Lahid
pantalones, na kanyang isinusuot lang tuwing magpapanggap siya bilang Mateo Vicente, ngayon ay nakasuot siya ng isang mahaba at magandang traje de boda na habi sa mamahalin at kulay rosas na seda na nilinyahan ng mga magagandang uri ng butil-panggayak. Kahit maliit ang kanyang mga harapan, nakaramdam pa rin siya ng kaginhawaan sa kanyang dibdib 'pagkat hindi niya ngayon tinatakpan ang mga ito ng makapal na bandana. Hindi rin siya nakasuot ng sumbrero sa ulo kundi ang suot niya'y ang kanyang mahaba at makuluting piluka na siyang pantabon niya sa kanyang maikli at panlalaking gupit na buhok. Naglagay naman siya ng manipis na kolorete, pampatingkad sa mayumi niyang mukha, at naggayak ng ilang
Hot Chapters