Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
My Billionaire Ex-husband Regrets

My Billionaire Ex-husband Regrets

"Magkano ang kailangan mo, upang layuan ang anak ko?" tanong ni donya Marsha kay Estella, "hindi kita maaaring tanggapin dahil isa ka lamang dukha! saan ka ba napulot ni Ludwig? sa club? At sinong nakakaalam, kung yang dinadala mo, ay sa anak ko?" Isang sampal iyon para kay Estella. Ang inaasahan niyang maayos na pagtanggap sa kanya, ay magiging isa palang bangungot! Ang akala niya, matapos niyang matakasan ang matandang ipinagkakasundo sa kanya ng kanyang ama, ay magiging maayos na ang buhay niya, hindi pa pala. Kaharap niya ngayon ang isang repleksiyon ng matapobre niyang madrasta. Kuyom ang kamao, nilisan niya ang lugar na iyon, upang hindi na maalipusta pa, ng kahit na sino, sa pamilya ni Ludwig, dala dala ang anak nilang kambal, na hindi pa man naiisilang, ay itinakwil na. "Ako ang bahala sa inyo mga anak. Hindi ko hahayaang may mang-api pa sa inyo, gaya ng naranasan ko," kinakausap niya ang mga bata sa kanyang tiyan. "Babangon ako, at maniningil!" Tiningnan niyang muli ang mansiyon, sa huling pagkakataon. Hinulma niya sa isipan ang sinabi sa kanya ng kanyang biyenan. Saka hilam ng luha ang mga matang lumayo, na hindi alam kung saan tutungo.
Romance
9.527.5K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Wife of a Mafia Boss

Wife of a Mafia Boss

Wynter Aguilar is ordinary woman and a café owner. Isang lang naman ang tanging hiling niya sa buhay. Ang maayos at tahimik ang buhay na ibinigay naman sa kaniya. But everything changed when she met the man named, Cassiuz Velasquez. A drop-dead gorgeous man, rich and ideal man to every woman’s dream. Hindi lang maintindihan ni Wynter kung ano ang nagawa niya sa lalaki at lagi itong nakasunod sa kaniya. What she didn’t know that Cassiuz Velasquez will like her to the point of no return. Hindi rin naman maintindihan ni Cassiuz ang sarili dahil unang beses na pagkakita niya pa lang kay Wynter, nahulog na agad ang loob niya rito. Right at the moment, he wanted to make Wynter as his wife and he starts pursuing her. “You’re the one whom I want to be with.” – Cassiuz Velasquez.
Romance
1025.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Unveiling Her Wrath: The Power of Her Revenge

Unveiling Her Wrath: The Power of Her Revenge

Pinuntahan ni Monique si Aidan sa condo niya pero sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya nang makita niyang walang saplot ang dalawang taong mahalaga sa kaniya. Hindi siya makagalaw sa sobrang gulat. Nang makita siya ni Aidan ay blangko lang ang mukha ni Aidan. Pinulot ni Aidan ang damit niya at isinuot niya yun saka niya nilapitan si Monique. Ang buong akala ni Monique ay magpapaliwanag sa kaniya si Aidan kung bakit kasama ni Aidan ang bestfriend ni Monique pero para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang paalisin siya ni Aidan at hindi man lang nagpaliwanag kung ano bang nangyayari. Tiningnan ni Monique ang bestfriend niya pero umiwas ito ng tingin. Minahal ni Monique si Aidan kahit na sa kabila ng alitan ng kanilang mga pamilya. Ang buong akala niya, katulad niya ay ipaglalaban din siya ni Aidan pero nagkamali pala siya. Paano niya nagawang pagkatiwalaan ang dalawang taong mahalaga sa kaniya? Hindi niya akalaing mga taong malapit pala sa kaniya ang wawasak ng puso niya.
Romance
1025.1K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang

Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang

Si Alexandria Saavedra— Maangas. Basagulera. Walang trabaho. May bisyo. Matigas pa sa adobe ang puso. Higit sa lahat, galit sa mundo. Lalo na sa sariling amang ginamit lamang siya para sa pansariling pangangailangan... Hanggang ang magulo niyang mundo ay binulabog ni Heiz Mikael. Isang binatang basta na lamang sumusulpot sa t'wing nasa panganib ang kanyang buhay. Sa pagdating ni Heinz sa kanyang buhay, 'di inaasahan ni Alexandria na pati na ang nananahimik niyang puso ay ginulo ng binatang ito. . . Sa unang pagkakataon, ang pusong niyang kasintigas ng adobe ay napalambot nito. Subalit isang araw, gumuho ang kanyang mundo nang matuklasan niya ang totoong dahilan nang biglang pagsulpot nito sa kaniyang buhay...
Romance
1024.9K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Love Is Strange

Love Is Strange

Bumukas ang malaking pintuan sa harap ko, at narito ang lalaking minamahal ko, ang mata'y walang damdamin habang lumalapit ako sa altar. Ngumiti ako kahit na masikip ang dibdib ko. Narinig ko ang musika habang dahan-dahang naglalakad patungo sa lalaking naghihintay sa harap. Si Kiel, nakatitig nang seryoso sa akin. Walang kahit anong kasiyahan ang makikita sa kanyang mukha, at ito'y nagdulot ng kirot sa aking puso. Iniharap ko ang aking kamay, ngunit itinuring niyang wala ito at agad na umusad patungo sa harap ng pari. Iniwan akong nakatambad ang kamay sa ere. Yumuko ako, bahagyang nahihiya. Sumunod ako sa harap ng pari, at sinimulan na ang misa. "Maari mo nang halikan ang iyong asawa," ang sabi ng pari. Humarap ako kay Kiel, inaasahan ang isang halik sa labi, ngunit sa pisngi lamang ito dumapo. "Nakuha mo na ang titulong Mrs. Valerian, ngunit tiyak kong hindi mo makukuha ang aking pagmamahal," bulong niya. Pumikit ako, at naramdaman ang sakit sa aking puso. "Tandaan mo 'yan, Sam? Hindi mo makukuha ang aking pagmamahal dahil may iniibig na ako," dagdag niya habang nagpalakpakan na ang mga tao. Tumulo ang isang butil na luha. "Sarap mong pagmasdan habang umiiyak," layo na nito sa akin pagkatapos ng mga salitang iyon at agad na lumabas ng simbahan. Pinalis ko ang luha ko at mag-isang ngumiti sa harap ng mga taong masaya para sa amin. Kumikirot ang dibdib ko sa likod ng aking mga ngiti. Daig ko pa ang sinaksak, ngunit hindi ko pinahalata. "Saan pupunta ang asawa mo?" inosenteng tanong ng isang matanda. Ngumiti ako, ngunit hindi na nagbigay ng pagsasalita. "Baka excited lang," mapanukso ng isa. Tumawa ako, kahit na parang pinipiga ang puso ko. Ako si Samantha Alexandria Perez, o dapat bang sabihin Samantha Alexandria Perez Valerian, and I am his unwanted wife.
Romance
1027.3K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
DANGEROUS DESIRE

DANGEROUS DESIRE

Warning: Matured 18+ contents! Dangerous Saavedra was trouble. It was only after his father's death that he took over the running of their businesses left behind. She is having trouble running their company, so her mother wants Dan to get married right away to have a life partner, but she doesn't want to be tied to a relationship that is not sure about. That was until she met Leandro De Vera (Liam). Liam was the CEO of a multinational corporation. A successful businessman, highly educated and good-looking. In spite of his success, he is also known as a womanizer at walang sinersoyo sa mga naging karelasyon, mabarkada at mahilig sa kasiyahan. In just one look, and all could feel was became heat. Sa unang pagkikita pa lamang nila ay naging interesado na sila sa isa'tisa. At hindi nag-alangan na ipakita ang interes. Subalit hindi sumangayon sa kanila ang tadhana. Would they just give up, hide their feelings for each other, or fight for their relationship?
Romance
1024.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
RUTHLESS SEDUCTION  (Tagalog)

RUTHLESS SEDUCTION (Tagalog)

Lumaki si Dylan na walang kinatatakutan at ayaw na may ibang taong kumukontrol sa kaniyang buhay. Hindi rin siya friendly at hindi marunong magpakumbaba. Ngunit wala siyang choice nang ipasa sa kaniya ng ama ang trabaho nito—ang bantayan ang heartless at dominanteng anak ng isang Chairman na dati ay pinuno ng isang organization. Hindi gusto ni Alexander ang buhay na mayroon siya. Tinitingala siya ng lahat maliban sa isang taong may magaspang na pag-uugali. Dahil sa kagustuhang mabigyan ng hustisya ang pagkawala ng kaniyang ina, pinagbigyan niya ang gusto ng ama. At ipakita niya rin sa antipatikong lalaking kaniyang bodyguard kung ano ang kaya niyang gawin upang mabawasan ang kasungitan nito. Sa paglalaro ng emosyon ng bawat isa, sino ang unang susuko at mahuhulog sa bitag nang mapaglarong tadhana? Sino ang top at bottom sa dalawa?
LGBTQ+
1023.7K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
My Sweet Karma

My Sweet Karma

Naniniwala ka ba sa karma? Sya si Danon Acosta. Nasa tamang edad, gwapo, macho, mayaman at habulin ng babae. Aminado syang hindi sya pahuhuli sa pagiging babaero sa kanilang magkakaibigan. Marami nang babae ang umiyak dahil sa kanya. Hindi naman nya kasalanan yun dahil unang una palang ay sinabihan na nya ang mga ito na wag mai-inlove sa kanya. Ngunit isang araw may isang matandang babaeng wala yata sa sarili nito at hinulaan sya. At ayon nga daw sa kapalaran nya ay nalalapit na ang karma nya. Ang babaeng magpapatibok ng triple sa bato nyang puso. Ang babaeng magpapaiyak sa kanya. Ang babaeng mahihirapan syang mapaibig kahit lumuhod pa sya sa asin. Tinawanan lang nya ito. Hindi sya naniniwala sa karma. Tao lang ang gumagawa ng karma nya. Pero ng makilala nya si Maggie ang hipag ng kaibigan nyang si Austin ay nagiba ang tibok ng puso nya. Unang kita pa lang nya dito ay alam nyang tinamaan na sya. Pero hindi pala ganun kadali ang pagdadaanan nya para mapaibig ito. Dahil desi syete lang ito at malaki pa ang pagkadisgusto sa kanya, laging nakasimangot tuwing nakikita sya. Ang isip nya ay nagsasabi na kalimutan na lang ito at ibaling na lang ang atensyon sa iba, ngunit ang puso nya naman ay ito lang ang hinahanap hanap kahit halos isumpa sya nito ng sirain nya ang date nito sa lalaking gusto nito. Danon Acosta and Maggie Caperiña story
Romance
1022.3K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Sailing With Destiny | Dreamboat Series #1

Sailing With Destiny | Dreamboat Series #1

Celestine_Lemoir
Astrid and Croft were highschool sweethearts. Sandalan nila ang isa't-isa kaya nang mawala ang mga magulang ni Croft, hindi hinayaan ni Astrid na hindi matapos ni Croft ang pag-aaral nito. She did everything to support him, holding on to his promise that he will marry her pagkauwi nito galing sa unang paglalayag. Pero sa araw ng pagdaong ng Lumiriana, walang Croft na dumating at walang kasalang naganap. Seven years later, Astrid is now one of the famous actresses in the country. Sa bago nitong pelikula, karamihan ng eksena ay kukunan sa isang cruise ship. Wala siyang problema sa dagat. Ang problema, ang kapitan ng barkong sasakyan nila! The ship will sail, the cameras will roll. Pero ang puso niya, makadaong kayang ligtas mula kay Croft?
1021.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
THE TWIN'S EFFECT

THE TWIN'S EFFECT

Dahil sa matinding sakit at kahihiyan na inabot ni Daniela sa hindi pagsipot sa araw ng kasal nila ng groom niyang si Drewner Ramsel, ang batam-batang CEO ng Ramsel Business Conglomerate ay kaagad siyang nagtungo sa ibang bansa. Doon niya ipinanganak ang mga naging bunga ng minsan nilang pagtatalik ng binata. Ngunit sa unang kaarawan ng kanilang kambal ay kinidnap siya kasama ang isa sa kambal. Tinangka siyang patayin ngunit nakaligtas siya, iyon nga lang ay nasunog ang kalahati ng kanyang mukha. Magmula noon ay hindi na niya nakita pang muli ang isa niyang anak hanggang sa bumalik siya sa bansa ngunit sa ibang mukha at katauhan. Natuklasan niya na ang nag-iisang anak ni Drewner ay kamukhang-kamukha ng kanyang nawawalang anak kaya nagduda siyang ito ang may pakana sa pagdukot at pagtangkang pagpatay sa kanya. Ipinangako niya sa sarili na babawiin niya ang kanyang anak sa kahit anong paraan at papapagbayarin niya ang lalaki sa ginawa nito sa kanya. Ngunit paano kung malaman niya ang totoong dahilan kung bakit hindi siya sinipot nito sa araw ng kasal nila noon at kung sino ang totoong may pakana sa mga nangyari sa kanya? May pag-asa pa bang madugtungan ang naudlot nilang kahapon lalo pa't may dalawang anak na sila at kambal pa?
Romance
1024.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
1011121314
...
38
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status