Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)
Yelena’s world shattered on the exact day she was supposed to tell Chase that she’s pregnant. Akala niya’y magiging pinakamasayang araw na iyon pero kabaligtaran ang nangyari. He left her and the worst part of it? He made it clear that what they had was just a fling... nothing more.
Broken and pregnant, Yelena found a lifeline in Grant, matalik niyang kaibigan na tinulungan siyang bumangon matapos siyang iwan ni Chase. Naging maayos naman ang lahat hanggang sa maharap sa malaking problema ang kompanyang pinagtatrabahuan nila ni Grant. And there’s only one company that could help them to fix everything--- the Serravalle Real Estate Company, the company owned by Chase’s family.
Hindi na sana nais pang makadaupang-palad ni Yelena ang lalaking nang-iwan sa kanya. But she didn’t have a choice. Iyon lang ang tanging paraan para hindi mawala ang kompanya ng kaibigan niyang naging sandalan niya nang nangangailangan siya.
After how many years, she met Chase again. He’s still the arrogant man that she once loved. At isa lang ang pinangangambahan niya sa muli nilang pagkikitang iyon--- ang makilala nito ang anak niyang si Jaxon. After breaking her heart, she didn’t want him to be part of her son’s life.
But fate played along with them. Jaxon met a man whom he wanted to introduce to her. At ang lalaking iyon? Walang iba kundi si Chase!
How could she ever avoid him now? Maliban sa kailangan niya ng tulong nito para maisalba ang kompanya ni Grant, nakuha na rin ng binata ang loob ng anak niya.
Paano kung matuklasan ni Chase na ang batang napalapit na rito ay ang mismong anak na iniwan nito? Would the truth ruin them? O iyon ang gigising sa pag-ibig na hindi naman pala talaga nawala?