Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Captivating The Brutish Billionaire (Tagalog)

Captivating The Brutish Billionaire (Tagalog)

Handang isakripisyo ni Agathe Clementine Capucine ang lahat para sa kanyang ina. Napilitan siyang makipagkasundo kay Gunther Percival Silvestri, ang tagapagmana ng pinakamayamang pamilya na namuno sa Stonewood City sa loob ng maraming siglo, dahil nasa panganib ang buhay niya at ng kanyang ina. Maliban sa pagpapagamot ng kanyang ina at maligtas ang kanyang buhay, inisip niya kung ano pa ang maaaring mangyari. Hindi niya inaasahan, gayunpaman, na sa gabing iyon, siya ay ikakasal kay Gunther at magpapanggap bilang kanyang tapat na asawa habang pumipirma ng kontrata para gawing pormal ang kanilang pagsasama. Nag umpisang maguluhan si Agathe habang lumilipas ang mga buwan. Nakikipaglaro pa ba siya, o nakahanap na ba ng paraan si Gunther para makuha ang wasak na puso niya?
Romance
487 viewsOngoing
Read
Add to library
Sorry, pero Hindi Ikaw Ang Groom Ko

Sorry, pero Hindi Ikaw Ang Groom Ko

Isang video ng boyfriend ko na nagpo-propose sa kanyang secretary ang nag-trending. Lahat ay kilig na kilig at sinasabing napaka-romantic at nakakaantig ang eksena. Nag-post pa mismo ang secretary niya sa social media: "Matagal kitang hinintay, at buti na lang hindi ako sumuko. Ipagkakatiwala ko ang buhay ko sayo, Mr. Emerson." Isa sa mga komento ang nagsabi: "Diyos ko, sobrang sweet nito! CEO at secretary—bagay na bagay sila!" Hindi ako umiyak o nag-eskandalo. Sa halip, tahimik kong isinara ang webpage at hinarap ang nobyo ko para humingi ng paliwanag. Doon ko siya narinig na nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. "Wala akong choice. Mapipilitan siyang pakasalan ang isang taong hindi niya mahal kung hindi ko siya tinulungan." "Eh si Vicky? Siya ang totoong girlfriend mo. Hindi ka ba natatakot na magalit siya?" "Eh ano naman kung magalit siya? Pitong taon na kaming magkasama—hindi niya ako kayang iwan." Sa huli, ikinasal ako sa parehong araw ng kasal nila. Nang magkasalubong ang aming mga sasakyan, nagpalitan kami ng bouquet ng kanyang secretary. Nang makita niya ako, labis siyang nasaktan at humagulgol.
Short Story · Romance
3.3K viewsCompleted
Read
Add to library
LIES: MY  BILLIONAIRE EX

LIES: MY BILLIONAIRE EX

PAMILYA, PAG-IBIG AT PANGAKO. ‘Yan ang mga dahilan kung bakit nasaktan nang lubusan si Rhian.  Nobyo n'ya ang bilyonaryong si Andrew Santillan Jackson. Galing sa mayamang angkan na pinangakuan s’ya ng kasal kung sakaling magbunga ang ginawa nilang pagtatalik kahit labag sa kanyang puso at isipan. Walang nagawa ang dalaga dahil lubos n'yang mahal ang nobyo n'ya—pero isang kamalian ang pagsugal n'ya ng pagkabirhen sa binata. Kahit ganoon pa man ay hindi gumawa ng hindi maganda si Rhian na magpapahamak sa kan'yang munting anghel. Ipinangako n'ya sa sarili na kahit anong mangyari ay bubuhayin n'ya ang kan'yang magiging anak. 'Pangako ko sa iyo anak, kahit anong pagsubok ang dumating sa buhay ko, hinding-hindi kita ipapalaglag salungat sa gusto ng iyong amang taksil sa ating dalawa lalo na sa iyo.'
Romance
1038.4K viewsCompleted
Read
Add to library
BE MY WIFE

BE MY WIFE

Para kay Dhalia Augustine Madrigal, ang buhay ay isang serye ng pagsubok—lalo na nang tanggapin niya ang trabahong maging sekretarya ng malupit at istriktong bilyonaryo, si Henri Yanno Garciaz. Habang lahat ng naunang sekretarya ay hindi nagtagal, siya lang ang nagtiis at nakasabay sa ugali nito. Ngunit hindi niya inasahan na ang trabahong ito ang magdadala sa kanya sa isang alok na magpapabago sa kanyang buhay. Isang kasal kapalit ng sampung milyong piso. Para kay Henri, si Dhalia ang perpektong sagot upang makaiwas sa isang sapilitang kasal sa kanyang unang pag-ibig. Ngunit sa kabila ng kasunduang iyon, hindi niya maitanggi ang lumalalim niyang damdamin para sa babaeng laging naroon para sa kanya. Unti-unting nagbago ang kanilang relasyon, at sa kabila ng mga pagsubok, natagpuan nila ang tunay na kaligayahan sa isa’t isa. Ngunit sa isang iglap, nagbago ang lahat. Isang rebelasyong nag-ugat sa nakaraan ang gumulo sa buhay ni Dhalia—isa pala siyang Lim, kapatid ng dating minahal ni Henri. At ang mas matinding dagok, isang larawan ang sumira sa kanilang tiwala—isang larawan na nagpatunay na may ibang babae si Henri. Sa gitna ng sakit at kahihiyan, pinili niyang lumayo, dala ang lihim na siya rin ay nagdadalang-tao. Limang taon ang lumipas, at sa kabila ng pagtatago ni Dhalia, hindi siya tinantanan ng lalaking minsan niyang minahal. Ngayon, muling bumalik si Henri sa buhay niya, handang patunayan ang isang bagay—na sa kabila ng lahat, si Dhalia lang ang babaeng nais niyang makasama habambuhay. Ngunit sapat ba ang pagmamahal upang paghilumin ang sugat ng nakaraan?
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
HIDDEN MAFIA HEIR'S

HIDDEN MAFIA HEIR'S

Sa likod ng isang maamo at mala-anghel na mukha, nagtatago ang bangis at tapang. Iyan si Natasha Mendez Cordoja, na kilala nang lahat bilang si Yanna. Sa kabila ng maganda at maayos na buhay, ay kailangan niyang gampanan ang sariling misyon para hanapin ang mga taong may malaking atraso sa kanya. Ngunit magkakasangga ang mga landas nila ng isang kilalang mafia leader na si Xander Montero, matapos nilang pagsaluhan ang isang gabi at magiging malapit sa isa't isa. Kapwa sila may mga sariling misyon sa buhay na ginagampanan. Ngunit nakahanda nga ba silang isantabi na lang ang kanilang layunin para bigyang-daan ang kanilang mga pansariling damdamin? Nakahanda nga ba si Yanna sa mga bagong matutuklasan, lalo na sa likod ng kanyang tunay na pagkatao? At paano kung mahulog na siya sa bitag ni Xander? Magawa pa kaya niyang makalabas sa butas na lalong nagpapasikip sa kanyang mundo?
Romance
1055.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Can I be Him?

Can I be Him?

Raeliana
Hindi dahil gusto mo ang isang tao at gagawa ka ng paraan upang magkalapit kayo, magkakaroon ka na ng tsansang maging kayo. Hindi rin porket pinipilit mong maging relevant sa buhay nila, ibig sabihin e mapapansin ka. Minsan, mananatili't mananatili kang nobody sa buhay nila.At ganoon na nga ang naranasan ni Lyle kay Ridge.Sinubukan niyang maging parte ng buhay nito, magbukas ng pinto ng oportunidad para sa kanilang dalawa at umasang may tsansa silang dalawa. Pero sa huli, sa ibang tao pa rin nakatingin si Ridge — iba pa rin ang minahal nito at wala siyang palag doon.Kaya heto siya ngayon sa kalagitnaan ng kawalan. Pinagmamasdan ang binatang kay tagal niyang minahal na sumaya sa piling ng iba. Bubulong na lamang sa hangin at sasabihing sana... sana siya na lang.
LGBTQ+
9.916.2K viewsCompleted
Read
Add to library
My Ex's Uncle Is My Husband[FILIPINO]

My Ex's Uncle Is My Husband[FILIPINO]

Dahil sa isang pagkakamali ay nalagay sa alanganin ang buhay ni Miley. Ngayon ay hinahanap siya ng miyembro ng mafia para patayin. Isa lang ang naiisip na solusyon ng boss/Uncle ng ex niya at iyon ay ang magpakasal siya rito para maproteksyonan siya. “Marry me so I can give you all the protection that you need. Nothing else…” – Clifford Alfonso. Hindi alam ni Miley kung bakit nagkakaganoon ang buhay niya. Hindi pa ba sapat na nahuli niyang magkasama sa kama ang bestfriend at boyfriend niya? Ngayon naman ay nasa panganib ang buhay niya at ang tanging paraan lang ay makasal siya sa gwapo ngunit cold na Tito ng ex niya.
Romance
1012.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Ex-Convict Billionaire

The Ex-Convict Billionaire

Nagboluntaryo sa isang medical mission sa loob ng bilangguan si Mikaella. Nagkaroon ng riot at doon niya nakilala ang gwapong preso na si Liam. Na-love at first sight sa kanya ang binata. Ngunit hindi niya ito type. Isa itong malaking red flag. Natitiyak niyang gulo lamang ang hatid nito sa kanyang buhay. Ngunit tila may magnet ang ngiti at expressive eyes ng lalaki. Bakit biglang parang gusto niyang magwala at lumihis ng landas kasama ng binata. Itataya ba niya ang buhay at kinabukasan para sa lalaking hindi niya lubusang kilala? Ginising ng binata ang lahat ng natutulog na damdamin sa kanyang pagkatao. Nakipagtanan siya dito at sinuway ang mga magulang. Nangako itong aayusin ang buhay para sa kinabukasan nilang dalawa. Ngunit ang mga pangako ay napako. Madami siyang natuklasang lihim nito. Ngunit hindi siya sumuko, ipinaglaban niya ang pag-ibig. Nalagay sa panganib ang kanyang buhay dahil sa lalaki. Nagising siya sa katotohanang siya lamang ang tunay na nagmamahal. Makalipas ang limang taon ay muling nag-krus ang kanilang landas. Ngunit bakit ibang-iba na si Liam. Bilyonaryo na ito at makapangyarihan. Tila hindi siya kilala, para siyang invisible sa paningin nito. Ang nakapagtataka ay ito pa ang matindi ang galit sa kanya. Nabaligtad na ang mundo. Siya na ang bilanggo ngayon. Bilanggo ng nakaraan at ng pag-ibig na walang katiyakan.
Romance
9.951.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Housemaid's Secret

The Housemaid's Secret

Zenshine
Para takasan ang nakatakda niyang kasal sa isang matandang lalaki ay lumuwas si Bethany Gayle Chavez sa isang malayong probinsiya. Ipakakasal kasi siya ng mommy niya sa isang Chinese business tycoon. Bagay na never niyang sinang-ayunan. Bilang heiress, alam na niya na kapalit ng pagiging marangya ng buhay niya ay ang pagpapalakas at pagpapalawak ng impluwensya ng bawat pamilya kaya naman kailangan niyang maikasal sa isang taong kaparehas o higit pa sa estado nila sa buhay. Kaya naman para makatakas sa kasunduang hindi niya gusto. . .nagpaka-layo kayo siya at nagpanggap siya bilang isang simpleng babae. Namasukan siya sa isang mayamang haciendero bilang house maid at doon ay nakilala niya si Simon Clarke Silvestre. Nagmamay-ari ito ng heka-hektaryang lupain sa probinsya at may malaking hacienda. Naging maganda at kaswal lang naman ang pagtanggap sa kanya ng binata. Pero naging mahirap para sa kanya ang pagsisilbi rito dahil kagagaling lang nito sa isang aksidente. Iritable si Simon at mabilis na magalit. Hindi naman siya ganito noon. Nagsimula lang ang pagbabago niya simula noong maaksidente siya. Hindi nila alam na si Bethany ay isang tagapagmana at nagpapanggap lamang bilang kasambahay. Bagay na sinesekreto niya sa lahat dahil ayaw niyang mahuli at ibalik sa mga magulang niya kundi ay malilintikan siya at ipapakasal sa matandang instik na iyon. Pero paano kung sa isang pagkakamali ay magbabago ang buhay ni Bethany? Si Simon ba ang magliligtas sa kanya sa masalimuot niyang magiging kapalaran sa matandang intsik na iyon, o mas lalo lang nitong sisirain ang buhay at mga pangarap niya?
Romance
105.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Fight For Love (Gabriel & Jenny)

Fight For Love (Gabriel & Jenny)

Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig mo kung ang isip at puso mo 'ay gusto ng sumuko dahil sa mga taong gustong humadlang para lumigaya kayo? Gabriel Alarcon, a spoiled son. Bata pa lang siya 'ay lumaki na siya sa marangyang buhay, ngunit sa kabila ng lahat 'ay hinahanap-hanap pa rin niya ang alaga ng isang Ina na kailan man 'ay hindi niya naranasan. Tanging mga kasambahay at ang ama, kasama na ang Lola niya ang kasama niya sa buhay na lahat 'ay binibigay para sa kanya. Jenny Alipio, is a simple girl. Pangarap lang ay makapagtapos siya sa kaniyang pag-aaral 'ay sapat na. Dahil sa pangarap na 'yon ay makikilala niya si Gabriel na pagsisimulan ng lahat-lahat nang Saya at lungkot. Handa ka na bang magmahal at masaktan?
YA/TEEN
10.2K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4344454647
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status