My Childhood Sweetheart
Iniligtas nila ang isa't-isa kaya sa paglipas ng buwan ay naging malapit na si Vincent at DC, hanggang sa lumipat sa school ni Duncan si Vincent at lalong naging close sila pati na rin sila Dwane, Jex at Allen.
Hindi nagtagal ay nakilala naman ni DC si Paulino na mas kilalang Pong. Nagustuhan ni Pong, ang personality ni Duncan dahil sa magaling itong makipaglaban at mautak sa lahat ng bagay, hindi naman ginusto ni DC na maging barkada si Pong, dahil balita niya may sakit sa pag-iisip ito. Kahit saang laban biglang lumalabas si Pong kung saan at ilang beses na din niyang niligtas si Duncan. Kaya tinanggap nya na rin ang alok na pakikipagkaibigan nito sa kaniya.