Secunda Vita
o. Hindi nila makita ang katotohanang nangyayari sa bayan sapagkat iba ang nais ipakita sa kanila ng mga namumuno."
"Kung kaya't pilit kong inaayos ang aking pamumuno, Lux. Alam kong mahirap ayusin ang bulok na sistema. Ngunit sinusubukan ko," aniya.
"Paano po kung ang nais nilang mangyari ay baguhin ang sistema?" tanong ko sabay tingin sa kanya at kumunot naman ang noo niya. "Pantay na edukasyon para sa lahat, mahirap man o mayaman, anuman ang kanilang kasarian, ibigay sa Pilipino ang pagmamay-ari ng mga Pilipino, ibigay sa kanila ang kalayaang mamuno, pantay na karapatang pantao, at makapagsalita at marinig ang kanilang hinaing. Handa po ba kayong palayain ang bayang ito?" tanong ko na kin
Hot Chapters