Her Proclaimed Husband
Deana
Masipag at matiyaga si Vivian sa pagtatrabaho, kahit mag-isa na lang sa buhay ay kumakayod siya upang may maipang-kain para sa sarili. Marami siyang trabaho at isa na rin dito ang pangingisda.
Isang araw, habang siya'y nangingisda, natagpuan niya ang isang lalaking palutang-lutang sa karagatan. Kaniya itong kinupkop at napag-alamang nawalan ito ng alaala. Ito na kaya ang pagkakataon niya para makapag-asawa?