THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE
“Hayaan ninyo, sa susunod na luwas ko, hahanapin ko yong buko pie na may konting harina!”
Tawanan uli.
Bumulong si Lyndon. “Sagutin mo nga ako, Mrs. Santiago, uso ba ang appreciation sa mga tagarito?”
“Hindi sa paraang alam mo, pero yan ang paraan nila ng pasasalamat. Biro lang sa amin ang pagsasabi ng totoo. Kaya walang nagtatanim ng sama ng loob. Kung may gusto kang sabihin—daanin mo sa biro para walang gulo.” Kinabig ko siya padikit sa aking tabi. “Alam mo, marami ka pang hindi alam sa bayan namin. Pero sa lugar na ito, ligtas ka, kaysa sa Manila. Ang mga tao dito, buhay ang kapalit ng pagsisinungaling. At buhay din ang gantimpala sa nag iingat sa pamilya at mahusay makisama.”
Hot Chapters