Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Chasing Zander Frovizo

Chasing Zander Frovizo

youreminestrawberry
Zander Frovizo was her besfriend since his day one in the orphanage. Bata pa lang, hinahangaan na ng babaeng si Novelyn Basañes ang kaibigan na lalaki. Malapit sila sa isa't isa at palaging pinoprotektahan ni Zander ang kaibigan niyang babae. Hindi sila mapaghiwalay. Magkasama sa hirap at ginhawa. Ngunit, ang maginhawang buhay ni Novelyn kasama ang kanyang pinapangarap na makasama habang buhay ay sa isang iglap, napalayo sa kanya. She thought she lost him at hindi na niya maibabalik iyong pagkakaibigan nila. After several years of carrying the pain, nagpakita sa kanya ang kaibigan niya at minuto pa lang ay napaibig na siya nito ulit. She became more possessive and obsessed with him. Ang gusto niya lang ay makuha ang lalaki at maitali na sa kanya habang buhay. Ngunit, makakaya niya nga ba ang kagustuhan sa isang tao na nalimutan na siya at ang pinagsamahan nila? Zander couldn't remember her or their past. Ni pangalan niya ay hindi maalala nito. Magtatagumpay kaya siya sa pag angkin rito kahit na hindi siya maalala ng lalaki? O susuko nalang siya at aalamin ang mga nangyari sa kaibigan noong hindi sila magkasama?
Romance
10986 viewsOngoing
Read
Add to library
Enticing Series 2: Trouble

Enticing Series 2: Trouble

LelouchAlleah
|| WARNING: R18 MATURE CONTENT (SPG) || Isang babae na nagdesisyon na mamuhay ng mag-isa, malayo sa kontrol ng kanyang mga magulang, ang makakakilala sa isang mafia boss na walang ibang ginawa kundi kontrolin ang lahat ng tao o bagay na nasa kanyang paligid. Ngunit paano kung mahulog ang loob nila sa isa’t-isa? Papayag kaya ang babaeng ito na muling kontrolin ng iba ang kanyang buhay lalo pa’t alam niyang gulo lamang ang dala nito sa kanyang buhay? Gusto niyong mabasa ang kwento nila?
Romance
839 viewsOngoing
Read
Add to library
Memories Of Yesterday

Memories Of Yesterday

Bloodrose
Walang hindi nakakakilala kay Lola Castillon sa bayan nila maliban sa katotohanang siya ang unica hija ni Don Mattias Castillon, ang nagmamay-ari ng Hacienda El Abra. Hindi iilang mga tao ang dumanas ng lupit ng mga kamay niya sa sandaling ginalit siya o inagrabiyado. Ngunit nang makilala niya si Nathaniel Montelibano, isang opisyal ng Philippine Army na nadestino sa bayan nila ay nagbago ang mga layunin niya sa buhay. Si Nathaniel ang tanging lalaking hindi niya napayuko; hindi natinag sa kanyang presensya. Wala itong pakialam kahit anak pa siya ng Presidente ng Pilipinas. Ngunit pursigido siyang bihagin ang puso nito sa anumang paraan. At sa bawat pagtatagpo nila ay itinataboy siya nito palayo ngunit hindi nito alam na lalo lamang siyang ginagahan na lumapit dito. Sisibol ba ang pag-ibig kung sa umpisa pa lang ay wala na itong kahihinatnan?
Romance
908 viewsOngoing
Read
Add to library
Blossoming Seduction

Blossoming Seduction

Rawring
“I-I ran away,” hagulgol ko na tuluyan na ngang bumigay nang makalayo na sa Twin Towers ng Atkinson. “You what?!” gulat akong tinignan ni Franz mula sa salamin sa harap. Hindi ko na nga lang siya nakausap ng maayos dahil tanging luha ko na lamang ang naghahari sa akin ngayon. Parang pinipiga ang puso ko. Gustong-gusto ko pang ipaglaban si Alaric at maikasal sa kanya pero ayaw kong madamay siya sa gulo ng buhay ko. Kung ikapapahamak niya lang din, ay huwag na lang. Yes, I am the billionaire’s runaway bride... --•❦•-- Si Myrthala Zachra Armani Laurenco ay namulat sa isang marangyang pamilya. Puno ng pagmamahal ng mga tao sa kanyang paligid kaya gano'n na lamang siya nalugmok nang sa isang iglap ay natuon ang atensyon ng lahat sa kanyang bruhang pinsan. Nawala ang lahat sa kanya: pagiging heiress, atensiyon ng ama at ang mismong fiance. She became a murder suspect and she's been hated by everyone around her. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan at inabandona na siya ng mundo. Not until she met Alaric Atkinson. Ang tusong bilyonaryo at tagapagmana ng mga Atkinsons. Kaya ng malamang half-brother siya ng dating fiance, kinuha niya ang oportunidad na ito upang alukin siya ng kasal. 'Yon nga lang, ang kasal para kay Alaric ay sakal. Ngunit paano kung sa gitna ng kanilang laro ay may mabuo? Malilinis pa kaya ni Thala ang kanyang pangalan o mauuwi lamang siya sa kapahamakan? Where will Thala be taken by her impulsiveness and her blossoming seduction towards her brother-in-law? Is Alaric Atkinson a predator or a prey? An ally or an enemy?
Romance
10996 viewsOngoing
Read
Add to library
Love Under The Summer

Love Under The Summer

marupoknakyut16
She is Shanaya Yssey Sarmiento or Aya for her nickname. She is a Nurse in Cebu Doctors Universities Hospital. Isa siyang palaban at malakas na babae sa kanilang lugar at binabansagan ito Avah Maldita dahil sa kamalditahan at katarayan nito ngunit sa mga close nito sa buhay ay totoo siya ngunit may isang tao na nagpapagulo sa kaniyang puso't isipan si Marcus. Marcus Dylan Agustin is a Doctor of St. Agustin General Hospital kung saan siya ang namamahala. Broken Hearted ito dahil mas pinili ng Girlfriend nito na sumama sa kaniyang pinsan na si Warren. Halos lahat ng atensyon niya ay nasa trabaho ngunit pinapupunta siya ng kanyang parents sa Cebu kung saan ang lupain ng kanyang abuela at kung saan nakatira ang kanyang Nanny noong bata pa lamang siya. Makilala niya si Aya ang anak ni Aling Crusing ngunit sa umpisa ay halos kung magaway sila ay aso't pusa at sa pagiging maldita ni Aya. Ngunit dumating sa punto na mahuhulog ang loob ni Aya kay Marcus dahil sa magandang ipinapakita niya sa kanya pero susubukan ng isang pagsubok ang nararamdaman ni Aya dahil sa kailangan ng bumalik ni Marcus sa Maynila at paalis papuntang Amerika upang pamahalaan ang hospital nila roon pagkatapos ng summer break. Will continue to love him if the summer break is over?
Romance
914 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Husband

The Billionaire's Husband

QueenVineeee
Zelaina Akiesha Cruz isang babaeng nakatira sa kanyang tita, dahil maagang namatay ang kanyang ina at tumatayong tatay nito kasama na rin ang pinaka batang kapatid nito. Hiwalay na ang kanyang magulang simula nung bata palang siya ay hindi na niya kilala ang kanyang totoong ama. Simula namatay ang kanyang magulang ay kinupkop na siya ng kanyang mga tita nung una ay mabait ang pakikitungo nila sa dalaga pero nung lumalaki si akiesha ay pinaramdam nila na isa lang ito sa pabigat sa kanila kaya pinagtrabaho nila ito na parang hindi kamaganak. Gusto man umalis ni akiesha sa puder ng mga tiyuhin ngunit inaalala niya ang isa pa niyang kababatang kapatid lalo na at baka madamay ito sa galit. Isang araw ay hindi inaakala ni akiesha na ibebenta siya ng kanya tiyahin wala na siyang nagawa dahil tinakot siya nito na masasaktan ang kapatid nito, ang bumili sa kanya ang isang pinaka mayaman na tao sa ibang bansa na madaming ari-arian ngunit napakasama ng ugali wala siyang sinasalba at walang pakialam kung may masaktan sa paligid niya. Si cassian daemon lewis ang isang negosyanteng bumili kay akiesha upang gawing laruan ngunit sa hindi inaasahang pagkakataong ay nabuntis niya ang dalaga kasabay ang pagbabalik ng pinaka mamahal niyang babae ngunit kayilangan niya pakasalan si akiesha dahil sa nabuo nilang buhay. Paano na kaya tatakbo ang buhay ni akiesha sa mundo ng mga lewis. Makakatakas kaya siya sa mga kamay ni cassian deamon lewis?
Romance
931 viewsOngoing
Read
Add to library
Bought by the Devil

Bought by the Devil

Alexandra Wang
"Oh princess... love was never my religion but I'd devote my whole life to you." Lumaki si Amira na hindi man lang naranasan na makatanggap ng pagmamahal mula sa kanyang mga magulang. Palibhasa ay madalas nauutal at tahimik, mas pinapaburan ng kanyang mga magulang ang kanyang Ate Alysa, na maliban sa napakaganda ay napakatalentado pa. Kaya hindi na nagtaka ang dalaga nang sa halip na ang kanyang nakakatandang kapatid ay siya ang ipinagbili ng mga ito, upang masagip ang papaluging kompanya ng kanilang pamilya. At para siyang papanawan ng ulirat nang malaman niyang ipinagbili siya ng kanyang magulang kay Yasir Reza, ang pinakamayaman-at pinakawalang-puso-na lalaki sa buong siyudad. Alam niyang panganib ang hatid ni Yasir. Kung hindi kamalasan ay higit lang na pasakit ang kanyang matatanggap. Walang puso ang pagkakakilala ng mga tao sa lalaki, at halos lahat ng mga napapangasawa nito ay namamatay, kung hindi man nakikipaghiwalay sa bilyonaryo. Nakikinita na ni Amira ang kahihinatnan niya. Ngunit kahit na alam niya ang peligro na bitbit ng kanyang asawa, hindi niya masawata ang pintig ng kanyang puso nang sa unang gabi nila ay masuyo siya nitong hagkan... Si Yasir na ba ang anghel na magpaparanas sa kanya ng walang katumbas na pagmamahal, o ito ang demonyong magdudulot ng higit pang pait sa puso niya?
Romance
909 viewsOngoing
Read
Add to library
Love on the Chilling Breeze

Love on the Chilling Breeze

Line_Evanss
Bianca Samonte is a famous college instructor in department of nursing. Pinili niyang magturo kaysa ituloy ay propesyon bilang isang nurse dahil sa trahedyang nangyari noon sa kanya. Naging mailap sa lalaki, dahil rito sa edad na bente-nwebe anyos ay tinanggap na niyang tatanda na siya ng dalaga. Ngunit nagkamali siya sa iniisip nang alukin siya ni Mayor Madrigal na maging tutor at personal assistant ng kanyang nag-iisang tagapagmanang anak na si Darius Rhyl Frio Madrigal na nasa ika-apat na taon sa kolehiyo bilang isang civil engineering student. Kararating lamang nito ng bansa at doble ang pag-iingat sa kanya dahil ito ay may amnesia dahil sa kinasangkutan na trahedyo noong bata pa. Marami nang natanggal na personal assistant ni Darius dahil kalaunay nagiging babae niya na ang mga ito at iyon ang labis na ayaw ni Mayor Madrigal. Sa isip ni Bianca na malayong matutulad siya sa mga babaeng iyon dahil malayo ang agwat ng edad nila. 'Di hamak na mas matanda siya ng limang taon kay Darius. Bianca was confident na kaya niyang sanggahin ang lahat kapilyuhan at kalandian ng binata, ngunit kalaunay unti-unti na itong bumibigay sa karisma na hatak ni Darius. Laging may pangamba sa kanyang isip na makakasama ito sa kanyang iniingatang trabaho at imahe sa lipunan. Iniisip din ni Bianca na masyadong malayo ang edad nilang dalawa at maraming tao na huhusga sa kanila. Mapaglaro ang tadhana, na ang kahapong bangungot ni Bianca ay muling bumalik sa pagpasok ni Darius sa kanyang buhay. Na ang lalaking pinaglilingkuran niya ngayon ay siyang bata na kasama niya noon nang mangyari ang isang malagim na trahedya. Paano kung unti-unting mauungkat ang kahapong bangungot na sisira sa kanyang pagkatao at ang nabuong pagmamahalan nila ni Darius? Taktakbo ba siya uli o lalaban na para sa hustisya at pag-ibig?
Romance
960 viewsOngoing
Read
Add to library
MAFIA'S FATAL ATTRACTION

MAFIA'S FATAL ATTRACTION

Stefano Sarti, a prominent mafia leader known for his brutality but also a loving husband and father, saw his empire and his very self irreversibly affected by his wife's death. Ang konting awa na natitira sa kanyang puso ay nawala. Naging isa siyang mabangis at mapanganib na nilalang. Walang ibang ginusto kung hindi ang patayin ang kanyang mga kaaway at ang mga taong sumira sa kanyang buhay na naging dahilan kung bakit nawalan ng ina ang kanyang anak. His heart had been hardened for a long time until he met Allegra, the woman who turn his life around. Wala siyang ibang alam gawin kundi ang pumatay ng tao at lalong wala siyang plano na palitan ang kanyang asawa sa tulad ni Allegra na isa lamang clown pero hindi niya namalayan na napapangiti na siya ng babae. Hindi lamang ang anak niya ang napapasaya nito kung hindi maging ang kanyang puso. The woman he thought would change his life turned out to be a manipulative and deceitful player... She was a woman who pretended to be his ally, but the truth is, she was a spy sent to bring him down. Si Allegra ay isa sa nagplano para patayin ang kanyang asawa. Paano niya mamahalin at pagkakatiwalaan ang babaeng sumira sa kanyang buhay at pumatay sa kanyang asawa?
Mafia
10860 viewsOngoing
Read
Add to library
Pagkatapos ng Autopsy, Bumalik Ang Patay Na Kapatid Ko

Pagkatapos ng Autopsy, Bumalik Ang Patay Na Kapatid Ko

Nang dumating ang college admission notice, bigla akong nagkaroon ng mataas na lagnat at napilitan akong manatili sa kama. Ang aking kapatid na babae ay sangkot sa isang kidnapping habang nasa daan upang tulungan akong kunin ang notice, at ang kanyang buhay ay hindi tiyak. Galit na galit sa akin ang mga magulang ko. Matapos punitin ang aking admission notice, pinilit nila akong talikuran ang aking pag-aaral at magtrabaho sa isang pabrika. Nang maglaon, nakaranas din ako ng kidnapping. Pagkatapos makatakas, nagtago ako sa isang abandonadong pabrika at nagpadala ng mensahe para sa tulong. Tinawagan ako ng tatay ko at walang pigil na sinigawan ako, “Lena, tao ka ba? Paano mo nagawang magbiro sa amin sa memorial day ni Jessica!” "May ideya ka ba kung gaano namin hinihiling ng nanay mo na ikaw ang namatay noon?" Sa mga huling sandali ko bago mamatay, umalingawngaw sa aking pandinig ang kanilang mga pang-iinsulto. Ako ay tinorture at pinatay, naging isang halimaw, at ang aking katawan ay itinapon sa isang mabahong kanal sa loob ng tatlong buong araw. Kahit na ang aking ama, ang pinaka experienced na forensic expert, ay hindi ako nakilala. Nang umuwi ang aking kapatid na babae kasama ang lalaking kasama niya ilang taon na ang nakalilipas, pinanumbalik ng aking ama ang aking hitsura sa pamamagitan ng teknolohiya. Lumuhod sila sa harapan ng naaagnas kong bangkay at umiyak hanggang sa mawalan ng malay.
Short Story · Romance
889 viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3435363738
...
42
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status