Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle

Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle

Sa loob ng walong taon, inakala ni Lizzy na ang fiancé niyang si Jarren ang katuparan ng kanyang mga pangarap—isang perpektong kasal at masayang pamilya. Ngunit ang masakit na katotohanan ay tumambad sa kanya: si Jarren, ang lalaking minahal niya, ay may relasyon sa iba... at ang kabit nito ay hindi lamang basta kung sino, kundi ang sekretarya niya. Hindi na tumingin pa si Lizzy sa nakaraan. Sa halip, pinili niyang balikan ang dignidad niya at lumakad palayo sa kanyang engagement. Sa gitna ng gulo at kahihiyan, pumasok sa kanyang buhay ang isang bagong mukha—si Lysander Sanchez, ang misteryosong uncle ni Jarren na puno ng karisma at lihim na intensyon. Habang bumabawi si Lizzy mula sa sakit ng pagtataksil, matutuklasan niya na ang kanyang landas ay puno ng panibagong hamon, tukso, at pagkakataon para sa tunay na pagmamahal. Magagawa kaya niyang ipaglaban ang kanyang kalayaan at puso, o muli siyang masasaktan sa gitna ng isang mas komplikadong mundo?
Romance
7.957.0K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Triplet Babies

The Billionaire's Triplet Babies

Ikinasal si Cathy Del Mundo kay Phoenix Montgomery—anak ng isang bilyonaryo at may-ari ng pinakamalaking healthcare company sa bansa. Subalit kahit naikasal na silang dalawa, hindi man lang naramdaman ni Cathy ang pagmamahal nito para sa kaniya. Hanggang sa isang desisyon ang nabuo sa utak niya—iyon ay makipag-annul kay Phoenix after being married for two years. Akala niya ay matatahimik na siya ngunit nagkamali siya nang malaman niyang buntis siya pagkatapos na pagkatapos niyang makipag-annul kay Phoenix. Inilihim niya iyon mula rito at nagpakalayo-layo hanggang sa mailuwal na niya ang anak niya. Pero sa mismong araw nang panganganak niya ay ikakasal na pala si Phoenix kay Miriam—ang kaibigan niya na naging mortal niyang kaaway. Dumating si Laura—kapatid ni Miriam at walang awang kinuha kay Cathy ang anak niya. Pero ang hindi nila alam—triplets pala ang nabuo sa sinapupunan ni Cathy. Itinago ni Cathy ang dalawa at nangakong hindi ipapaalam kay Phoenix ang katotohanan. Makalipas ang limang taon, muling magtatagpo ang landas nina Cathy at Phoenix. Dahil nagkaroon ng selective amnesia si Cathy at halos mamatay na siya dahil sa komplikasyon nang manganak siya—saka lamang niya napag-alaman na ang batang tinaggihan niyang gamutin ay anak pala niya. Doon ay nagdesisyon si Cathy na kuhanin sa kaniyang ex-husband ang anak niya habang tinatago pa rin ang katotohanan na may dalawa pa silang anak. At ngayong nalaman na ni Phoenix na buhay pala ang ex-wife niya na inakala nilang patay na, paano niya haharapin ang katotohanan na hindi lang isa, kundi tatlong anak ang iniluwal ni Cathy?
Romance
1059.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Heiress Bodyguard

Heiress Bodyguard

Blurb: Nang malaman ni Kana Marie Ramirez Palma na bilang na lang ang araw niya sa mundong ibabaw, nagpasya siyang i-enjoy na lang ang sarili sa pamamagitan ng pag-travel. At hindi niya inaasahang makikilala si John Serrano sa isang bar sa Malaysia. At dito niya ipinagkaloob ang matagal na niyang iniingatang perlas. Para sa kanya, para saan pa ang iniingatan kung kukunin na siya ni kamatayan? Si Master Sergeant John Serrano ay isang sundalo na kasalukuyang may misyon sa bansang Malaysia. Pero napagbintangan siya sa isang kasalanang hindi naman ginawa. Nakulong siya ng dalawang taon ngunit nakalaya din para sa isang misyon- ang maging personal bodyguard ng anak ng isang Chief of Staff ng Pinas at ng Bilyonaryang. Ano kaya ang magiging reaksyon ni John kapag nalamang ang babaeng inaakalang nasa langit na ang kanyang magiging amo?
Romance
1055.1K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
My Boss is Obsessed with me

My Boss is Obsessed with me

[MATURE CONTENT !!!] Biang isang mapagmahal na anak ay handa ngang gawin ni Jillian ang lahat ara lamang mapaoperahan nga niya ang kanyang ina na may sakit sa puso dahil ito na lamang nga ang meron siya. At dahil nga sa kahirapan ay pikit mata na lamang nga na nagbenta ng kanyang katawan si Jillian sa isang bar. Kahit nga takot na takot siya ay pinilit na lamang nga niyang magpakatatag para sa kanyang ina na may sakit. Lingid sa kaalaman ni Jillian ay may lihim pala na pagtingin sa kanya ang kanyang boss na si Harold Villanueva at sa hindi inaasahang pagkakataon ay ito nga ang nakakuha sa kanya sa bar. Sa paglipas nga ng mga araw ay tuluyan na ngang naging obsessed si Harold kay Jillian.  Paano kaya ito matatakasan ni Jillian? O mas magandang tanong ay tatakasan pa ba niya ito? O mapapamahal na rin siya rito?
Romance
1047.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Bilyonaryong Kapitan (SPG)

Bilyonaryong Kapitan (SPG)

Laking probinsya si Lylia at maagang naulila kasama ang kapatid niyang may malubhang sakit. Dahil sa hirap ng buhay, namulat siya sa realidad at kinailangan dumiskarte para sa kapatid at sa pang araw-araw nilang gastusin kaya naman naisipan niyang magpatayo ng karinderya malapit sa sabungan. Ngunit matapos niyang madiskubre na si Raze—na kapitan ng barangay nila ang pinagkakautangan ng mga namayapa niyang magulang ay napilitan siyang tanggapin ang deal nito at 'yon ay makasal sila bilang kabayaran sa kalahating utang niya kung hindi ay ipapa-demolish ng kapitan ang bahay pati ang karinderya nila na siyang pinagkukunan nila ng hanapbuhay. Lingid sa kaalaman ng lahat, bukod sa pagiging mag-asawa nila, maninilbihan din si Lylia bilang kasambahay para bayaran ang natitira pa nitong utang sa kapitan. Kilala si Raze bilang kuripot at mahigpit na kapitan sa Barangay Abueña. Strikto siya pagdating sa pag-implementa at pag-apruba ng mga proyekto lalo na sa paggamit ng pondo sa barangay. Matagal siyang nawala sa lugar pero namo-monitor pa rin niya ang nangyayari sa barangay. Ang hindi alam ng iba, isa pala siyang sekretong bilyonaryo na nagmamay-ari ng airlines, hotels at resorts sa Pilipinas na tanging mga may dugông maharlika ang in-accomodate. Nang bumalik siya, sa sabungan niya unang nakita ang babaeng sa larawan lamang niya nasilayan—si Lylia, ang babaeng nagkakautang sa kanya at doon nabuo ang mapaglaro niyang plano at 'yon ay pilitin itong pakasalan siya. Posible kayang mauwi sa totohanan ang deal nila o isa sa kanila ang madudurôg at uuwing luhaan?
Romance
1053.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid

Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid

Synopsis Siya si Attorney Harrison, isang matagumpay ngunit ubod ng supladong abogado, na ang isip ay higit sa lahat. Nagulo ang tahimik niyang buhay nang kumuha siya ng bagong kasambahay, si Margarita, na isang palaban na babae, determinado, at hindi natatakot na sabihin ang kanyang nasa isip. Habang sila ay nagbabangayan, nagsasagutan, at nagbibiruan, nagsimulang makita ni Harrison si Margarita, na nagbibigay liwanag sa napakaboring niyang buhay na hindi niya naramdaman sa fiancée niya. Naging masaya ang bawat araw ni Harrison dahil sa atensyon na ibinibigay ni Margarita sa kanya. Hindi lang niya matanggap na nahuhumaling na siya kay Margarita dahil sa kanyang pride at takot na umamin sa nararamdaman. Lalo na't nalaman na ni Margarita na may fiancée na siya. Pero huli na ang lahat dahil iniwan na siya ng babaeng bumago sa buhay niya. Pinilit niyang kalimutan si Margarita, pero hindi kayang turuan ang puso, siya pa rin ang hinahanap-hanap. Hiniwalayan niya ang fiancée niya at nagsimula siyang hanapin si Margarita. Ginawa niya ang lahat para bumalik lang sa kanyang buhay si Margarita. Mapaamo at mapamahal ulit ito sa kanya. This time, hindi na niya pakakawalan pa.
Romance
9.956.4K DibacaOngoing
Tampilkan Ulasan (21)
Baca
Tambahkan
Analyn Bermudez
Hala!! grabeh Tama nga ako binayaran pla SI Judy ni Tiffany hays..Buti nlng nabisto niya agad...sana maputulan din Ng pakpak itong mahaderang nanay ni Harrison sobrang kontrabida na Ms A asan naba Sina grandpa at grandma baka skali Sila Ang makaputol sa sungay Ng nanay ni Harrison hahaha
Chelle
Hello Guys! Happy to share this achievement to all of you that this book is got promoted to non-exclusive to exclusive. This is all for you my dear readers. CONGRATULATIONS sa ating lahat. Thank you sa walang sawang pagsuporta sa story na ito. God bless you all ......🫶🩷...
Baca Semua Ulasan
Ms. Camela Martin

Ms. Camela Martin

Lauren Fortalejo mabait, mayaman, college student at kilalang cute na nerd sa university na pinapasukan niya. Matagal nang may gusto kay Ms. Camela. Ms. Camela Martin pinaka maldita sa kanilang magkakaibigan, mataas ang pride at kilala naman bilang isang terror na Professor. Paano kung mag cross ang landas nila at magkaroon ng pag iibigan sa kanilang dalawa. Manaig kaya ang pag ibig o maging lesson na lang sa kanila ang nangyari?
LGBTQ+
9.850.0K DibacaCompleted
Tampilkan Ulasan (23)
Baca
Tambahkan
Bernadeth Tigulo
nakalimutan ko na kung anong chapter na ako yung pinakalast na chapter bago ilipat dito. anong chapter po ba yun yung last nabasa ko is yung si magdadate ulit sila ni Lavine tapos iniignore na lang ni Lauren si Ms. Camela.
imnotpsychopath
guys kung namamhalan kayo mag read nag bibinta po ako ng pdf. pwede nyo po ako e pm sa fb ko. Search nyo lang po Avril Del Carmen. Done ko na rin po pala yung Ms. Angela Mondragon at binibinta sya pdf
Baca Semua Ulasan
Isang Gabing Regalo sa Lalaking Ikakasal

Isang Gabing Regalo sa Lalaking Ikakasal

Pera! kapalit ay dangal. No choice Ang dalagang si lea na ibenta Ang pagkabirhen nito. Dahil sa kagustuhan niyang mabawi Ang lupang sinasaka ng kanyang ama na tanging ala-ala sa yumao nitong ina. Nag decision siyang ibenta Ang katawan sa Isang gabi,bilang regalo sa lalaking malapit ng ikasal at iyon ay si Alejandro Fortin. Isang bilyonaryong nagmamay-ari ng naglalakihang mall sa syudad at sa probinsya. May malawak rin na lupain. Paano Kong darating Ang araw muli silang magkita. At ito Pala Ang magiging boss nito. Makakaya kaya niyang Sabihin rito na may nabuo sa isang gabing may nangyari sa kanila.Abangan......
Romance
1044.4K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Love Over Hate – FILIPINO

Love Over Hate – FILIPINO

R-18: Walang ibang hinangad si Tanya kung hindi makapagtapos ng pag-aaral ang kaniyang nakababatang kapatid na si Miko. Pero nang magkasakit ito at mangailangan siya ng malaking pera pambayad sa operation sa ospital. Wala siyang ibang magawa kung hindi mangutang ng malaking halaga sa isang kilalang matandang senyora sa kanilang bayan. Ngunit hindi siya nakapagbayad sa takdang araw sa matinding takot sa bantang ipakukulong siya nito. Nagmakaawa siyang gagawin ang lahat huwag lamang iyon mangyari. Ang buong akala niya ay dinala siya nito sa isang bahay-aliwan upang ibenta ang kaniyang katawan. Pero laking gulat niya na ang kaniya lang gagawin ay magpanggap bilang babae ni Isidore Lanchester, ang nag-iisang tagapagmana Lanchester Empire, na nabuntis nito.Pero hindi lamang doon matatapos ang lahat, may lihim palang itinatago ang binata na oras na malaman niya ay ikasisira ng relasyon nilang dalawa.
Romance
9.353.3K DibacaCompleted
Baca
Tambahkan
Ang Lihim ni Anastasia

Ang Lihim ni Anastasia

Biktima ng magulong nakaraan. Pinaglaruan ng kapalaran. Dapat bang siya ang sisisihin sa lahat ng kasalanan na hindi naman siya ang may gawa?  Si Anastasia ay isang ampon. Masayahin at mapagpakumbaba sa lahat. Ngunit sinubok ng tadhana ang kanyang katatagan. Pinaglaruan ng kanyang tinuturing na kapatid. Ibinenta sa isang estranghero. Pinagtabuyan at nabuntis.  Paano kung isang araw, muling magkrus ang landas nila ng lalaking pilit niyang kalimutan. Makikilala kaya niya ito?  Paano kung ang taong kanyang pinagkakatiwalaan at inalayan ng kanyang buong pagmamahal ay itatakwil siya sa araw mismo ng kanilang kasal. Magawa niya pa kayang patawarin ito?  May kaugnayan kaya ang nakaraan nina Anastasia at Vance Michael Enriquez? Sino ito sa buhay ni Anastasia. 
Romance
1046.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
2829303132
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status