng kambing
Read
+Library
One night with Mr.CEO

One night with Mr.CEO

Magpapanggap si Gwen bilang ina ng kambal na anak ni Elijah Smith, ang CEO na kinakatakutan ng marami. Malaking katanungan kay Gwen kung bakit niya kamuka ang nobya ng kaniyang boss. Isama mo pa na naaalala niya ang anak niyang hindi manlang nasilayan ng siya'y manganak dahil ibineta ito ng tiya sa hindi kilalang tao. Ano nga ba ang dahilan kung bakit kamuka niya ang ina ng kambal at kung bakit sobrang gaan ng loob niya sa mga ito?
102.3K viewsOngoingAdded to Library 46 Times as tae ng kambing
Read
+Library
Pinikot Ko Si Ninong Axel

Pinikot Ko Si Ninong Axel

"Ang Lihim ng Pusong Ipinagbabawal" Akira Quezon, mas kilalang Kira, ay isang dalagang may matamis na ngiti at pusong tapat. Sa kabila ng kanyang kabataan, isang lihim na pag-ibig ang matagal na niyang kinikimkim — isang damdaming itinakda ng tadhana ngunit ipinagbabawal ng lipunan. Ang kanyang puso ay patuloy na tumitibok para kay Axel, ang kanyang gwapong at misteryosong Ninong, na sa kabila ng kanyang 40 taon ay nananatiling makisig at mapanukso. Ngunit sa bawat titig at lihim na ngiti ay nagkukubli ang isang masalimuot na nakaraan. Si Axel ay isang lalaking tila binabalot ng anino ng kanyang sariling mga sikreto. Sa pagitan ng kanilang mga tahimik na sulyap at hindi maipaliwanag na paglalapit, bumabalot ang tanong — hanggang saan kayang ipaglaban ang isang pagmamahal na labag sa lahat ng nakasanayan? Habang unti-unting nahuhubaran ang mga lihim, matutuklasan ni Kira na ang lalaking kanyang iniibig ay may mga sugat ng kahapon na pilit niyang tinatago. Sa pagitan ng katotohanan at pagnanasa, kailangan nilang harapin ang kanilang mga kinatatakutan. Magtatagumpay ba ang pagmamahal nila, o tuluyan silang malulunod sa mga anino ng nakaraan?
105.7K viewsOngoingAdded to Library 136 Times as tae ng kambing
Read
+Library
PREV
1
...
2122232425
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status