Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband

Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband

"I want you back." Iyan ang mga katagang lumabas sa bibig ni Tyson matapos ang ilang buwang pakikipag-hiwalay kay Mariana at muling magpakasal sa babaeng una at tanging minahal nito, nakaluhod at umiiyak, nagmamakaawang tanggapin siya muli ng babaeng itinapon niya ng ganon ganon na lang. Talaga nga namang nasa huli ang pagsisisi. Sa tatlong taon nilang mag-asawa, ni hindi nito pinaramdam kay Mariana ang pagmamahal at pag-aaruga. Sakit at pighati ang isinusukli ni Tyson sa pagmamahal ni Mariana, hindi lang mula sa kanya, maging sa ina at kapatid nito na tila isang basura ang tingin kay Mariana. Matatanggap pa kaya siya ni Mariana? Gayong may iba nang lalaki ang pumupuno sa mga bagay na hindi pinaramdam ni Tyson sa kanya noong sila ay kasal, ang lubos na pag-aalaga at pagmamahal na matagal na niyang gustong maramdaman kay Tyson, ay pinaparamdam na sa kanya ng ibang lalaki na mas karapat-dapat sa kanya.
1019.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 477 Beses bilang tukso kay melissa
Read
+Library
Craving Dad's Best friend

Craving Dad's Best friend

Mula pagkabata ay may paghanga na si Crisanta kay Lysander, ang matalik na kaibigan ng kanyang ama. Sa muli nilang pagkikita, lalo pang tumindi ang damdamin niya at ganoon din kay Lysander. Sa kabila ng pagtutol ng iba, pinili nilang pumasok sa bawal na relasyon. Ngunit sapat ba ang kanilang pag-ibig para labanan ang lahat ng humahadlang?
649 viewsOngoingIdinagdag sa Library 16 Beses bilang tukso kay melissa
Read
+Library
SEAL OF LOVE

SEAL OF LOVE

Si Veronica Smith, isang dalagang matalino at mabait mula sa probinsiya, ay nagpunyagi upang maiahon ang kanyang pamilya. Ngunit ang isang aksidente ay magbabago ng lahat, matapos tulungan ang matandang si Venus, inialok siya ng kasal kay Jarred Heart, isang matagumpay at napakasupladong CEO, at guwapong apo ni Venus. Wala sa plano ni Veronica ang magpakasal sa isang estranghero, ngunit sa halagang isang milyong piso para sa operasyon ng kanyang ama, pinirmahan niya ang kontrata—bawal mainlove, bawal makakaalam ang kanilang kasal, at bawal makialam sa buhay ng bawat isa. Ngunit sa kabila ng lahat, lihim na nahulog ang loob ni Veronica kay Jarred, habang para kay Jarred, ang kanilang relasyon ay isang simpleng kontrata lamang. Habang papalapit na ang araw ng annulment, nagsisimulang magbago ang lahat—may bagong manliligaw si Veronica, si Kenny Bill, isang katrabaho na may tapat na pag-ibig para sa kanya. At doon, nagising ang puso ni Jarred na mahal na pala niya si Veronica. Pero para kay Veronica, nagsimula nang mag-give up, natatakot na madurog ang kanyang puso. Maagaw pa ba ni Jarred si Veronica mula kay Kenny, o tuluyan na bang magkakahiwalay ang kanilang mga landas? Ang isang kasal na nag-umpisa bilang isang kontrata, magtutuloy kaya sa isang tunay na pagmamahalan?
102.1K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 50 Beses bilang tukso kay melissa
Read
+Library
The Billionaire's Backup Plan

The Billionaire's Backup Plan

Akala ni Elize ay wala nang mas malala pa pagkatapos siyang mawalan ng trabaho at pagtaksilan ng kaniyang nobyo. Pero ang magulo niyang buhay ay lalong nagulo nang pagkamalan siyang ibang tao. Lumayo siya, umiwas, at nagtago. Pero hindi niya inaasahan na ang magiging boss niya ay ang taong baliw na baliw sa isang babae na halos kamukha niya. Ang pinakamalala pa roon ay inalok siya nito na magpanggap bilang si Aelice, ang babaeng puno't dulo ng sitwasyon niya ngayon. Sa pagpanggap niya bilang si Aelice, makakaya kaya niyang pigilan ang damdamin at huwag mahulog sa lalaking iba ang gusto? Pero paano niya lalabanan ang bugso ng damdamin kung sa bawat sulok ng silid ay naroon ang tukso?
10566 viewsOngoingIdinagdag sa Library 22 Beses bilang tukso kay melissa
Read
+Library
The Billionaire's Triplet Babies

The Billionaire's Triplet Babies

Ikinasal si Cathy Del Mundo kay Phoenix Montgomery—anak ng isang bilyonaryo at may-ari ng pinakamalaking healthcare company sa bansa. Subalit kahit naikasal na silang dalawa, hindi man lang naramdaman ni Cathy ang pagmamahal nito para sa kaniya. Hanggang sa isang desisyon ang nabuo sa utak niya—iyon ay makipag-annul kay Phoenix after being married for two years. Akala niya ay matatahimik na siya ngunit nagkamali siya nang malaman niyang buntis siya pagkatapos na pagkatapos niyang makipag-annul kay Phoenix. Inilihim niya iyon mula rito at nagpakalayo-layo hanggang sa mailuwal na niya ang anak niya. Pero sa mismong araw nang panganganak niya ay ikakasal na pala si Phoenix kay Miriam—ang kaibigan niya na naging mortal niyang kaaway. Dumating si Laura—kapatid ni Miriam at walang awang kinuha kay Cathy ang anak niya. Pero ang hindi nila alam—triplets pala ang nabuo sa sinapupunan ni Cathy. Itinago ni Cathy ang dalawa at nangakong hindi ipapaalam kay Phoenix ang katotohanan. Makalipas ang limang taon, muling magtatagpo ang landas nina Cathy at Phoenix. Dahil nagkaroon ng selective amnesia si Cathy at halos mamatay na siya dahil sa komplikasyon nang manganak siya—saka lamang niya napag-alaman na ang batang tinaggihan niyang gamutin ay anak pala niya. Doon ay nagdesisyon si Cathy na kuhanin sa kaniyang ex-husband ang anak niya habang tinatago pa rin ang katotohanan na may dalawa pa silang anak. At ngayong nalaman na ni Phoenix na buhay pala ang ex-wife niya na inakala nilang patay na, paano niya haharapin ang katotohanan na hindi lang isa, kundi tatlong anak ang iniluwal ni Cathy?
1061.4K viewsOngoingIdinagdag sa Library 1.8K Beses bilang tukso kay melissa
Read
+Library
Marrying My Twin's Fiancé

Marrying My Twin's Fiancé

Magkasundo sa lahat ng bagay ang kambal na sina Celestine at Seraphina. Magkamukha sila, pero laging si Celestine ang paborito ng lahat—matalino, mabait, at higit sa lahat, minamahal ng fiancé niyang si Lukas. Samantalang si Seraphina, tila pinagpala sa lahat maliban sa isang bagay… ang puso ng lalaking matagal na niyang minahal ngunit hindi kailanman maaaring angkinin. Mula pa noon, mahal na ni Seraphina si Lukas. Pero dahil kay Celestine, pinili niyang itago ito. Dalawang linggo bago ang kasal, isang masakit na katotohanan ang lumabas. Celestine is dying. Matagal na pala niyang itinatago ang sakit, at ngayon, isang huling kahilingan ang iniwan niya—nais niyang si Seraphina ang magpakasal kay Lukas. Para kay Seraphina, ito na ang pinaka-masakit na desisyon sa buhay niya. Pero paano niya matatanggihan ang huling hiling ng kakambal? Pumayag siya. Kinasal sila ni Lukas. Pero sa bawat araw na lumilipas, ipinaramdam nito na kailanman, walang makakapalit kay Celestine sa puso niya. Kahit pa ang sariling kakambal nito.
10520 viewsOngoingIdinagdag sa Library 11 Beses bilang tukso kay melissa
Read
+Library
The Husband's Only Woman (Filipino)

The Husband's Only Woman (Filipino)

COMPLETED. Mature Content. ***** Nahulog si Diana kay William, ang asawa ng kaniyang matalik na kaibigang si Gianna. Hanggang sa nakaisip siya ng masamang balak at nakagawa ng dalawang krimen. Ano at saan ang magiging hantungan niya? Si Gianna ay tapat na asawa kay William. Labis siyang nasaktan nang malaman niya sa kakaibang paraan ang hindi niya inisip na makakayang gawin ng matalik niyang kaibigang si Diana. Mapapatawad pa kaya niya ito at si William? Ano ang gagawin niya sa asawa? Maayos ang buhay ni William kasama ang pinakamamahal niyang asawang si Gianna at ang dalawa nilang anak na sina Wyler at Greisha. Naging magulo ang buhay niya nang dumating si Diana na kailanman 'di niya minahal. Paano niya ibabalik ang dating matamis na pag-ibig nila ni Gianna? Si Yuan ay may gusto kay Gianna ngunit hindi niya ginulo ang buhay nito dahil may asawa't mga anak na ito. Gagawin niya ang lahat para 'di masaktan si Gianna kay Diana at 'di masira ang samahan nina Gianna at William. Ano ang gagawin niya kay Diana? At ano ang papel ng kapatid na babae ni William na si Willa sa buhay niya? Ito ay istorya ng pagkakaibigan, pagpapatawad, pagmamahalan, pagpapalaya, pagiging buo ng isang pamilya at iba pang mga aral.
9.848.4K viewsOngoingIdinagdag sa Library 1.6K Beses bilang tukso kay melissa
Read
+Library
My lover-in-law

My lover-in-law

Si Arianne Crisostomo ay namulat sa kahirapan ng mundo. Dahil doon ay naging mataas ang pangarap niya, ang makaahon mula rito. Limang taon ang nakalipas nang makipaghiwalay siya kay Glenn, ang lalakeng pinakamamahal sa masakit na paraan at piliin ang kaniyang ambisyon. Ngunit kung paano kung muling magtagpo ang landas nila? Sa sitwasyon na ang lalakeng dating minahal ay anak na ngayon ng kaniyang pakakasalan na si Simon Gonio Villafuerte, isang mayaman at higit na may edad sa kaniya. Sa huling pagkakataon na ibinigay kay Arianne ng kapalaran. Pipiliin pa rin ba niya ang karangyaan na noon pa man ay kaniya ng inaasam? O ang tunay na pag-ibig na kay Glenn niya lamang naramdaman?
53 viewsOngoingIdinagdag sa Library 1 Beses bilang tukso kay melissa
Read
+Library
BILLIONAIRE'S CONTRACT GIRLFRIEND (FILIPINO)

BILLIONAIRE'S CONTRACT GIRLFRIEND (FILIPINO)

Sa unang pagkikita pa lamang ay may kung ano nang tumama kay Dave. Isang damdamin na tanging kay Jade lamang niya naramdaman. Love at first sight ba iyon? Hindi siya sigurado. Pero may isang bagay na tiyak: gusto niyang protektahan ang dalaga. At magagawa lang niya iyon kung palagi siyang magiging malapit kay Jade. Isang kontrata ang nagbigay-daan para matupad ang hangaring iyon. Isang kontratang walang bahid ng emosyon. Kaya lang, habang tumatagal at habang mas nakikilala niya si Jade, bakit parang handa siyang magbayad nang kahit gaano kalaki, mahalikan lamang ito? At sa huli, iyon din ang nangyari. O baka mas tama kung sabihing ang nasunod ay ang kagustuhan ng kaniyang puso at hindi ang nakasulat sa kontrata.
105.0K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 174 Beses bilang tukso kay melissa
Read
+Library
Ang fiancé ko, ang kanyang kapatid

Ang fiancé ko, ang kanyang kapatid

Si Léa ay namumuhay ng mapayapa kasama si Thomas, isang mahinahon at predictable na lalaki na kanyang pakakasalan. Ngunit ang hindi inaasahang pagbabalik ni Nathan, ang kanyang kambal na kapatid na may nakakamanghang alindog at malayang kaluluwa, ay nagpapabagsak sa kanyang maayos na mundo. Sa isang salu-salo na inihanda para sa kanya, si Nathan ay pumasok nang may kapansin-pansin na presensya at sa puso ni Léa, isang bitak ang nagbukas. Ang kanyang nag-aapoy na tingin, ang kanyang mga salitang puno ng pagnanasa, ang kanyang paraan ng pamumuhay na walang hangganan… lahat sa kanya ay naguguluhan at hindi maiiwasang humahatak sa kanya. Sa pagitan ng rasyonalidad at pagnanasa, katapatan at tukso, si Léa ay naguguluhan. At kung ang tunay na pag-ibig ay hindi matatagpuan sa lugar na palagi niyang inisip? Kapag ang dalawang puso ay tumitibok sa hindi pagkakasabay… aling dapat pakinggan?
895 viewsOngoingIdinagdag sa Library 28 Beses bilang tukso kay melissa
Read
+Library
PREV
1
...
45678
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status