My Little Baby Cupid Found Me a Billionaire
Sa mismong araw ng kasal ni Mariel, handa na siyang mag “I do.” Pero bago pa siya makapagsalita, isang boses-bata ang biglang umalingawngaw sa kaniyang isip. Nanggagaling ito mismo sa kaniyang tiyan.
“Mommy, huwag kang pumayag! Niloloko ka lang niya. Pinakasalan ka lang niya para sa mga shares mo, buntis ang stepsister mo at si Duanne ang ama!”
Dahil sa babala ng kaniyang anak, iniwan ni Mariel ang lalaki sa altar. Pero paano siya tatakas sa galit na pamilya at mga bodyguard?
Wala siyang ibang mapagpipilian, tumakbo si Mariel patungo sa pinakamakapangyarihang at kinakatakutang lalaki sa VIP seats na kilalang diring-diri sa mga babae.
Humawak siya sa suit nito at sumigaw.
"Mr. Elon Cartier, I’m pregnant and you’re the father of my child!"
Akala ng lahat ay tuluyan na siyang nabaliw. Pero nang ibulong ni Mariel sa tainga ng CEO ang tungkol sa lihim na pulang balat sa katawan nito na nakita niya tatlong buwan na ang nakakaraan sa Xylo Club, natigilan ang lalaki.
Ligtas nga ba si Mariel sa marangyang mansyon ng mga Cartier, kung ang kakampi lang niya ay ang kaniyang daldal na fetus na may sariling plano para gawing simp ang sarili nitong tatay?