My Contract Marriage
Natahimik lang naman si Chairman.
“Mayaman naman po kayo, Chairman. Kayang kaya niyo namang maghire ng professional psychiatric para magtanong tungkol sa complex trauma o sa posibleng nangyayari ngayon kay Tyrone. Kung hindi niyo po maintindihan ang sinasabi ko ngayon baka sakaling maipaintindi sa inyo ng doctor. Tyrone si human too, your grandson at hindi niyo po siya tauhan. Ang AI nga nagkakamali, siya pa kaya na tao lang? Mahirap po bang maging kalmado, Chairman? Mahirap po bang kausapin niyo siya ng mahinahon? Masaya po ba kayo na takot sa inyo ang lahat ng pamilya niyo? Meron na po ba sa mga anak niyo o apo niyo ang nagsabi sa inyo ng mga problema nila? Kung wala pa, sa inyo po ang may