THE BLIND HITMAN: RAMIRO CASTILLEJO
saad ko na inilapag ang baril ko at kinuha ang tungkod ko dahil samurai sword nga ang laman ng loob non, hinubad ko ang suot ko na bulletproof vest para maging patas ang laban, kaagad kong hinugot ang tungkod ko at lumabas ang matalim na bagay, pumorma ako at inayos ang paghawak sa samurai.
Narinig ko rin ang paghawak niya mg samurai. Una siyang sumalakay at mabilis ang mga pangyayari, sinalag ko naman iyon.
Ilang sandali pa kaming nag salagan ng samurai, nadale niya ako sa dibdib medyo masakit iyon ngunit hindi ko ininda, daplis lang. Magaling siya sa samurai kung kaya’t nandaya na ako at sinipa ko na siya, pagkasipa ko sa kanya ay napahiga siya sa sahig, dalawang kamay na ang hawak ko sa s