Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Mafia' Seeds Thief

The Mafia' Seeds Thief

Si Lucky ay NBSB, at isang matagumpay na manunulat ng erotika. Lumaki siyang malaya at may sariling kakayahan kahit na ipinanganak siya sa isang mayamang pamilya. Siya ay kontento na sa kanyang dalawampu't walong taong pag-iral. Gayunpaman, umabot siya sa punto ng kanyang buhay na nais niyang magkaroon ng anak. Nasa tamang edad na si Lucky; marami na siyang naipon na pera at may sariling bahay. Ito rin ang paulit-ulit na hinihiling ng kanyang mga magulang. Isa lang ang problema ni Lucky: dumaranas siya ng genophobia, isang mental health disorder na nailalarawan sa pamamagitan ng takot sa sekswal na intimacy. Walang ibang nakakaalam sa kalagayan niya bukod sa matalik niyang kaibigan na si Genesis. Maging ang sariling pamilya ay walang kamalay-malay dahil natatakot siyang kutyain ng iba ang kanyang kalagayan; kaya, hindi solusyon ang pag-ampon sa kanyang pagnanais na magkaroon ng anak. Isang opsyon lang ang maiisip niya: IUI, isang medikal na pamamaraan kung saan direktang itinatanim ang sp*rm ng isang lalaking donor sa matris ng babae. Sinabi ni Lucky kay Genesis ang tungkol sa kanyang plano, at sinuportahan siya ng kanyang matalik na kaibigan; gayunpaman, nang sabihin niya na gusto niyang si Genesis ang kanyang sp*rm donor, tumanggi ang lalaki, na sinasabing ayaw niyang managot sa sinumang babae, lalo na kay Lucky. May paraan na, pero hindi inasahan ni Lucky na mahihirapan siyang kumbinsihin ang matalik na kaibigan, kaya naman gumawa ng krimen si Lucky isang gabi matapos makipagtalik si Genesis sa kanyang flavor of the month; ninakaw niya ang ginamit na condom ni Genesis. Magtatagumpay kaya ang insemation ni Lucky? Ano ang mangyayari sa pagkakaibigan nila ni Genesis dahil sa makasarili niyang desisyon? Mawawasak ba sila o may bagong pag-ibig ang uusbong sa panahong sinubok ang kanilang pagkakaibigan.
Romance
1014.7K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Carrying My Ex-Boyfriend's Child

Carrying My Ex-Boyfriend's Child

Sa araw na nalaman ni Nikita na siya'y nagdadalang-tao, nakipaghiwalay si Kent sa kaniya, upang makipagbalikan kay Lauren, ang dati nitong kasintahan. Pinili niyang ilihim na lamang dito ang tungkol sa pagbubuntis niya sa isiping ayaw niyang mapilitan ang binata na magpakasal sa kaniya upang panagutan lamang ang anak nila. Ayaw niyang mamuhay sa isang pilit na pamilya ang anak kung kaya't minabuti nalang nitong huwag sabihin sa lalaki. Nang malaman ni Nikita na ikakasal na si Kent at Lauren, nagdesisyon itong sumama sa kaibigang si Hanz papunta sa ibang bansa upang doon manirahan at palakihin ang anak nila ni Kent. Si Hanz ay may lihim na pagtingin sa babae. Nang umamin ang kaibigan kay Nikita sa kaniyang totoong nararamdaman ay sinubukan ulit ng babaeng buksan ang puso niya para sa pagmamahal. Sino ang mananaig sa puso ng dalaga, ang ama ng anak niyang minsan na siyang iniwan o ang kaibigang matagal ng may pagtingin sa kaniya na walang ibang ginawa kung 'di ang mahalin sila at ang anak nila ni Kent? Pipiliin mo ba ang buong pamilya o ang masayang pamilya? Maaayos pa ba ang relasyon sa pagitan nila Kent at Nikita o mabubuo ang bagong relasyon sa pagitan ng dati pang dalawang matalik na magkaibigan?
Romance
1015.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Twist In Our Story

The Twist In Our Story

Matalik na magkaibigan sina Rob at Sophie. They've known each other since time immemorial. They were inseparable. They were partners in crime. Were. Somewhere in between, may nagbago sa kanilang pagitan. Pagbabagong hindi nila kayang pangalanan. Pagbabagong nag-udyok upang tapusin nila ang kanilang pagiging magkaibigan. And just when they thought that everything is already settled and their hearts are moving on, fate gave them the biggest twist in their story-- much stronger than what they feel, more precious than their friendship, and more exciting than their own careers-- a baby!
Romance
1015.1K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Affair Bk. 1 WOUNDED HEARTS

The Billionaire's Affair Bk. 1 WOUNDED HEARTS

WOUNDED HEARTS Marcus Ace Thompson is a well-known businessman at his own rights. Marami na siyang naabot at napatunayan sa larangan ng negosyo. He is also a well-known womanizer. Walang babae na nakakatanggi sa karisma niya pero wala din siyang sineseryoso. Luhaan ang babae kapag iniwan niya pero wala siyang pakialam sa bagay na yon. Hanggang sa makilala niya si Blanca dela Riva. Ang kaisa-isang babaeng ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Para sa kanya ay challenge ang babaeng ito at sampal sa kanyang ego kaya pinilit niya itong hanapin. But things happened at nahulog ang loob niya dito. Hindi niya alam na may malalalim na dahilan ang pagtatagpo nila ni Blanca. Makuha kayang hilumin ng pag-ibig na nararamdaman nila para sa isa’t-isa ang mga sugat ng nakaraan?
Romance
1016.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)

The Seven Sins Series: Lust (Luca Lindenhurst)

Nang ma-admit sa ospital ang ama ni Carnation matapos ma-diagnose na may lymphoma, nalugi ang maliit na negosyo ng kanilang pamilya. Kinailangan niyang huminto sa kolehiyo at magtrabaho para suportahan ang kanyang pamilya. Dahil lubog sa utang, wala siyang pagpipilian kundi magtrabaho sa Casa de Lujuria, isang underground nightclub na pagmamay-ari ni Luca Lindenhurst, kasapi ng Underground Society.
Romance
1014.8K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
My Sister My Lover

My Sister My Lover

Sa isip mo magkapatid kayo pero paano kung tumitibok ang puso mo sa tuwing kasama mo siya? Sa pag iwas mo mas lalong lumalalim ito. Alam mong may mali sa nararamdaman mo pero nagiging tama ang lahat kapag sa kanya na lang umiikot ang mundo mo. Paano kung isang araw mahal mo na pala siya pero hindi pwede dahil magkadugo kayo. Anong gagawin mo? Ikukubli mo ba ito o bibigyang hustisya kung anong nasa loob mo? Paano kung ganun din pala siya sayo? Tatalikuran niyo ba ang masakit na katotohanan at tatakbo para magsama ng higit pa sa magkapatid o ibabaon na lang sa limot ang minsang nagbigay sayo ng labis labis na saya?
LGBTQ+
1015.8K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "Battle between wife and Debt"

MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "Battle between wife and Debt"

Demon, Beast, King of hell, yan ang kadalasan na sinasabi ng mga taong nakaranas na ng kalupitan mula sa kanyang mga kamay. Gayunpaman, sa kabila ng kanyang pagiging demon beast, kinaiinggitan pa rin siya ng lahat dahil maraming babae ang handang lumuhod sa kanyang harapan makuha lamang ang kanyang atensyon at pagmamahal. Subalit lahat sila ay nabigo sapagkat hindi pa ipinanganak ang babaeng kayang tunawin ang nagyeyelong puso ni Allaric Dela Vega, ang pinakatanyag, mayaman at maimpluwensyang tao sa buong mundo. Ngunit nagbago ang lahat ng ibinenta sa kanya ni Mayor Enrique ang bunsong anak nito na babae, bilang kabayaran sa sampung milyong dolyar na halaga ng pagkakautang nito sa kanya. Walang balak si Allaric na bilhin ang anak ng alkalde, ngunit ginawa niya pa rin dahil hinamon siya ng kalupitan ng ugali ng dalaga. Siya lang ang tanging babae na hindi natatakot mamatay sa harapan niya; kahit pa tinagurian siyang, Adonis the greek god, sa kagwapuhan, wala pa ring epekto ito sa dalaga. "Kahit pilitin mo man akong magpakasal sayo, katawan ko lang ang makukuha mo, ngunit hindi ang puso ko." - Jayna "Hindi mo makuha ang kalayaan na gusto mo, dahil mamamatay akong nakakukong ka parin dito sa puso ko."- Allaric May mabubuo pa kayang pagmamahal sa kanilang dalawa gayung wala silang ibang ginawa kundi ang saktan ang isa't-isa? Magagawa kayang palayain ni Allaric si Jayna, kung ang gusto lang nito ay makalaya sa kanya at bumalik sa lalaking nagmamay-ari ng puso niya? What fate awaits the mafia king in his battle for love?
Romance
1017.2K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
My Sugar Daddy's Brother

My Sugar Daddy's Brother

Mahirap ang buhay para sa labing-anim na taon gulang si Cassandra Vidal. Napilitan siyang magtrabaho sa club upang ipagamot ang inang may malubhang karamdaman. Akala niya'y hanggang doon na lamang ang kan'yang kapalaran, ngunit hindi nang makilala niya si Arman Solis, ang lalaking labing-walong taon gulang ang tanda sa kan'ya. Nagkaroon sila ng relasyon. Hindi naglaon ay namatay sa isang aksidente ang lalaki at iniwan sa kan'ya ang lahat ng ari-arian nito kabilang na ang Hacienda Miraflor. Lumipas ang limang taon, isang bagong pag-ibig ang dumating sa ngalan ni Mateo Bermudez. Mabilis silang nagkapalagayan ng loob. Subalit isang linggo bago ang kanilang kasal ay bigla itong naglaho sa hindi malamang dahilan. Labis na nasaktan si Cassandra, hanggang sa bumalik ang binata, hindi para sa kan'ya kun'di para sa hacienda. Sa kanilang muling pagsasama, paano niya lalabanan ang pag-ibig na muling sumisibol? Paano kung isa pala si Mateo sa mga taong nais magpabagsak sa kan'ya?
Romance
1016.3K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
After Divorce: I Married A Stranger

After Divorce: I Married A Stranger

Pinagtaksilan si Naomi ng kaniyang asawang si Owen. Inalok siya nito ng 10 milyong peso kapalit ng pakikipag-divorce niya rito kahit buntis siya at dahil kailangan niya ng pera para sa operasyon ng kaniyang kapatid, tinanggap niya ang alok. Pero kulang pa ang pera kaya handa na sana niyang ibenta ang katawan sa mayamang customer pero bigla na lang may stranger na nag-alok sa kaniya ng malaking halaga kapalit ng pagpapakasal niya rito. Saan hahantong ang pagpapakasal niya sa stranger na lalaki kung hanngang ngayon mahal pa rin niya ang nagtaksil na asawa? Kakayanin ba ni Naomi kapag nalaman niya ang tinatagong sikreto ng lalaking pinakasalan niya?
Romance
1015.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Deeply In Love With You ( El fuego Series # 2 )

Deeply In Love With You ( El fuego Series # 2 )

Maria Isabella Cortes also known as Bella. The only daughter and heiress of Guillermo Real Estates Company. Dahil sa dami ng kalaban at katunggali ng pamilya sa negosyo ay napagpasyahang itago at gawing pribado ang buhay niya sa lugar ng El Fuego. A small town that is part of Zamboanga where she can live a peaceful life away from showbiz and danger. With her simple life she will accidentally meet the young stern and bold Zackeriel Bennedict Buenaventura, the ruthless and intimidating young Don in El fuego. Dahil lumaki sa karangyaan at nasanay na nakukuha ang lahat nang gusto. Naging isang pagsubok sa kanya ang pagkuha sa atensyon ni Zack. So she did everything to get his attention. Determinado siyang magpapansin dito. Pero talaga pa lang may mga bagay na hindi mo pwedeng pilitin kahit ano pa ang gawin mo. May mga bagay na hindi mo kayang abutin kahit abot kamay mo na. Kahit anong pilit at higpit ng kapit mo dito ay dudulas at dudulas pa rin. When will she be able to learn to let go? Kapag nasaktan na? O kapag napagod na? O dikaya'y kapag natuto na niyang tanggapin sa sarili niya na hindi talaga pwede.
Romance
1012.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
454647484950
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status