Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Ceo's Hidden Child

The Ceo's Hidden Child

Iniwan at hiniya ni Alexander Dela Cruz si Xavielle Elyza Angeles dahil wala siyang yaman at pangalan, kahit siya ay buntis sa anak nito. Sa pagkasira ng kanyang loob, dumating ang kanyang tunay na ama na si Donato V. Angeles—mayaman at tinitingala na ngayon—upang bawiin at protektahan siya. Dahil takot sa pamilya Dela Cruz, nagtago sila sa isang liblib na probinsya. Doon ipinanganak at pinalaki ni Elyza ang anak niyang si Axielle, sa payapang piling ni Donato at ni Kian Riego, na naging tapat na kakampi at parang pamilya na rin nila. Limang taon silang namuhay nang ligtas at masaya, malayo kay Alexander na walang kaalam-alam sa kanyang anak. Ang kanilang tahimik na paraiso ay nagsilbing proteksyon—hanggang sa dumating ang pagbabago ng tadhana.
62 viewsOngoingAdded to Library 1 Times as tunay na diyos
Read
+Library
The Billionaire's Ugly Maid

The Billionaire's Ugly Maid

Maejin
Muntik ng mamatay ang CEO ng Ziff Corporation na si Seven Ziff dahil sa isang ambush kung hindi lang dahil sa pagkakaligtas sa kaniya ng mag-asawang napadaan sa pinangyarihan ng krimen. Subalit namatay din ang mag-asawa dahil sa pagtulong sa kaniya. Hindi nagtagumpay ang mga taong nais pumatay sa kaniya at nagpasya ang kaniyang lolo na dating chairman ng Ziff Corporation na manatili muna siya sa mansiyon at pansamantalang iwan muna ang pagiging CEO habang inaalam pa kung sino ang nais magpapatay sa kaniya. Habang nasa mansiyon ay nag-utos naman si Seven ng tao upang hanapin ang anak ng mag-asawang tumulong sa kaniya. Nais niya itong bigyan ng gantimpala ngunit nagulat siya nang malamang nalalagay din pala sa panganib ang anak ng mag-asawa sa hindi niya malamang dahilan. Dahil doon, gumawa siya ng paraan upang mapunta sa poder niya ang babae sa pamamagitan ng pagiging isang katulong. Hindi niya maaaring ipaalam sa babae ang tunay na dahilan para na rin sa kaligtasan nito at kailangan niyang alamin nang paunti-unti kung bakit pati ito ay ipinapapatay din ng mga taong gustong pumatay sa kaniya. Si Filippa, may malaking bukol sa mukha na siyang naging hadlang upang kakitaan siya ng ganda ay magsisilbing katulong sa mansiyon ng mga Ziff at walang kaalam-alam kung bakit nasa panganib ang buhay niya at kung ano ang tunay na kailangan ng guwapong bilyonaryong si Seven sa kaniya...
2.0K viewsOngoingAdded to Library 74 Times as tunay na diyos
Read
+Library
Ang Pagbuko sa Impostor

Ang Pagbuko sa Impostor

Ikakasal na ang pinakapopular na babae sa amin noong high school. Inimbitahan niya ang lahat sa aming klase para sa kaniyang kasal. Gusto kong kumilos na parang hindi ko nakita ang message na ipinadala niya sa akin pero walang tigil niya akong tinag sa group chat. “Nagkunwari kang mayaman gaya ko noong high school, pero hindi kita masisisi sa ginawa mo. Sa totoo lang, iniimbitahan kita sa kasal ko bukas para makita mo kung paano maging isang tunay na mayaman.” Agad na nagsalita ang iba naming mga kaklase. “Napakabait mo talaga, Haley. Kaya hindi na ako magtataka kung paano mo nagawang pakasalan ang isang miyembro ng pamilya Baumer. Hindi ako makapaniwala na mapapatawad mo ang isang materialistic na kagaya ni Emma!” “Ano ba ang deserve ng isang kagaya ni Emma Larkin para makaattend sa kasal ni Haley? Masyado siyang mayabang.” Habang tumitindi ang mga pangiinsulto, umabante si Haley Stockwell para mapanatili ang kapayapaan sa chat. “Sige na, kalimutan na natin ang mga hindi maganda nating nakaraan. Hindi na ako naaapektuhan sa mga ito dahil masyado nang matagal mula noong mangyari ang mga iyon. Anyway, huwag na tayong maghinanakit kay Emma dahil masyado na itong mahirap at pangit.” Walang tigil na umulan ang mga papuri sa kaniya ng lahat sa group chat habang tinatawag siya ng ilan sa amin na mabait at inosente. Napasinghal ako sa aking nakita. Si Haley ang babaeng nagkukunwaring mayaman sa amin—ako ang tunay na tagapagmana ng isang mayamang pamilya pero pinalabas pa rin niya na sinungaling ako. Ginawa niya akong target ng mga pangiinsulto ng lahat. Tiningnan ko ang digital wedding invitation para makitang gaganapin sa aking villa ang kaniyang kasal. Mukha ring pamilyar ang kaniyang groom—hindi ba’t ito ang driver ng aking asawa? Ngumiti ako nang maisip ko ang mangyayari. Sumagot ako sa chat ng, “Sige! Kailangan kong umattend ng kasal mo!”
1.1K viewsCompletedAdded to Library 44 Times as tunay na diyos
Read
+Library
GENUINE LOVE IN DECIET

GENUINE LOVE IN DECIET

Ang buong akala ni Clary ay nangyayari na sa buhay niya ang tunay na pagmamahal, ngunit biglang bumaliktad ang sitwasyon ng siya ay dinukot ng mga taong minahal na niya bilang pamilya kahit hindi naman niya mga kadugo. Natuklasan niya na interesado lang pala ang mga ito sa yaman niya. Ginamit ng mga ito ang boyfriend niyang si Tristan para makuha ang mga pag-aari niya. Dahil mahal niya ang lalaki at takot siyang mawala ito sa kaniya, pumayag siya. Ngunit kung kailan naibigay na niya ang lahat saka naman nagtanggal ng maskara ang boyfriend niya. Lumantad sa harapan niya ang buong katotohanan. Kasabwat pala ng mga ito ang lalaking minahal niya at ang masaklap pa dahil ang kinikilala niyang kapatid na babae ay mas matagal pa pala nitong kasintahan kaysa sa kaniya. Bukod sa panlolokong iyon pinagtangkaan pa ang buhay niya. Tinapon siya pinakamalalim na parte ng dagat. Sa kabutihang palad nakaligtas siya, ngunit napadpad naman siya sa pinaka-delikadong lugar. Ito ay ang teritoryo ni Knox Wolthorn ang leader ng Dreadblood Consortium the most bloodthirsty organization. Ang lalaking pumapatay na walang pag-aalinlangan lalo na kung wala kang pakinabang. Naka-survive siya sa unang kapahamakan sa kamay ng mga akala niya pamilya, ngunit dito kaya sa teritoryo ni Knox Wolthorn makakalusot kaya siya? Bibigyan kaya siya ng tsansa ng lalaking magpatuloy sa buhay? What if sa lalaking ito pala niya matatagpuan ang tunay na pagmamahal? Magtitiwala kaya siya ulit?
1015.3K viewsCompletedAdded to Library 397 Times as tunay na diyos
Read
+Library
The Brother I'm Forbidden To Love

The Brother I'm Forbidden To Love

Inampon si Gwen ng pamilyang Madrid, at akala niya, sa wakas, nahanap na rin niya ang tahanang matagal niyang hinanap. Pero may isang hindi sang-ayon. Si Leander, ang panganay na anak na kailanman ay hindi siya tinanggap. Sa mga mata nito, isa lang siyang pakialamerang hindi kailanman magiging tunay na bahagi ng pamilya. Sa bawat tagpo nila, laging may banggaan, laging may tensyon. But one night shattered the boundary between hate and desire. Now, Gwen holds a secret that could tear apart the family she’s learned to love. Hanggang kailan niya kakayaning itago ang nararamdaman sa lalaking kinalakihan niyang ‘kapatid’, pero minahal ng higit pa roon?
1016.6K viewsOngoingAdded to Library 631 Times as tunay na diyos
Read
+Library
The Unexpected Heir

The Unexpected Heir

“No one can replace you.” Mas mahal ng aking ina ang kanyang ampon na anak kaysa sa akin, pero wala ako pakialam dahil hindi naman ako ang tunay na anak ng mayamang pamilya na ito. Sandali lang ako titira dito dahil sa hiling ng kanilang Lolo. walang sinuman sakanila ang sinaktan ko, pero bakit lagi nila akong ginugulo? Gusto nilang sirain ang pagkatao ko pagtapos nila ako gamitin at palagi akong sinisiraan ng mga kapatid ko. Pasensyahan nalang dahil hindi ako mag papa api.
677 viewsOngoingAdded to Library 17 Times as tunay na diyos
Read
+Library
The CEO's Contract Bride

The CEO's Contract Bride

Napilitang makipagtrabaho ang matapang at matalinong marketing manager na si Miles Cruz sa kanilang bagong CEO, ang bilyonaryong si Bruce Peter Navarro. Ngunit nalagay sa alanganin ang kontrol ni Bruce sa kanyang kumpanya dahil sa isang "marriage clause" sa mana ng kanyang ama, kaya isang alok ang inalok niya kay Miles: isang pekeng kasal kapalit ng promosyon at kapangyarihan nito sa trabaho. Walang emosyon. Walang komplikasyon. Pero sa bawat halik na para sa publiko, sa bawat titig na hindi na scripted ay unti-unting nagiging totoo. At kapag nalaman ni Miles ang tunay na dahilan ng alok sa kanya, bibitaw na ba siya sa kontrata of ipaglalaban ang nabuong pagmamahal?
579 viewsOngoingAdded to Library 11 Times as tunay na diyos
Read
+Library
My Ninong’s Secret Desire

My Ninong’s Secret Desire

Nang malaman ni Elira na si Gavin Cordova, na hindi lamang kaibigan ng kanyang amang matagal na niyang kinamuhian, kundi siya rin palang ninong niya — ay gumuho ang tiwala niya. Pakiramdam niya, isa lang siyang obligasyong kailangang bayaran. Hindi niya matanggap na baka kaya lang siya tinutulungan ni Gavin ay dahil sa utang na loob nito sa kanyang ama. Pero habang patuloy siyang ginagabayan at palihim na tinutulungan ni Gavin, hindi niya mapigilang mahulog sa taong handang ipaglaban siya, kahit labag iyon sa lahat ng inaasahan ng mundo. At nang pumasok sila sa isang bawal at lihim na relasyon, kailangan nilang harapin ang tanong: tunay bang pagmamahal ang namamagitan sa kanila, o isa lang itong pagkakamaling hindi na maaaring itama?
1019.6K viewsCompletedAdded to Library 588 Times as tunay na diyos
Read
+Library
The Billionaire's Forsaken Wife

The Billionaire's Forsaken Wife

Labing-walong taon mula nang makabalik si Andrea sa piling ng kanyang tunay na mga magulang. Sa loob ng labing-walong taon na iyon ay wala siyang ibang pinangarap kung hindi ang makabuo ng masayang pamilya. Kaya nang ikinasal siya kay Alejandro at nabiyayaan ng kambal na anak ay pinangako niya sa kanyang sarili na mamahalin at aalagaan niya ito. Kahit na ang kapalit ay ang masakit na katotohanang hindi siya mahal ng kanyang asawa. Para sa mga anak ay handa siyang magtiis, ngunit gumuho nang tuluyan ang mundo ni Andrea nang hilingin ng kanyang anak, sa mismong araw ng kaarawan nito na si Clarisse na ang ituturing nitong ina at hindi siya. Si Clarisse, ang kababata ni Alejandro. Ang babaeng tanging minamahal nito.
104.2K viewsOngoingAdded to Library 169 Times as tunay na diyos
Read
+Library
LOVE HAS NO GENDER:mahal kita ngayon,bukas at magpakaylanman

LOVE HAS NO GENDER:mahal kita ngayon,bukas at magpakaylanman

Yellowbelle
No! no!...its impossible….no way…ayoko…. Confused. Curious. Self-denial. Fear. Mixed emotions. Yan ang nararamdaman ni Belle a nursing student na nagpupursige na makapagtapos sa kolehiyo para maiahon ang buhay nilang mag-ina sa kahirapan. It’s a weird thing para sa isang babae na magkaroon nang kakaibang feelings sa kapwa ya babae. She’s never been into girls before. Straight na straight siya pagdating sa gender preference nya pero ito ay nag iba nang makilala nya si Dina Joy Benitez, a criminology student, a feminine lesbian, a shy type person. Walang nakakaalam ng tunay niyang pagkatao maging ang kanyang pamilya na siya ay isang tibo maliban sa mga piling kaibigan. Saan kaya hahantong ang nararamdaman ni belle?
102.5K viewsOngoingAdded to Library 65 Times as tunay na diyos
Read
+Library
PREV
1
...
1718192021
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status