The Billionaire's Baby Maker Maid
Si Annalise Florence Dela Cruz ay isang maid sa mansyon ng Montefalco. Hirap siya sa buhay at lalo na ngayon na kailangan ng nanay niya ng operasyon at araw-araw na hospital bills. Wala na siyang ibang malapitan kaya lumapit siya sa amo niyang si Fernando Hymitch Montefalco para umutang.
Pero imbes na pautang, ibang klase ng alok ang ibinigay sa kanya ni Fernando. Kailangan niya ng anak at tagapagmana para makuha ang mana niya sa pamilya.
Kapalit noon, ibibigay niya ang pera para sa operasyon at gamutan ng nanay ni Annalise. Alok niya rin na si Annalise ang magiging ina ng anak niya.
Pumayag si Annalise. Hindi lang dahil sa pera, kundi dahil matagal na rin niyang crush ang amo niya. Pero may kondisyon si Fernando, pagkatapos ng tatlong taon mula nang ipanganak ang bata, kailangan umalis ni Annalise at iiwan ang anak.
Masakit para kay Annalise, pero tinanggap niya para sa nanay niya.
Sa pagsasama nila, unti-unting nagbago si Fernando. Hindi na siya ganoon kalamig. Mas naging maalaga siya kay Annalise. Habang tumatagal, mas lalo ring lumalalim ang nararamdaman ni Annalise para sa kanya.
Pero hindi lahat masaya sa set up nila. May mga taong gustong sirain sila, lalo na ang pamilya ni Fernando na hindi tanggap si Annalise.
Habang papalapit ang takdang panahon na kailangan niyang umalis, mas lalo siyang nahihirapan. Kasi hindi lang pera ang dahilan kung bakit siya pumayag, may puso na siyang naiwang nakatali sa sitwasyon.
Sa huli, kaya ba niyang iwan ang anak at si Fernando? O pipiliin ni Fernando na panindigan siya kahit labag sa gusto ng pamilya niya?