Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
LOVE BEYOND TRADE

LOVE BEYOND TRADE

Baon sa utang at lulong sa casino, ang desisyon ng kanyang ama ay ipagpalit ang kanyang nakababatang kapatid na babae para sa isang contract marriage sa anak ng pinuno ng kanyang pinag-utangan. At upang mailigtas ang kanyang nakababatang kapatid na babae, napilitan si Claire Mariano na palitan ang posisyon ng kanyang kapatid at pakasalan ang susunod na lider ng pamilya ng mga Navarro, si Javier Zen Navarro. Ngunit paano kung higit sa malaking halaga ng pera ang puno’t dulo ng kontrata na ito? Paano kung sa likod nito ay isang sikreto ang nag-uugnay sa mga Mariano at Navarro? Magagawa kaya ng kontrata na pag-ugnayin ang dalawang pusong sangkot sa madilim na katotohanan? O’ ito ang magsisilbing mitsa sa isang malaking gulo sa pagitan ng kanilang pamilya?
Romance
9.96.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Muling Pagtibok ng Puso

Muling Pagtibok ng Puso

Jam Mike
Pag-ibig, isang salita ngunit marami ang ibig sabihin. Pag- ibig, tila ba simple lamang, ngunit ang totoo ay kayang gawin lahat sa ngalan ng pagsinta. Mayroon bang mas sasakit pa sa pusong pinagtaksilan matapos mong gawin at ibigay ang lahat maging ng iyong buhay sa taong tangi mong minahal? Matapos basagin at durugin ng pinung- pino ang iyong puso ng taong tangi mong pinagkatiwalaan nito, may kakayahan ka pa bang magpatawad at umibig muli? Matapos mong maghintay ng walang hanggan sa pangakong labis mong pinanghawakan ngunit sa huli’y tanging panlilinlang lamang ang iyong napala, may lakas ka pa bang muling magtiwala sa mundo? Papaano mo ipagpapatuloy ang buhay kung hindi mo na kilala maging ang sarili mo mismo?
103.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang

Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang

Si Alexandria Saavedra— Maangas. Basagulera. Walang trabaho. May bisyo. Matigas pa sa adobe ang puso. Higit sa lahat, galit sa mundo. Lalo na sa sariling amang ginamit lamang siya para sa pansariling pangangailangan... Hanggang ang magulo niyang mundo ay binulabog ni Heiz Mikael. Isang binatang basta na lamang sumusulpot sa t'wing nasa panganib ang kanyang buhay. Sa pagdating ni Heinz sa kanyang buhay, 'di inaasahan ni Alexandria na pati na ang nananahimik niyang puso ay ginulo ng binatang ito. . . Sa unang pagkakataon, ang pusong niyang kasintigas ng adobe ay napalambot nito. Subalit isang araw, gumuho ang kanyang mundo nang matuklasan niya ang totoong dahilan nang biglang pagsulpot nito sa kaniyang buhay...
Romance
1025.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Ang Ganti ni Amarra Villasanta

Ang Ganti ni Amarra Villasanta

Sa likod ng karangyaan ng Hacienda Avaristo, may mga lihim na itinago — mga sigaw ng kababaihang inapi, mga pag-ibig na pinagkait, at mga kasalanang sinilaban ng panahon. Isang dalagang kasambahay, isang panginoong marahas, at isang pag-ibig na ipinagbawal— mula sa abo ng kahapon ay babangon ang isang babaeng gagamitin ang bawat sugat bilang kanyang sandata. Ito ang kuwento ni Amarra Villasanta, ang babaeng minsang inalipin, ginahasa, itinapon, ngunit muling bumangon upang ibalik ang hustisya sa lupaing minsang kinasusuklaman niya. Isang epikong kasaysayan ng pagdurusa, paghihiganti, at kapatawaran, kung saan matutuklasan na ang tunay na “lihim” ng Hacienda ay hindi ang kasalanan ng nakaraan— kundi ang kapangyarihan ng isang pusong marunong magmahal kahit sa gitna ng impyerno.
Romance
10154 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Chained To My Husband's Uncle

Chained To My Husband's Uncle

Tatlong taon nang ibinuhos ni Arielle Fuentes ang sarili niya sa asawa niyang si Lucian Davenhart — isang malamig at walang pusong lalaki. Akala niya, sapat ang pagmamahal niya para matutunang mahalin din siya nito. Pero nang malaman niyang may sakit siya, mas matindi pa ang natuklasan niyang katotohanan, hindi siya kailanman ang pinili ni Lucian. Isa lang talaga siyang kapalit ng babaeng minsang iniwan ito, at ngayo’y bumalik na. Nang humiling siya ng diborsyo, doon lang nagsimulang ipaglaban ni Lucian ang isang relasyon na matagal nang wala. At sa gitna ng gulong ’yon, dumating si Magnus Davenhart—ang makapangyarihang tiyuhin ni Lucian na may sariling mga lihim. Ngayon, si Arielle ay naipit sa pagitan ng dalawang lalaking parehong mapanganib. Makakawala ba siya sa pag-ibig na hindi kailanman kanya? O tuluyan na siyang malulunod sa pagitan ng dalawa.
Romance
10248 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Undying Memories

Undying Memories

Cactushoney
Dahil sa isang aksidente ay nagbukas ang third eye ni Quinn Belle at sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita niya ang lihim sa likod ng luma at nakakatakot na itsyura ng old Diplomat hotel na pinangangalagaan ng isang masungit but charming na si Florence. Sa pagkakataong ito ay binigyan ng misyon si Quinn kasama si Grim reaper na kamukhang-kamukha ni Florence, upang hanapin ang mga lost soul upang maihatid na sila sa liwanag. Sa kanilang pagsasama na puro bangayan ay may isang pangyayari sa nakaraan ang mauungkat at may kinalaman ito sa matagal na pananatili ni Florence sa lupa. Hanggang saan nga ba ang tapang ni Quinn para harapin ang mga nakakatakot at med'yo pasaway na mga multo? Maari nga bang muling tumibok ang pusong matagal ng patay?
Romance
105.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
UNCHAINED MY HEART

UNCHAINED MY HEART

Si Michael Luna ay isang bilyonaryong abogado, malakas ang dating at malamig ang titig—parang pader na imposibleng maabot ng sinuman. Sa kanyang mga kamay, ang batas ay isang larong kanya nang napagtagumpayan.Siya ang bilyonaryong tagapagmana ng Luna Hotelier, isang marangyang hotel chain na itinayo ng kanyang pamilya, at may-ari ng Luna Law Firm, ang pinakaprestihiyosong law office sa bansa. Ngunit sa kabila ng yaman at kapangyarihan, si Michael ay tila baga natutulog na bulkan, puno ng galit at pagkamuhi sa pagmamahal, isang damdaming sinira ng isang taong kanyang minahal at pinagkatiwalaan nang lubusan. Si Michael ay may nakaraan na puno ng sakit—si Isabella Lopez, ang kanyang dating fiancée, ay nagtaksil sa kanya kasama ang kanyang pinakamatalik na kaibigang si Brent. Ang pagtataksil ay natuklasan ni Michael dalawang araw bago ang kanilang kasal, nang makita niya ang kanyang fiancée sa kompromisong sitwasyon sa loob ng condo nito. Labis na nasaktan, si Michael ay kumuha ng video bilang ebidensya ng kanilang pagtataksil at plano niyang isiwalat ito sa mismong araw ng kasal. Mula noon, isinumpa niya ang pag-ibig at naging mailap sa mga babae. Ngunit ang pusong matagal nang sarado sa pagmamahal ay biglang nayanig nang makilala niya si Jasmine Estrada, isang matapang at makatarungang prosecutor sa Pasig Police Department. Sa kabila ng kasikatan bilang “diyosa” ng departamento, si Jasmine ay may paninindigan at puso para sa mga naaapi—isang bagay na labis na humanga kay Michael. Sa bawat pagharap nila sa korte, sa bawat tunggalian ng prinsipyo at batas, unti-unting nabuksan ang pinto ng kanyang pusong matagal nang nakakandado. Magiging handa kaya si Michael na buksan ang kanyang puso para kay Jasmine, o patuloy siyang magiging bilanggo ng nakaraan? At si Jasmine, kaya ba niyang lumaban hanggang dulo sa pagmamahal niya sa lalaking puno ng sakit at galit?
Romance
104.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Scars From The Past

Scars From The Past

Eliza Janice Montebon  Simpleng babae, matalino, masipag, madiskarte at malambing na anak. Lahat ay gagawin matupad lang ang inaasam na pangarap at mithiin.Ngunit may lihim na hinagpis sa kanyang nakaraang pagkatao. Ito ang nagsisilbing hugot niya upang magtagumpay sa buhay at makamtan ang inaasam na katarungan sa kanyang yumaong magulang.  Lorenzo Aragon Multi-billionaire and super hunk na business tycoon at a young age. Natotong tumayo sa sariling sikap dahil na rin sa walang makuhang suporta mula sa magulang dahil sa komplikadong pamilya niya. Walang babae ang hindi nahuhumaling sa kanya, lahat ay kanya lamang pinagbibigyan dahil sa tawag ng laman at pangungulila sa iisang prinsesa ng kanyang buhay na kanyang kababata. Isang krimen at trahedya ang nagpawasak sa malaprinsesang buhay ni Eliza. Musmos pa lamang siya nang walang-awang pinatay ang kanyang mga magulang sa loob pa mismo ng kanilang bagong biling lupain na niregalo ng kanyang ama sa kanya sa kanyang kaarawan. Ang mas masakit pa ay nasaksihan niya mismo ang pagpaslang sa mga ito at ang salarin ay walang iba kundi ang ama ng kanyang kababata at minamahal ng kanyang pusong paslit na si Enzo Aragon. Dahil sa takot at pangamba sa kanyang buhay naggawang magtago ni Eliza at mamuhay ng malayo sa kanyang nakasanayan. Sa paglipas ng panahon, nabuo sa kanyang puso't isipan ang galit at pagkapoot sa pamilyang sumira sa kanyang magandang kinabukasan. Isa na riyan ang paghihigante kay Enzo dahil wala man lang siya hinanap nito. Paano pagtatagpuin ng tadhana ang dalawang puso kung ang isa ay may masamang binabalak? Matatagumpayan kaya ni Enzo ang ibalik ang tiwala sa kanya ni Eliza kung ang kanyang puso ay puno ng hinagpis at mantsa ng nakaraan? Mapapatawad kaya ng pusong nasaktan at puno ng hinagpis ng pilat ng nakara.Mananaig kaya ang pag-ibig at pagpapatawad kaysa paghihiganti?
Romance
1.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!

The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!

Sa loob ng limang taon, buong pusong ipinaglaban ni Caelith Skyhart ang pagmamahal niya kay Lucienn Ashford. Siya ang lalaking itinayo niya mula sa pagkakadapa, minahal sa kabila ng lahat, at pinakasalan sa harap ng buong lungsod. Ngunit isang umagang tahimik, isang mensahe ang gumising sa katotohanang hindi niya kailanman inasahan—buntis ang kapatid niyang si Celene, at ang ama ay si Lucienn. Sa gitna ng pagkawasak, pagtataksil at sakit, kailangan ni Caelith na tumindig. Hindi para ipaglaban ang pagmamahal kundi para bawiin ang sarili at ang lahat ng itinayo nilang dalawa. Ito ay kwento ng isang babaeng minsang naging liwanag sa dilim ngunit ngayo’y naging apoy na handang lamunin ang lahat ng sumira sa kanya. Hanggang saan ka magmamahal kung ang taong pinili mo ay pinili ang iba?
Romance
10507 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband

His Temporary Wife: Falling For My Contract Husband

"One contract. One year. No feelings. Dapat gano’n lang kasimple." - Lucian Villafuerte *** Ysabelle Cruz needed money. Lucian Villafuerte needed a wife. Isang kontrata ang nag-ugnay sa kanila—walang love, walang commitments, at higit sa lahat, may expiration date. Sa loob ng isang taon, magpapanggap silang perfect couple sa harap ng mundo, pero sa likod ng saradong pinto, para silang estranghero. Pero paano kung isang gabi, isang halik, isang yakap ang tuluyang gumulo sa plano? Paano kung ang pusong matagal nang sarado ay matutong umasa… at masaktan? Just when Ysabelle started to believe in their marriage, she discovered the painful truth—she was never meant to stay in his life. Isa lang siyang pawn sa isang mas malaking laro. At sa mundong ginagalawan ni Lucian, love is not enough to save her. When the contract ends, will he fight for her… or will he let her go?
Romance
105.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
45678
...
14
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status