ISANG GABI PARA SA MANA, HABAMBUHAY NA PAG-AARI NG MAFIA
Para makuha ang kanyang mana at maupo bilang CEO, isang bagay lang ang hinihingi kay Eirah Salvatore—
magbuntis sa loob ng dalawang buwan.
Isang kondisyon na sumira sa lahat ng prinsipyo niya bilang isang babae at bilang tagapagmana ng kanilang pangalan.
Sa gitna ng desperasyon, gumawa siya ng isang desisyong hindi na niya mababawi—
isang gabi kasama ang isang lalaking hindi niya kilala.
Isang gabing puno ng init, pagnanasa, at pagkakamaling akala niya ay mananatiling lihim habambuhay.
Ngunit ang lalaking iyon ay hindi basta estranghero.
Siya si Black Zevian Del Fierro—isang makapangyarihan, mapanganib, at kinatatakutang Mafia King…
at ang mismong lalaking papasok sa buhay niya bilang business partner.
Sa muling pagtatagpo ng kanilang mundo—sa loob ng boardroom at sa likod ng saradong pinto—
hindi lang kapangyarihan ang magbabanggaan… kundi pati damdamin at mga lihim na pilit nilang tinatago.
Dahil sa isang gabing iyon, hindi lang katawan niya ang maaaring nakatali…
kundi ang buong buhay niya—sa lalaking hindi niya kayang takasan.