Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Billionaire's Bridesmaid

Billionaire's Bridesmaid

Magkaibang magkaiba ang mundong kinalakihan at ginagalawan ni Sofia at Catherine. Sa panahon ng kanilang kabataan ay madalas si Sofia ang naging tagapagtanggol at taga salba ni Catherine makaraos lamang ng pagaaral. Matalik silang magkaibigan at halos magkahawig. May bulong bulungan nga na sila ay magkamaganak pero ayaw iyong bigyan ng pansin ni Sofia dahil mataas ang tingin nito sa sarili. Samantalang si Catherine naman ay idolo ang matalik na kaibigan. Matagal na nagkahiwalay ang dalawa matapos ang high school dahil napilitan na si Catherine maghanap buhay dahil wala ng pangtostos sa koliheyo. Baon na siya ng utang at utang na loob kay Sofia. Hanggang isang hapon isang pakiusap ang hiningi ni Sofia kay Catherine at dahil baon sa utang at utang na loob walang paraan para makatanggi ang dalaga. Pinangakuan pa siya ng kabigan na tutulungang makabili ng mga binhi sa bukid at sa palayan ang magulang kapag sumunod siya kaya lalong nahirapan si Catherine na tumanggi. Ang pakiusap kase ng kaibigan ay siya ang magpanggap na si Sofia sa araw ng kasal nito at hindi lamang iyon. Mananatili siyang asawa ng lalaki sa loob ng anim na buwan.
1016.3K viewsCompletedAdded to Library 552 Times as tumatae si gelo
Read
+Library
Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog

Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog

Jhennie Myler
Isang maunawain, masipag, malambing at mabait na asawa si Janine, kaya naman nakatagpo rin siya nang isang responsableng lalaki si Rigor. Masaya ang buhay mag-asawa nila, kahit na tila hindi tanggap ng kanyang ina si Rigor, ganun rin naman ang mama ni Rigor sa kanya. Ngunit hindi iyon naging hadlang sa pagbuo nila ng masayang pamilya. Ngunit sa hindi inaasahan ay makakagawa ng matinding kasalanan si Rigor iyon ay ang nagawa niyang pagtaksilan ang kanyang asawa. Magawa kayang patawarin ni Janine si Rigor para sa buo at masayang pamilya nila o tuluyan niyang kalimutan ito at baguhin ang sarili. Paano sa pagbabago niya ay muling may dumating na bagong lalaki sa buhay niya. Sino ang pipiliin niya ang lalaking minahal niya noon at winasak ang puso niya o ang lalaking muling nagparamdam ng pagmamahal sa kanya?. "Gusto ko nang makakausap, pero wala akong makausap." "Gusto kong umiyak, pero wala akong maiyakan." "Gusto kong umalis, pero wala akong mapupuntahan." "I need a comfort but nobody's care. I want to run to leave the problem. But the world was so cruel. My grief seems endless." -Janine Mhae Santos-
4.4K viewsOngoingAdded to Library 177 Times as tumatae si gelo
Read
+Library
The Mafia's Marked Nanny

The Mafia's Marked Nanny

Hulog ng langit kung ituring ni Evie si Amora. Dumating ito sa buhay niya kung saan nasa gitna siya ng kagipitan. Pero sa tuwing nagtatama ang mga tingin nila ng ama nitong si Russell ay impyerno ang hatid niyon sa kanya— init na nagmumula sa kung saang hindi niya maintindihan. Mommy kung tawagin siya ni Amora gayong yaya lang naman siya nito. Paano kung ang susunod na offer sa kanya ni Russell ay hindi na bilang nanny ng anak niya? Paano rin kung sa paglipas ng panahon, hindi na siya kilalaning 'mommy' ni Amora? ----- Ang batang si Amora ay lalaking puno ng galit kina Evie at Russell. Hindi na siya ang inosenteng bata, kundi siya ay magiging si Gray, isang matapang at nakakatakot na nilalang. At tulad ni Evie ay magiging 'nanny' rin siya ng isang makapangyarihang mafia lord. Sa paglipas ng panahon ay magiging mortal silang kaaway. May pag-asa bang magkapatawaran o mananaig ang kasamaan? ---- Si Alliyah, isang batang naging parte ng misyon ni Gray na siiyang dahilan kung bakit lalambot ang pusong bato nito. Ngunit paano kung magaya si Alliyah kay Gray? Lumaki na puno ng pagkamuhi sa kanya. Anong gagawin ni Gray para maisalba ang batang nagpamulat sa kanya? ---- Tatlong babaeng may iba't ibang kwento pero may iisang tapang at prinsipyo. Mananaig ba ang kabutihan o aapaw ang kasamaan?
109.1K viewsCompletedAdded to Library 245 Times as tumatae si gelo
Read
+Library
The Billionaire's Personal Slave

The Billionaire's Personal Slave

Si Alexandra Lewis ay lumaking spoiled, mayaman, at sanay na nakukuha ang lahat ng gusto niya. Ngunit may isang taong hindi kailanman nagpasakop sa kanya, si Rhenan Castillo, ang anak ng kanilang labandera na matalino, masipag, at puno ng pangarap. Habang tumatagal, unti-unting nahulog ang loob ni Alexandra kay Rhenan. Ngunit hindi niya matanggap na may mahal itong iba, si Maui. Dahil sa matinding selos at obsession, gumawa siya ng kasalanang sumira sa buhay ng binata. Pinaratangan niya ito ng panggagahasa upang mapilitang pakasalan siya. Ngunit mas pinili ni Rhenan ang makulong kaysa mapunta sa kanya. Pagkalipas ng maraming taon, bumaliktad ang mundo nila. Bumagsak ang pamilya Lewis habang si Rhenan naman ay naging makapangyarihan at kinatatakutang Mafia boss na kilala bilang “El Diablo.” Upang mailigtas ang natitirang ari-arian ng kanilang pamilya, napilitang maging personal slave ni Alexandra si Rhenan. Sa loob ng mansyon nito, araw-araw niyang mararanasan ang malamig na paghihiganti ng lalaking minsan niyang sinira. Sa bawat utos at bawat gabing magkasama sila, unti-unting bumabalik ang damdaming pilit nilang tinatakasan. Ngunit habang mas lalo siyang nahuhulog kay Rhenan, mas lalo rin niyang nararamdaman na si Maui pa rin ang tunay nitong mahal. At nang mabuntis siya ng lalaki, nagsimula ang pinakamahirap niyang desisyon—manatili sa piling ng lalaking hindi siya kayang mahalin, o tumakas kasama ang batang bunga ng isang pag-ibig na nagsimula sa galit at paghihiganti.
10579 viewsOngoingAdded to Library 18 Times as tumatae si gelo
Read
+Library
Heartbroken Woman Meets The Billionaire Man in Disguise

Heartbroken Woman Meets The Billionaire Man in Disguise

red_berries
Sa loob ng sampung taon na magkasintahan si Elle at Franz, nauwi ang lahat sa hiwalayan, dahil sa isang babae na isang kaibigan lang daw. Alam ni Elle na mabait at maunawain ang kanyang nobyo, pero masyadong lumagpas ang pagiging mabait nito na naka-apekto sa kanilang relasyon, siya na naturingan na nobya, pero parang siya pa ang walang karapatan kay Franz. Masakit kay Elle na bitawan si Franz, pero hindi niya hahayaan na masira pa lalo ang buhay niya kung laging pagdadahilan ang maririnig niya mula sa bibig ni Franz. Nagpakalayo at napadpad sa isang tahimik na lugar si Elle para lubos na makalimutan si Franz, at para na rin doon ibuhos ang lahat ng sakit, pero hindi rin pala niya magagawa dahil sa isang mala-yelong pagkatao ng isang lalaki na makakasama niya sa isang bahay, hindi naman siya pinanganak na mayaman kaya kailangan niyang mangupahan. Ang akalang kalmado at walang sakit sa ulo na tahanan ay magiging mahirap para kay Elle, dahil sa ugali ni Jack, ang kasama niya sa bahay. Kung si Elle ay mayroong liwanag kahit pa nasaktan ito, si Jack ang nagpapawala no'n dahil sa hindi sila magkasundong dalawa sa lahat ng bagay sa iisang bubong. Away dito, away doon ang ginagawa nila araw-araw. Tuluyan kayang maghilom ang sugatan na puso ni Elle, o mas lalong hindi, dahil kay Jack? Paano na lang kung isang araw sa kagustuhan na mag-move-on ni Elle kay Jack na tumitibok ang kanyang puso? Ang isa pang malaking rebelasyon, paano kung malaman ni Elle na isang bilyonaryo pala si Jack na nagpapanggap na mahirap para sa isang misyon?
965 viewsOngoingAdded to Library 26 Times as tumatae si gelo
Read
+Library
Married to My Scumbag Ex-Fiancé’s Rival

Married to My Scumbag Ex-Fiancé’s Rival

Labindalawang taon ng pag-ibig, katapatan, at pangako—winasak sa isang iglap ng putok ng baril. Buong akala ni Andrea, alam na niya ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Sa loob ng higit isang dekada, ibinigay niya ang lahat—tiwala, pasensya, at sarili sa lalaking tinawag niyang fiancé. Para sa kaniya, ang pag-ibig ay pananatili. Pagpili araw-araw. Kahit masakit. Hanggang sa Araw ng mga Puso. Habang nasa bingit sila ng kamatayan, isang baril ang nakatutok at sa sandaling iyon, malinaw na malinaw kung sino ang pinili ni Edward. Hindi si Andrea. Kundi ang ex niyang si Margaret. Siya ang niyakap. Siya ang pinrotektahan. Si Andrea ay iniwang duguan, sugatan, at parang hindi kailanman minahal. “You almost died!” sigaw ni Lira. “And he didn’t even look at me,” sagot ni Andrea, basag ang boses. “Parang wala lang ako.” Sa pagitan ng wasak na puso at natitirang dangal, gumawa si Andrea ng isang desisyong walang atrasan. Pinakasalan niya ang pinakamakapangyarihang kaaway ni Edward, ang lalaking kinatatakutan sa mundo ng negosyo na si Dylan Reed Romero, bilang paghihiganti. Ngunit si Dylan ay hindi simpleng rebound. Siya ay dominante. Mapanganib. Mapang-angkin. At sa kabila ng lamig niya ay may isang uri ng proteksiyong hindi kayang ibigay ng lalaking minsan niyang minahal. Ngayon, nahaharap si Andrea sa pagitan ng isang pag-ibig na bumigo sa kaniya, at isang lalaking maaaring humingi ng higit pa kaysa sa kaya pa niyang ibigay. Sa huli, magiging una na ba siya sa puso ng isang tao—o tuluyan na niyang mawawala ang sarili habang sinusubukang magmahal muli?
9.619.4K viewsOngoingAdded to Library 620 Times as tumatae si gelo
Read
+Library
The Face She Borrowed

The Face She Borrowed

Isang karaniwang assistant lamang si Mirella Estelle Montelibano sa model agency ng tanyag at aroganteng modelo na si Eleonora Zobel. Sanay siyang nasa anino, habang si Eleonora ay sinisikatan ng mga ilaw. Ngunit isang aksidenteng trahedya ang nagbura ng hangganan sa pagitan nila. Pagmulat ni Mirella sa ospital, ibang mukha na ang bumungad sa salamin, walang iba kundi ang mukha ni Eleonora. Patay na ang Modelo at siya ang nabuhay sa anyo nito. Ngayon, kailangan niyang akuin ang buhay na hindi kanya. Ang karangyaan, ang kasinungalingan at higit sa lahat, ang asawa nitong si Lord Cassian Zobel. Habang ginagampanan niya ang papel ang isang asawang hindi niya kilala, unti-unting natutunaw ang lihim sa pagitan nila. At doon nagsimula ang pag-ibig na ipinanganak sa kasinungaligan at maaaring mamatay sa katotohanan. Sapagkat ang mukha ay maaaring hiramin ngunit ang puso… hindi kailanman.
101.2K viewsOngoingAdded to Library 49 Times as tumatae si gelo
Read
+Library
A Night with my Mother's Trillionaire CEO Live-In Partner

A Night with my Mother's Trillionaire CEO Live-In Partner

Umambon sa Baguio nang gabing iyon, at si Lia Santiago, heartbroken sa betrayal ng ex na pinsan niya, ay napadpad sa Luna Azul bar. Doon niya nakilala si Rafael Ilustre, mysterious, commanding, at intense, at nagkaroon sila ng gabing puno ng tawa, tequila, at titig na nag-iwan ng hindi malilimutang connection. Nagising si Lia na wala si Rafael, pero may ring sa daliri at note na nagsasabing “No regrets”—at doon niya na-realize na siya ang live-in partner ng ina niya. Sa brunch at dinner, lumabas ang forbidden attraction at guilt, habang unti-unting nabunyag ang nakaraan nina Rafael at Vivian. Sa terrace at villa, bawat dialogue at sulyap ay puno ng tension at emosyon, habang lumalalim ang mystery at personal stakes. Ang nobela ay isang emotional rollercoaster ng forbidden attraction, family secrets, at choices na magbabago sa buhay, at magpapa-question sa puso at isip ni Lia sa bawat sandali.
9.53.8K viewsCompletedAdded to Library 76 Times as tumatae si gelo
Read
+Library
THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE ON MY VENGEANCE

THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE ON MY VENGEANCE

SI KELLY na lamang ang tanging pisi na nag-uugnay kay Camilla at sa pag-ibig niya sa asawang si Philip Limjoco. Nagawa niyang magtiis nang ilang taon kahit pa nga hayagang pinaparada ng lalaki sa kaniyang harapan ang ex-girlfriend at totoo nitong minamahal na si Shaira. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay napatid ang pisi na iyon na siya ring nagpabaklas ng damdamin ni Camilla para sa asawa. Ang kaniyang balak sana ay magpakalayu-layo na at kalimutan ang masalimuot na bahaging iyon ng kaniyang buhay. Ngunit may ibang plano ang bilyonaryo niyang kaibigan na matagal na niyang hindi nakikita—si Davian Matthews. Sa pagbabalik ni Davian ay siya namang pagbangon ni Camilla dahil sa bilyonaryong tutulong sa kaniya upang maghiganti. Ngunit bakit kaya? Ano ang mapapala ni Davian sa pagtulong sa kaniya?
10601 viewsOngoingAdded to Library 15 Times as tumatae si gelo
Read
+Library
PALAYAIN MO AKO DADDY SIMON

PALAYAIN MO AKO DADDY SIMON

Si Thalia. Isang panganay na anak ng isang irresponsibleng magulang. Isang lasenggong AWOL na pulis ang ama nito at isa namang hostess sa bar ang kanyang ina. Nauna nang lumayas ang nakababata nyang kapatid habang patuloy lang syang nagtitiis sa puder ng kanilang mga magulang at sinisikap na matapos ang kolehiyo mula sa perang sinasampal sa kanya ng ina nila. Isang loan shark ang dumating isang araw sa bahay nila at sinisingil na ang tatay nitong isa sa mga nagkumpiska ng kanilang mga "epektus" noong pulis pa nito. Pero dahil wala syang maibabayad ay walang pag aalinlangang sinabing si Thalia na lang ang kunin nilang kapalit. Walang nagawa si Thalia at nanilbihan sa mga kriminal at di inaasahang makikilala nya ang anak ng kanyang amo, si Simon. Mayaman, gwapo, binata pero barumbado at brutal. Mapaamo kaya ni Thalia ang kanyang puso?
1.4K viewsOngoingAdded to Library 50 Times as tumatae si gelo
Read
+Library
PREV
1
...
4041424344
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status