THE BLIND HITMAN: RAMIRO CASTILLEJO
Magaling siya sa samurai kung kaya’t nandaya na ako at sinipa ko na siya, pagkasipa ko sa kanya ay napahiga siya sa sahig, dalawang kamay na ang hawak ko sa samurai ko at doon ay mabilis at madiin kong itinarak ito sa kanyang dibdib.
“Tha-t was… the best duel of m-my life,” saad niya at tuluyang binawian ng buhay.
“I’m sorry that, that is the last one too Don Fuentes, rest in peace now,” saad ko sa kanya, nakapa ko ang mukha niya at isinara ko ang mata niyang nakadikat pala at saka hinugot ang samurai ko.