Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
One Hot Night With Mister CEO (SPG)

One Hot Night With Mister CEO (SPG)

"You left without saying a word, Ciana. Hinanap kita, naghintay ako. Umasa akong babalikan mo 'ko dahil baka sakali na maisip mo ako," napatitig ako sa mga mata niyang kulay kayumanggi ngunit lumuluha. "Tapos ngayon babalik ka na para bang walang nangyari?" nakagat ko ang ibabang labi kasabay ng pagyuko sa kaniyang pangunguwestyon. "Sinisisi mo 'ko kasi hindi kita magawang kausapin ng maayos? Pansinin tulad nang dati?" napapikit ako ng matapos niyang sabihin iyon ay hinampas niya ang pader sa aking tabi. "You think I'm okay? Nasasaktan ako Ciana, kahit sorry man lang galing sa mismong bibig mo wala akong natanggap." Tinitigan ko siya ngunit ako mismo ang nasaktan nang umaagos na ang luha sa mga mata niya. "I'm sorry," mahinang sabi ko. "This is not the right time to do that, because I can't f-forgive you for l-leaving me." Malamig niyang sabi ngunit bakas ang hirap sa pananalita. "Mahal kita at nakalimutan kong may gusto ka nga pa lang iba," hindi ko siya makapaniwalang tinitigan dahil sa sinabi sa akin. "I'm leaving." Paalam ni Mateo tapos tumango at lumabas na ng kwarto.
Romance
1045.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
I Caught The Billionaire's Obsession

I Caught The Billionaire's Obsession

THEGUYWITHTHEGLASSESIndependentDramaMysteryTragedy
Bakit kaya hindi pantay ang mundo? Bakit hindi na lang kaya mayaman ang lahat ng tao para wala ng mahirap? Para wala ng nagugutom? Para wala ng gumagawa ng masama para lang may mauwing pagkain sa hapag? Bakit kaya may mga mahihirap na katulad ko? Bata pa lang ako. Iyon na palagi ang tinatanong ko sa sarili ko. Kung bakit may mga mahirap na kagaya ko. Masama ba akong tao sa nakaraan kong buhay at pinaparuhasan Niya ako't ang pamilya ko ng ganito? Ewan ko. Basta ang alam ko lang na tinatak ko sa isip ko ng magdalaga ako- hindi titigil ang mundo sa 'yo kung patuloy at patuloy mo lang iisipin kung gaano kahirap ang buhay. Hindi uulan ng pera kapag hiniling mo. At mas lalong hindi magiging magaan ang buhay mo kung puro hiling ka lang sa Kanya at walang kasamang pagbabanat ng buto. Natuto ako sa mahirap na paraan. At iyon ang ginagamit ko ngayon na sandata araw-araw sa malupit at madilim na mundo na ginagalawan ko ngayon. "KEISHA! Ikaw na ang sasalang sa stage! Bilisan mo na! Marami ng mga guest ang naghihintay sa 'yo!" A novel by: TheGuyWithTheGlasses STATUS: COMPLETED Date started: June 18, 2022 Date finished: September 19, 2022
Romance
9.939.8K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Monster CEO's Twins

The Monster CEO's Twins

Ava Blythe Jones, isang maganda, masipag, at independiyenteng babae na may kakila-kilabot na nakaraan. Bago masaksihan ang ginawang karumaldumal na pagpatay sa kaniyang mga magulang, ay tumatak sa kaniyang isipan ang kahuli-hulihang habilin ng mga ito, na magtago at lumayo sa makapangyarihang Fonteverde. Nang gabing ginulo na naman siya ng isang masamang panaginip at hindi na muling makatulog ay nagpasya siya na pumunta sa isang night club para pansamantalang makalimot. Hindi aakalain ni Ava na ang gabing iyon ang maglalapit sa kaniya sa anak ng taong matagal na niyang tinataguan. Ang mas malala pa roon ay may nangyari sa kanila. Nagkaroon sila ng kambal na anak, ngunit bago pa malaman ni Alas Fredo Fonteverde, ang makapangyarihan at kilala bilang isang halimaw na CEO, ay tumakbo at nagpakalayo na si Ava. Hindi nanaisin ni Ava na makilala ng kaniyang mga anak ang demonyong ama ng mga ito. Lalo pa nang dahil kay Alas ay nawalay sa kaniya ang kaniyang anak na babae. Sa muli niyang pagbabalik sa Pilipinas ay binabalak niyang paghigantihan ang mga magulang nito at bawiin ang kaniyang anak na babae. At sa pagbabalik na iyon ay malabo na siyang makilala ng isang Alas Fonteverde dahil sa ibang-iba na siya mula sa Ava noon; isa na siyang sopistikada at matalinong babae. Mapagtagumpayan kaya ni Ava ang kaniyang planong maghiganti at mabawi ang anak? O pati siya ay mapapahamak sa mga bisig ng isang kinikilalang “The Monster CEO?”
Romance
9.945.4K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
One Night with a Billionaire: Hiding his Heir

One Night with a Billionaire: Hiding his Heir

Sa ika-18th Birthday ni Carmela ay na set-up sya nang kanyang Nobyo at hindi tunay na kapatid na si Pearlyn upang makipag one night stand sa inaakalang matandang lalaki. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay si Axcel Mostrales ang kanyang nakasalo sa isang mainit na gabi. Ang pinaka batang bilyonaryo sa buong Asya. Nalaman nang kanyang fosters parents na politician ang nangyari at sa galit nila ay itinakwil nila si Carmela. Sa takot na malaman ng mga itong buntis sya ay nagawa nya itong itago at magpunta nang ibang bansa. Hanggang sa makalipas ang ilang taon ay bumalik sila ng Pilipinas kasama ang kanyang anak at inalok sya ni Pearlyn na si Carmela ang dumalo sa blind date na gusto nang kanilang magulang. Walang ibang nagawa si Carmela kundi makipag sundo kapalit ng malaking halaga ng pera. Ang tanging gagawin lang naman ni Carmela ay magpanggap bilang si Pearlyn at gumawa ng paraan para hindi sya pakasalan nang lalaki. Ngunit tila ba mapag laro ang Tadhana at gusto syang pakasalan nang lalaki na walang iba kundi si Axcel Mostrales, ang ama nang kanyang anak.
Romance
1045.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Betrayed Wife

The Betrayed Wife

Siya ang pinaka magandang babae para sa asawa niyang si Liam,pero noon iyon.....noong panahon na wala pa siyang malubhang karamdaman. Ang mas masakit na nadiskubri niya ay ang relasyon nito sa kababata nitong si Nathalie. Hindi niya masumbat si Liam at ang kabit nito dahil alam niyang darating ang panahon na mamamatay siya. Pero isang trahedya ang dumating sa buhay ni Amaiah.Akala ng lahat ay patay na siya pero iniligtas siya ng isang taga isla nang sumabog ang yate na kanyang sinasakyan. Sa islang 'yon ay natuto siyang lumaban.They trained her to be an assassin.Naging mabuti na rin ang pakiramdam niya sa islang iyon, totally free from cancer. May sumasabotahe ba sa kanya dati at puro kasinungalingan lamang ang sakit niya? Ano kaya ang madidiskubri niya sa muli niyang pagbalik sa buhay ni Liam bilang si SERENA? Mananaig ba ang kanyang pag-ibig sa dating asawa na ngayon ay kasal na kay Nathalie? o mas mananaig sa kanya ang kagustuhan na paghigantihan ang mga taong tinraydor siya? Ito ang istorya ni Amaiah aka " The Betrayed Wife"
Romance
1044.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The billionaires Quintuplets

The billionaires Quintuplets

Si Freya ay niloko ng kaniyang unang asawa, nang makipag divorced ay naikasal naman siya sa bagong lalaki na hindi niya kilala at naka one-night-stand niya! Doon niya rin malalaman na mayamang tao pala si Eamon o tamang sabihin na isang billionaire! Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nawala si Freya at sa pagbabalik niya ay wala siyang maalala na kahit na ano. Makikita ng Quintuplets ang kanilang ama at lolokohin ito sa pag aakala na may balak itong masama sa kanilang ina. Ano kaya ang mangyayari kapag nalaman nila na isang malaking misunderstanding ang lahat at pilit lang nilang pinakukumplika? Halina't subaynayan ang istorya ni Freya at Eamon Evander.
Romance
8.652.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
LOCK ME IN YOUR HEART

LOCK ME IN YOUR HEART

Isang bilyonaryo si Enrico Royo na mas piniling maglingkod sa bayan bilang isang pulis. Sa edad niyang tatlumpu't tatlo ay wala pa itong naging kasintahan. Masyado itong abala sa kanya trabaho bilang Chief of Pulis ng Maynila. Cherry Cristobal isang babaeng ulila na. Namuhay itong mag-isa at kalaunan ay nakilala niya si Caye Blake ang babaeng tutulong sa kanya na makapag-aral ulit. Magtatagpo ang landas ng dalawa noong napasama sa mga nahuli sa bar si Cherry at napagkamalan ni Chief na isa sa mga nagtatrabaho doon. Paano magtitiwala ang pusong lubos na nasaktan? May pag-asa kayang makapasok sa puso ni Cherry ang matinik na pulis?
Romance
1027.6K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
SEDUCING THE MAFIA BOSS

SEDUCING THE MAFIA BOSS

Nagkaroon ng kaguluhan sa coffee shop na pinagtratrabahuhan ni Sabina, isang guwapong customer ang tinamaan ng baril. Duguan itong gumapang sa pinagtataguan niya at hiniling na itago niya at pakaingatan ang maliit na box. Ngunit parang nanadya ang tadhana ng araw na iyon. Pagkatapos ng pangyayari ay tumawag naman ang step-mother niya para sabihing naaksidente ang Papa niya. Hindi na natapos pa ang kanyang kamalasan simula ng araw na iyon. Pagkatapos maratay ng Papa niya sa ospital ng ilang linggo ay binawian na rin ito ng buhay. Pagkatapos ay pinalayas siya ng kanyang madrasta sa kanilang bahay at ibenenta nito ang bahay na pag-aari ng kanyang mga magulang. Hindi pa duon natapos ang kasamaan nito. Nadiskubre niyang hindi aksidente ang nangyari sa Papa niya. Ipinapatay ito ng madrasta niya para makuha nito ang insurance ng Papa niya. Sa sobrang galit at naisipan niyang maghiganti. Aakitin niya ang bilyonaryong fiance ng step-sister niya. Laking gulat niya nang mapagtantong ang fiance nito ay ang guwapong cutomer niya sa coffee shop! At hinahanap nito sa kanya ang ipinatago nitong box. Ang problema, hindi na niya maalala kung saan niya nailagay iyon! Nanganganib ang buhay ng guwapong lalaki kapag hindi niya nahanap ang box. Ngunit mas nanganganib ang puso niya dahil napagtanto niyang umiibig na pala siya sa guwapong lalaki na nadiskubre niyang isa palang Mafia Boss.
Romance
1043.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
I NEED YOU

I NEED YOU

Masarap mahalin ang taong iniidolo mo. Pero hindi akalain ni Jesabell na iyon din ang magdudulot ng pait at lungkot sa kaniyang puso. Umasa siya na higit pa sa alam niyang pagmamahal ang makuha mula kay Tyler, na siyang umaaruga sa kaniya mula nang mamatay ang mga magulang niya. Gusto lang naman niyang mahalin siya ng binata, tulad ng pagmamahal niya rito. Pero hindi nangyari ang inaasam dahil dumating ang tunay na hero sa buhay ni Tyler. Ano ang laban niya sa babaeng ginagaya ang pagkatao niya at mas magaling umakting? Ang sakit at gusto nang palayain ni Jesabell ang sarili mula sa pantasyang binuo sa puso't isipan. Ngunit paano niya takasan ang buhay na mayroon siya ngayon kung ayaw siyang pakawalan ng binata? Habambuhay na lang ba siyang masaktan, at hayaang maging talunan sa mata ng mga taong nagpapanggap upang agawin ang mayroon siya? O ibigay ang gusto ng mga ito at hayaang maging masama ang pagkatao upang makaganti?
Romance
1051.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Married to the Runaway Bride

Married to the Runaway Bride

Umalis si Mikel upang makalimutan ang nobya na nanakit sa kan'ya. Nasira at nasaktan, susubukan niya na buuin muli ang buhay. Iniwan ni Tamara ang kan'yang pamilya dahil sa kapatid na nagbenta sa kan'ya sa isang matandang bilyonaryo na naghahanap ng babae na magsisilang sa kan'yang anak. Dismayado at luhaan, susubukan niya na ayusin ang buhay. Ang dalawang may tinatakasan ay hindi sinasadya na magkrus ang landas isang gabi. Kinabukasan, nagising sila na ikinasal na sila sa isa't isa. Pareho silang tumakbo palayo sa gulo, ngunit ang nangyari noon nakaraang gabi ay nagpagulo lalo sa kanilang buhay. Mananatili kaya ang mga tumakas sa pangako ng kanilang kasal upang makadama ng tunay na pagmamahal? O pareho sila na makakahanap ng dahilan para takasan ang isa't isa?
Romance
1043.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
454647484950
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status