CARRYING MR. VICTORIAUX'S CHILD
Isang gabing hindi dapat mangyari sa pagitan ng isang amo at ng kanyang sekretarya.
Sinamahan at binantayan ni Callie Zari Montenegro ang kanyang lasing na boss, si Sir Julian Pryce Victoriaux hanggang sa may mangyaring hindi inaasahan. Habang inaayos niya ito, bigla siyang hinalikan at niyakap ng lalaki, na humantong sa isang pagkakamaling hindi nila pinlano. Bago sumikat ang araw, umalis na siya nang palihim, na parang walang nangyari.
Ngunit nang magkita muli sila sa trabaho, wala ni isang bakas ng alaala si Julian. Tanging si Callie lamang ang nakakaalam ng katotohanan ng gabing iyon.
Pagkalipas ng dalawang buwan, hindi na niya maitatanggi ang nararamdaman niya. Nanginig ang kanyang buong katawan nang makita ang dalawang guhit sa pregnancy test patunay na dinadala niya ang anak ng makapangyarihang si Mr. Victoriaux.
Ngayon ay kailangan niyang itago ang kanyang lihim, alam na kapag nalaman ito ng iba, maaari nitong wasakin ang lahat ang relasyon ng lalaki, ang kanyang pangalan… at ang buhay na kanyang pinoprotektahan.