Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Till Heaven Draw Us Near Again

Till Heaven Draw Us Near Again

Ang kuwentong ito ay tumatalakay kung paano nabuo ang "wagas na pag- ibig" sa pagitan ng dalawang puso na pinagtagpo at itinadhana sa maling panahon at maling pagkakataon. Dalawang puso na parehong nakatali sa mga sinumpaang pangako, ngunit pilit pa ring ipinaglalapit ng pag- ibig. Ngunit, paano na ang dalawang puso na nagmamahalan kung makakalaban nila ang Tadhana na hahadlang sa kanilang pag-iibigan na hindi maaaring sumibol sa lupa, sapagkat sa ibang panahon at pagkakataon sila nakatakdang magsama hanggang sa dulo ng walang hanggan? Hindi ito tipikal na istorya ng pag- ibig na kung saan "kapag mahal mo, ipaglalaban mo", bagkus sa kuwentong ito tuturuan ka ng hangganan kung hanggang saan ka lang dapat makipagbuno sa ngalan ng pag- ibig. Sa kabilang banda, hindi lamang umiikot sa pag- iibigan ng dalawang pangunahing karakter ang matutunghayan sa nobelang ito, dahil nakapaloob rin sa kathang ito ang pinakamataas na antas ng pag- ibig- ang pag-ibig sa Diyos, gayundin ang pagyakap sa sariling kasalanan, pagtanggap sa sariling kahinaan, kapatawaran sa kapuwa at sarili, at higit sa lahat, pagtuklas sa tunay na misyon o papel kung bakit ka naririto at nabubuhay pa sa mundo.
Other
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PRINCESS DELA BOTE

PRINCESS DELA BOTE

Hindi pa sila gaanong nakalalagpas sa kasibulan ng kabataan nang magkakilala’t ma-fall sa isa’t isa sina Ana at Enrico. Madali silang nahulog sa patibong ng pag-ibig na sa una lang puro kilig. Maaga silang ikinasal sa huwes. Hindi man lang muna inihanda ang kanilang kinabukasan. Nang magsama sila sa iisang bubong at maharap sa krisis ng realidad ng buhay may-asawa, tulad sa pag-inom ng alak, matapos malasing sa pag-ibig ay matinding hangover ang sumubok sa katatagan ng kanilang ugnayan. Nagumon sa pag-inom ng alak si Enrico. Gumatong ito sa galit ni Ana dahil sa kaiintindi kung paano sosolusyunan ang kanilang mga problema. Hanggang sa mapuno ang salop at humantong sila sa maapoy at dramatikong sakitan ng damdamin. Pinalayas ni Enrico si Ana. Nagpakalayo-layo si Ana at pumunta sa rose farm ng matalik niyang kaibigan. Sa loob ng ilang panahon, humupa ang hangover ng bara-bara nilang pagkalasing sa pag-ibig. Kaalinsabay nito’y ang pagsisisi at pananabik sa isa’t isa. Nahimasmasan si Enrico sa nagawa niyang pagkakamali. Pati ang tadhana’y nakiayon sa kaniya upang maituwid ang lahat. Nakatulong din sa mabilis na pagbabago ni Enrico ang natuklasan niyang diary ni Ana. Nagtuloy-tuloy ang pagbabago ni Enrico para kay Ana. Si Ana nama’y nagtuloy-tuloy ang pananabik at pangungulila kay Enrico; umabot pa nga sa puntong hinahanap niya ito sa ibang lalaki. Hanggang sa di inaasahang araw, muling nagkurus ang kanilang landas. Ngunit naulit ang kahapon. Muling nagpakalayo-layo si Ana. Ang dahilan—may bagong babae si Enrico. Umuwi si Ana sa bahay ng Tiyo Narding niya. Si Enrico nama’y pursigidong tapusin ang gusot sa pagitan nilang dalawa. Sinundan niya si Ana. Sa bahay ng Tiyo Narding ni Ana naresolba ang lahat sa paraang kakatwa at nakakikilig. Sa huli'y opisyal na kasalan ang naganap. Kasalang puno ng luha ng kaligayahan.
Romance
4.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Cold Hearted Gangsters

The Cold Hearted Gangsters

Sa loob ng labing-pitong taon na pamumuhay lumaking ignorante, walang-muwang sa paligid, isip-bata, at kulang sa kaalamang pantao ang dalagang si Alyana. Ang kagandahang taglay at kainosentihan ng pag-iisip nito ay may nakapaloob na mga misteryo sa kaniyang pagkatao. Pero paano na lang kung sa isang iglap ay makawala siya sa bahay na pinaglulungaan niya? Makakaya niya kaya makipaghalubilo sa ibang tao? Lalo na sa mga GANGSTER na kung saan ay babago sa panibagong pamumuhay niya sa labas ng seldang pinagkulungan niya sa loob ng maraming taon.
Romance
1015.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The Dove of The Lost Lands

The Dove of The Lost Lands

cedriannakhaile
Sa Bayan ng Satrosa, ang bayan ng mga alipin. Hindi na bago sa mga katulad ni Yonahara ang matanaw sa araw at marinig sa gabi ang lamat ng kaharasan mula sa mga taong nasa posisyon sa mga katulad niya. Sa pagitan ng buhay at kamatayan, bilang alipin iyon ang tanging pagpipilian niya. Subalit paano kung maliban sa dalawang iyon ay may isa pa siyang pagpipilian? Manatiling alipin habangbuhay o maging reyna sa ibang emperyo kung saan ay dapo lamang siya? Sa lugar na puno ng dugo't mga yumao. Sa lugar na puno ng mga naligaw at naiwan, at sa kanyang pagbabalik. Kapayaan at kalayaan nga kaya'y lilipad at makakamtam mula sa matagal nitong karimlan?
Romance
102.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Through the Waves of Tomorrow

Through the Waves of Tomorrow

Ririmavianne
Hindi maitatanggi ang pagkahumaling ni Ysabelle sa dagat. Sa bawat paghampas ng mga alon ay naaalala niya ang pumanaw na ina. Dito rin niya unang nakilala ang lalaking bumihag sa bata niya pang puso. Sa pagdaan ng mga taon, at sa muli nilang pagtatagpo, may mabubuo nga bang pag-iibigan kung nagsimula lamang ang lahat sa kasinungalingan? Saksi ang alon sa mga nangyaring karahasan sa nakaraan. Ngunit sa pagsira sa kasulukuyan, anong mangyayari sa bukas na inaasahan? How can a spark of love survive over deep-seated hatred, life-altering decisions, and a desire for vengeance? Sa tabing dagat nagsimula ang lahat, doon nga rin ba magtatapos?
Romance
104.7K viewsOngoing
Read
Add to library
MY BELOVED MAFIA BOSS

MY BELOVED MAFIA BOSS

Magkaiba dulo ang mundong kanilang kinagagalawan ngunit nakatakda silang magtagpo sa pinakamasalimuot ng bahagi ng kanilang buhay upang hilumin ang isang malalim na sigalot sa pagitan ng kanilang pamilya. Sa kabila ng kasikatan ni Nadja Santiago bilang sa Djana ay matindi ang kanyang pinagdaraanang problema sa buhay. Nakilala siya sa ibabaw ng entablado dahil sa kanyang nakakaantig na mga awitin. Ngunit ang ningning niya sa itaas ay saglit lang dahil sa inggit at kasakiman. Isang misteryosong lalaki ang nagsamantala sa kanya kaya siya tinalikuran ng kanyang pamilya at kaibigan. Napilitan siyang iwan ang music industry at nagpakalayu-layo. Sa ibang bansa na niya ipinanganak ang kambal na sanggol. Pinilit ni Victor na tumayo sa sariling paa. Ngunit isang lihim ang sinisikap niyang pagtakpan dahil sa sikreto ng pamilyang kanyang pinagmulan. Papatunayan niya sa ama na karapat-dapat siya sa pagiging MAFIA BOSS balang araw ngunit hahadlangan siya ng mas ganid sa salapi at kapangyarihan. Ipinalasap sa kanya ang kalupitan ng mundo hanggang makilala niya ang taong tunay na magmamahal sa kanya. Ngunit paano kung ito rin ang magbubunyag sa isang pagkakamali na bahagi ng kanyang nakaraan? Manaig kaya ang pagpapatawad at pagmamahal sa pagitan nina Nadja at Victor? Paano hahadlangan ng kanilang pamilya at mga taong nakapaligid na tunay ang wagas nilang pag-ibig sa isa't isa?
Romance
1018.9K viewsCompleted
Read
Add to library
GAVIN

GAVIN

Isang malaking problema ang kinahaharap ni Ellise, may sakit kase ang Ama nya at malaki na ang nagagastos sa pagpapagamot sa ama, naisangla narin lahat ng mga mga ari-arian na napundar ng Ama, pati ang bahay at lupa nila sa San Miguel ay nanganganib ng mawala sa kanila, kaya naman gagawin ni Ellise lahat para lang huwag mawala ang bahay at lupa nila at baka lalo lang malagay sa panganib ang buhay ng ama. Pumayag sya sa halok ng handler na tumatayong Manager nya sa pagmomodelo na ipakilala sa mga mayayaman sa industriyang ginagalawan nya na maaaring makatulog sa kanya sa pinasyal. Dahil na rin sa panggigipit sa kanila ng pinagkakautangan nila ay pumayag sya sa halok na trabaho ng kanyang Manager. Yun ay ang ibenta ang sarili sa mayamang matanda na nagka interes daw sa kanya si Mr. Pangilinan na isang matandang mayaman na halos iilan nalang ang buhok sa ulo at malaki pa ang tiyan, pero dahil nga sa pera ay hindi sya makaayaw.Ngunit sa gabi ng pagkikita nila ni Mr. Pangilinan ay hindi ang inaasahan nyang Mr. Pangilinan ang andoon sa hotel. Kundi isang makisig na lalake,matangkad, gwapo, malakas ang dating, maganda ang pangangatawan, malayong-malayo sa Mr. Pangilinan na nakita nya sa larawan. Gavin Saavedra yan ang pakilala ng lalaki sa kanya. Nagtataka sya dahil sa gwapo at lakas ng sex appeal nito ay pinili nitong gumastos ng milyon makatalik lang ang isang tulad nya.
9.7117.8K viewsCompleted
Read
Add to library
A Night with Mr. Billionaire

A Night with Mr. Billionaire

Si Amethysts Quizon, isang dalaga na lumaki sa karangyaan, dahil sa di inaasahan pangyayari biglang nawalan ng lahat dahil sa isang trahedyang yumanig sa kanyang buhay. Sa desperasyon ng kanyang tiyuhin, binalak siyang ibenta, ngunit sa huling sandali nakatakas siya sa isang madilim na kapalaran. Sa kanyang pagtakas, nakilala niya si Zack Delgado, isang misteryosong billionaire na hindi lamang tumulong sa kanya kundi nagbigay din ng panibagong direksyon sa kanyang buhay. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nauwi sila sa isang gabi ng pagnanasa. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, may isang tanong na bumabalot sa isipan ni Amethysts. Ano nga ba ang tunay na intensyon ni Zack? Dahan-dahang paghulog ng kanyang loob, ano ang magiging kapalit ng kanyang puso?
Romance
1036.0K viewsCompleted
Read
Add to library
My Hot Young Professor Became My Husband?

My Hot Young Professor Became My Husband?

Sa araw mismo ng debut nya pinalayas sila irish at ang kanyang pamilya sa kanilang bahay dahil sa pagkakabaon sa utang ng kanyang ama sa negosyanteng nagngangalang Mr. lim, Dahil dito inatake sa puso ang kanyang ama at na confine ito sa hospital. nang makita sya ng matandang negosyante ay nahumaling ito sakanya at agad syang binigyan ng isang kundisyon. Mababayaran lamang ang pag kakautang ng ama kung pagbibigyan nya ito na maangkin sya ng isang gabi. Sa gabing itinakda Nagpakalango sya sa alak bago pumasok sa isang private suite sa matayog na hotel upang mawala ang boltaheng kaba at pandidiri sa kanyang gagawin. Sa sobrang pagkalasing ay ibang kwarto ang napasukan nya at pag mamay ari iyon ni terrance ang kanyang gwapong proffesor...
Romance
1058.0K viewsOngoing
Show Reviews (29)
Read
Add to library
Miss Hunterx_A
HELLO MY DEAR READERS! UNA SA LAHAT GUSTO KONG HUMINGI NG SORRY SAINYONG LAHAT NA NAG AABANG SA UPDATE NG STORY KO. SOBRANG SORRY PO TALAGA! NAGKAROON NG TROUBLE SHOOT SA ACCOUNT KO DITO SA GN KAYA NAMAN IT TAKES A WEEKS BAGO KO ULIT NABUKSAN. SOBRANG NAG-ALALA AKO HUHU! MABUTI AT NABUKSAN KO PA :((
Margie Velasquez
ang Ganda Ng kwento please more update miss A sana Sabihin ni Irish ang katotohanan Kay terrence para sa kanya anak, mapoprotectahan naman nya anak nya mayaman sya e.. Anong silbi Ng Pera nya kung Hindi nya gagamitin para sa anak nya. nawa maayus na nya lahat, para Hindi na sila mahirapan pa.
Read All Reviews
LIFE FULL OF LIES

LIFE FULL OF LIES

Precious_Wannabee
Para sa mga taong, minsan ng nagparaya para sa pagkakaibigan, sa mga taong minsan ng nagpalaya para sa ikabubuti ng lahat.Ito ay kwento ng isang teenage girl na minsan ng nakalimot sa kaniyang nakaraan. Ikinasal sa kababatang lalaki, sa edad na labing siyam. Makikilala niyang muli ang lalaking minsan ng nagkaroon ng malaking parte, sa kaniyang nakaraan. Mapapalapit muli ito sa pangalawang pagkakataon, na siya namang pag-iiba ng pakikitungo at trato sa kaniya ng naturang asawa.Darating ang panahon na malalaman at maalala niyang muli ang nakaraan. Gustuhin man niyang magalit at kamuhian ang mga taong malapit sa kaniya, dahil mistulang pinaglaruan siya ni kapalaran. Napunta siya sa taong minsan ng nagparaya para sa pagkakaibigan, napalapit siyang muli sa taong minsan na niyang minahal at ipinaglaban.Pilitin man niyang talikuran ang lahat, at kalimutan ang nakaraan, ngunit pipiliin niya paring yakapin at harapin ang kasalukuyan, sa ngalan ng pag-ibig, sa huli mananaig padin ang pagmamahal at pagpapatawad.
21.7K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3031323334
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status