Magnus : My Mafia Husband
Napanganga ako sa sinabi niya, doon ko na napansin ang pangalan ng spa.
"5VS Spa!"
It stands for, Vanna, Vittos, Vlad, Vance, Veil Shaw! Damn it!
"Did you enjoyed here?" pahabol ni Vanna na noo'y palabas na sa building. Hindi ko ito pinalampas. Sinundan ko ito sa parking lot at noo'y nakitang papasok na sa kaniyang kotse.
"Hey! Vanna! Let's deal a race!"
Napahinto si Vanna sa sinabi ko saka ngumiti. "Then, what's the price?"