Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Win Me Back, My CEO Husband!

Win Me Back, My CEO Husband!

Si Maxine Garcia ay tatlong taon ng kasal sa CEO na si Shawn Velasco. Wala siyang ibang ginawa sa taong iyan kung hindi alagaan, pagsilbihan, at mahalin ang lalaki hanggang sa tuluyan itong gumaling mula sa kanyang pagkaka-aksidente. Ngunit pagkatapos ng lahat, malalaman niyang may iba pala itong babae at ang masakit, bumalik siya sa dati nitong minahal na iniwanan siya habang pansamantalang naging inutil. Nasagad na si Maxine sa sakit na idinulot ng lalaki sa kanya kaya nagdesisyon siyang hiwalayan ito at ayusin ang sarili niya. Subalit sa kanyang paglisan ay siya namang biglang pagsimula ng asawang CEO na ipanalo siya pabalik…
Romance
9.3514.3K viewsOngoing
Show Reviews (153)
Read
Add to library
Brenda Angela
Wait lang.... sino na nakabasa ng chapter 207? ... first night nila? Wala bang nangyari sakanila dun sa tinulogan nila nung gabi na niligtas sya ni Shawn sa Adoptive father nya? At yung sa sasakyan ba yun. 🫠 nakalimotan na ata ni author ang story? Dahil ang tagal ng update 🫥
Ronie Balon
sobra Kong panghihinayangan ang story na ito pag hindi tinapos ng author. kasabik sabik bawat chapter.. ... alam Kong hindi ganun kadali ang sumulat ng storya dahil nag try ako minsan na bumuo ng isang kwento pero hindi ko natapos. hindi sapat ang malikhaing kaisipan kung kulang sa kaalaman...
Read All Reviews
Runaway Heiress

Runaway Heiress

"Sexy mayaman, maganda ngunit ang pag-uugali ay hindi akma sa mukhang meron siya." Yan ang madalas marinig ng isang heredera ngunit binalewala lamang niya ito. Siya si Yanna Al Saud ang nag-iisang anak ng isa sa pinakamayaman sa kanilang bansa. Bata pa lamang siya ay naghangad na ito ng pagmamahal. Preso ang turing niya sa kanyang sarili dahil sa sobrang paghihigpit nang kaniyang ama. Tanging ang mga kasambahay lamang nila ang kasama niya sa kanilang bahay kaya nangako ito sa sariling hahanapin niya ang kaniyang ina. Mahahanap kaya niya ang pagmamahal na inaasam niya sa oras na lumabas siya sa palasyong tinitirhan niya? Hahanapin din kaya siya nang kanyang ama na si Don Ahmad? Paano niya haharapin ang buhay sa lugar na ni minsan hindi pa narating ng kanyang mga paa? Magkakaroon kaya nang saysay ang pakikipagsapalaran niya?
Urban
65.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's App series 2 Married at First Sight

The Billionaire's App series 2 Married at First Sight

Bernadette Ortilano
Pangarap ni Liezel ang magkanobyo at makangasawa ng gwapo at mayaman para mai-ahon sa hirap ang pamilya na sa kanya lang umaasa kaya naisipan niyang sumali sa controversial na dating app. Nang manalo sa billionaire's app si Liezel, ang premyo isang mayaman at gwapong bilyonaryong mapapangasawa. Walang kaalam alam si Randy na sariling kasal pala niya ang kanyang dadalohan. Nagulat siya nang tinotoo ng ama ang pagsali sa kanya sa app dahil sa pagiging workoholic niya. Hindi niya iyon matanggap, at sinisisi niya si Liezel dahil sa pagiging ambisyosa nito. Hanggang nagdadala siya ng babae sa bahay para pasakitan ang asawa niya na walang ibang ginawa ang asikasohin at mahalin siya. Mag-work kaya ang ganitong set up ng Billionaire's App? matutunan kaya siyang mahalin ni Randy na sa sandaling panahon ay natutunan agad niyang mahalin? Hanggang saan siya magtitiis?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Married to the Lost Heiress

Married to the Lost Heiress

“Habang patuloy na ipinaglalaban ko ‘tong nararamdaman ko sa ‘yo ay siya namang pagsira ko sa sarili ko…” Mahirap para sa isang Camilla Torres ang relasyon nila ng kaniyang Boss na si Herald Benedict Fonteverde. Hinahayaan niya kasi ang sarili na alipinin nito sa kama kahit alam ng lahat na kasal ang lalaki. Gusto ng kaniyang isip na makawala, ngunit ayaw ng kaniyang puso. Hanggang sa dumating sa punto na natatakot na siya, hindi para sa sarili kundi dahil sa anak niya. Paano na lang kung magkaisip ito at malaman na ang kaniyang ina ay isang kabit? Magawa kayang isakripisyo ni Camilla ang kaniyang kaligayahan? O magpapatuloy na lang kahit marami siyang maapakan? Paano kung pumabor nga sa kaniya ang kapalaran at sa oras din na dumating iyon ay siyang pagbunyag ng katotohanan na ang buong pagkatao niya ay isang malaking kasinungalingan lamang?
Romance
10593 viewsOngoing
Read
Add to library
Carrying The Professor's Twins

Carrying The Professor's Twins

Sanay na sa sakit si Olivia Margarette Gallego, sa ipinararamdam pa lamang ng kanyang magulang sa kanya sa araw-araw ay nag-uumapaw na siya. Ngunit iba pala ang sakit iyong mahal at pinagkatitiwala mong tao ang siyang mangloloko sa'yo. Nalaman niyang kasal na pala ang kanyang anim na buwang nobyo at may anak pa! Sa pinaghalong kalungkutan at pighati, pumara siya ng taxi at tumungo sa isang club at doon nagpakalawing, umaasang mawala na ang sakit kinabukasan. Ngunit kinabukasan at iba ang namulatan ng kanyang mga mata. Nakahiga siya sa isang malaking kama at katabi ang nag-iisang terror mathematics professor, si Mr. Wrecker Silas Monroe. Ang akala niyang isang gabi lamang ng pagkakamali, ang hindi niya alam ay panghabangbuhay niyang dadalhin ang bunga niyon. May pag-asa pa bang makatatagpo siya ng lalaking mamahalin siya ng tunay? O makukuntento na lang siya sa pagmamahal para sa kanyang mga anak?
Romance
1032.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Unexpected Truth

Unexpected Truth

Rhystal
She's imperfect. Pero sinubukan niya ang maging mabuting anak. She hate herself all the time, sino ba ang hindi kung may oras na makakalimot ka. Makakalimutan mo ang mga tao sa paligid mo, that one day gigising ka na hindi na din kilala yung sarili mo. She broke up with him. Sumama siya sa isang mayaman na lalake, upang ipagamot ito sa ibang bansa. His life getting wasted. Pinasok niya lahat ng kapahamakan na pwedeng mangyari sa kanya. He take drugs, always get drunk. Habang nakikipagtalik sa loob ng banyo sa isang club ay isang babae ang pumasok sa loob na hindi niya inaasahan na makikita pa niya. That was her. His life. Ngunit sakit, puot at kagustuhang maghiganti ang nais niyang gawin sa babae dahil sa pang iiwan at pagsama nito sa ibang lalake. Stella Vein Madrigal & Chris Joseph Williamsburg STORY ️
Romance
92.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Contract and Marriage

Contract and Marriage

Si Sarina ay isang probinsyanang nurse na mas pinili ang maging private nurse dahil na rin sa laki ng sahod kay Maximus Lardizabal. Isang kilalang negosyante sa bansa at playboy na rin. Mayroon siyang kasintahan ngunit mahilig pa rin siya sa babae. Nang maaksidente ito sa ibang bansa at bumalik ng Pilipinas ay bulag na ito at nakatali na sa wheelchair na naging dahilan upang tuluyan na siyang iwan ng kasintahan. Samantalang bigla na lang nag-offer ang binata sa dalaga na hindi mapaniwalaan ni Sarina at mabilis niyang tinanggihan. Ngunit dahil na rin sa pangangailangan ng pamilya niya ay nagbago din ang kanyang isip at pumayag na maging parausan ni Maximus sa loob ng isang taon sa halagang 10 milyon. Ang hindi alam ng dalaga ay may mga iba pang kasunduang kalakip ang kontrata nila at sa pagsasama nila ay malalaman niya ang lihim na itinatago ng binata.
Romance
9.91.6M viewsOngoing
Show Reviews (116)
Read
Add to library
Gracie Ollagan
This story is somewhat very realistic and true to life. The character's role were very intense. You will feel mix emotions while reading as if you are just part of the story looking at these characters right here. I recommend this story as it is full of life and a bit of comedy. Not for young adults
MysterRyght
Marami pong salamat sa inyong patuloy na pagsuporta. Sana po ay makasama ko po kayo sa aking writing journey. Sa mga likes, comment, gem votes, ratings at lalo po sa gift-share. Sobrang thank you po sa inyo. I will pray na lagi po kayong pagpalain at samahan ng Panginoon sa bawat araw. God bless us!
Read All Reviews
The Rival's Mistress

The Rival's Mistress

Dati niyang asawa, hindi lang siya tinalikuran—pinapatay pa. Sa isang gabi ng pagtataksil, muntik nang mamatay si Alina sa kamay ng mga tauhan ng lalaking minsan niyang minahal. Pero sa isang iglap, isang maling liko, at isang desperadong hakbang, napadpad siya sa sasakyan ng pinaka-ayaw ng ex niyang lalaki... si Damian Velasco, ang pinakamalupit na karibal sa negosyo. "Hirap ka bang magpasalamat, Mrs. Montenegro?" malademonyong bulong ng lalaki. "O gusto mong ipakita na lang sa ibang paraan?" Isang kasunduan ang binuo sa init ng gabi: ililigtas siya ni Damian, pero kapalit nito… magiging kanya siya. Sa kama. Sa piling niya. Hanggang sa tuluyan niyang makuha ang kanyang paghihiganti. Pero paano kung sa gitna ng pagkukunwari, may ibang apoy na mamagitan sa kanila? Isa bang laban ito… o isang bagong simula?
Romance
294 viewsOngoing
Read
Add to library
The Kindhearted Revenge

The Kindhearted Revenge

Isang bagay na lang ang gustong tuparin ni Shiela De Guzman sa buhay magmula nang mangyari ang insidenteng nagdulot sa kaniya ng sobrang pighati at nagpabago sa buhay na pinapangarap niya. Hustisya. Iyon lang naman ang gusto niyang makuha para sa mga magulang na walang awang pinatay. Ginawa niya ang lahat matupad lang ang mithiing maging isang pulis para ikulong ang mga pumatay sa kaniyang magulang. Sa paghahanap sa mga taong pumatay sa mga magulang ay natuklasan niya rin ang dahilan sa likod ng pagpatay sa mga ito at ang nakatagong lihim sa kaniyang pagkatao. Ang dating mabuting intensiyon na paghihiganti ay napalitan ng poot at karahasan. SHIELA DE GUZMAN! ELA RICARPIO! RAVEN CRUZ! DIVINE MABISCO! Iisang tao, apat na pagkakakilanlan. Sino nga ba siya at ano nga bang totoo sa tunay niyang pagkatao?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
MAYARI

MAYARI

Isigani
Si Mayari na pinoprotektahan ng isang babaylan, ay isang prinsesang niligtas ni Adonis na isang tikbalang. Isang malaking pagsubok ang kakaharapin nito at kakailanganin niya ang isang matinding pagsasanay, malaking sakripisyo para sa misyon ukol sa kapakanan ng bayan ng Maharlika. Pipilitin ni Mayari na makuha ang pamumuno sa palasyo, na hawak ng isang salamangkerong dating kanang kamay ng hari na nagpapahirap sa bayang nasasakupan. Mahihirapan si Mayari sa paghahanap ng mga kasama na aayon sa kanya dahil sa takot ng mga ito na paghigantiahan ng makapangyarihang salamangkero na tumatayong pinuno sa kaharian pagkatapos nitong lasunin ang hari. Sa kaniyang paglalakbay ay makikila niya ang mga kaibigan na tutulong sa kaniya upang magwagi laban sa kay Elyazar na salamangkero. Mahihirapan man, gagawin ng bida ang lahat para maibalik sa kaayusan ang bayan.
Fantasy
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status