Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
A Marriage of Convenience

A Marriage of Convenience

Ezelxy
Aries Scott Vincenzo is a licensed architect and is currently working in an architectural firm. Despite his success in life, walang nakakaalam sa madilim nitong nakaraan. He let himself in prison of pain... He is suicidal. On the other hand, Sachiko Falasca is a woman who was spoiled by her mother. But unfortunately, her mother died and she couldn’t accept the fact that her father wanted to marry another woman... She is impulsive. Isang kasunduan ang magbubuklod sa dalawa. Ngunit anong klaseng samahan ang mabubuo? Will they accept each other’s imperfections? O tuluyan na lang ba nilang susukuan ang isa’t isa?
Romance
3.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Tamed by my Assistant

Tamed by my Assistant

SophiaSkye
William is a young business tycoon. he never really wanted to be in a relationship dahil minsan na siyang naloko. He made himself arrogant para di lapitan ng mga social climber. While Madel, is a young independent woman. Lumuwas ng Maynila para mag-aral. Her mom can support her naman. Pero dahil na din sa kasipagan ay napag-aral nya ang sarili while working in an exclusive bar for rich people. Kayanin kayang palambutin ni Madel ang pusong bato ni William? si William na ba ang unang makaka bihag sa puso ni Madel?
Romance
3.6K viewsOngoing
Read
Add to library
A Wife's Tears: Billionaire Scoundrel Husband's Regrets

A Wife's Tears: Billionaire Scoundrel Husband's Regrets

MISERABLE WIVES CLUB SERIES #1: Bigla na lang nag-aya ng divorce si Kaia kay Bastian noong panahong naghihirap siya. Ang dahilan nito? Mahirap si Bastian at may minamahal nang ibang lalaki si Kaia. Galit ang namuo sa puso ni Bastian sa pagiging walang puso ng babaeng minamahal at pinangakong gaganti siya rito sa hinaharap. Makalipas ang limang taon, nagkrus muli ang landas nila. Si Bastian, bilang isang matagumpay na CEO ng AA World Group of Companies habang si Kaia, mula sa pagiging anak mayaman ay nahulog sa pedestal at nauwi sa pagiging waitress na lang sa isang nightclub. Ginawa ni Bastian ang lahat ng pinangako niya sa sarili, mahal man si Kaia, mas matindi ang galit niya rito. “Kaye, we can't go back to the past. My hatred for you won't stop even if you die.” Ngunit nang maubos si Kaia sa lahat ng pananakit ni Bastian sa kanya at nawalan ito ng hininga, doon napagtanto ni Bastian na mas malalim pala ang pagmamahal niya sa asawa kaysa sa galit niya at mas matimbang ang pagsisisi kaysa sa kamatayan. “Kaye, matagal na kitang pinatawad dahil ang pagmamahal ko sa ‘yo, parang hininga. Hindi matitigil. Ako dapat ang nawala… kapag namatay ba ako, maibabalik ko ba ang buhay mo?”
Romance
107.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Triplets Addiction

The Triplets Addiction

Jianna also known as Adi is a single mother who became pregnant at the age of 16. Dahil tinakbuhan ng ex-boyfriend niya ang responsibilidad nito bilang ama ni Blair ay mag-isa niyang itinaguyod at pinalaki ang kaniyang anak sa tulong na rin ng ina at ng dalawa niyang kapatid na lalaki. While she is busy working in the supermarket where she has been employed ay makikilala niya doon ang Dela Vega triplets na sila Ahmed, Ahnwar, at Ahzik. Nagpakita kaagad ng interes sa kanya sina Ahnwar at Ahzik, samantalang si Ahmed naman ay para yatang pinaglihi sa sama ng loob dahil hindi maganda ang pakikitungo nito at palagi pa siyang sinusungitan. But Ahmed is different from his two brothers in that he appears familiar to her but can't recall where or when, and she is more intrigued and her heart skips a beat whenever she sees him. Ahnwar and Ahzik were determined to court her, whereas Ahmed hates her, at dahil na rin sa may gusto sa kanya ang best friend nitong si Kyrie na bago lang niyang nakilala. When she met the Dela Vega triplets, their lives were turned upside down and some secrets were revealed. As time went on, they also grew more dependent and addictive on her. Malalampasan ba nila ang lahat ng pagsubok at magkakaroon pa rin ba sila ng happy ending kung may mga taong masasaktan, magsasakripisyo, at lalaban sa kanilang tadhana?
Romance
1021.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Castillion Brothers Series 7: Seventh Castillion

Castillion Brothers Series 7: Seventh Castillion

Mariecris Bayubay, isang probinsyanang naging biktima ng karahasan sa syudad. Namuhay sa apat na sulok ng madilim na silid. Walang karamay. Walang masasandalan. Nag-iisa. Walang kamag-anak. Wasak. Bigo. Nabuhay sa takot at pagpapakamatay. Halos mawala siya sa sariling katinuan hanggang sa mapadpad siya sa puder ng isang napakayamang lalaki at magaling na psychiatrist na nagngangalang Seven Castillion, isang binatang bigo sa pag-ibig dahil ang unang babaeng minahal niya ay siya na ngayong asawa ng kanyang nakakatandang kapatid. Nagparaya siya kahit sobrang sakit na pakawalan ito. Hinding hindi na niya nakikita ang sariling magmamahal ulit dahil kahit na may sarili ng pamilya ang babaeng unang minahal ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Ang binata ang nagbihis at nag-alaga kay Mariecris sa mga panahong gusto na niyang sumuko. Dahil sa kabutihan nito ay hindi niya namalayang nahuhulog na siya, pero anong mapapala ng pagmamahal niya para dito kung may ibang tinitibok ang puso nito? Siya nga ba ang unang babaeng babali sa tadhana ng mga Castillion? Siya nga ba ang unang babaeng magsasabing hindi totoo ang paniniwala ng mga ito na kung sino ang unang minahal ay siya ang huli? O dahil sa pag-ibig niya sa binata ay mas lalo siyang mawawasak at muling nanaisin na mamatay nalang?
Romance
1016.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Carrying My Ex-Boyfriend's Child

Carrying My Ex-Boyfriend's Child

Sa araw na nalaman ni Nikita na siya'y nagdadalang-tao, nakipaghiwalay si Kent sa kaniya, upang makipagbalikan kay Lauren, ang dati nitong kasintahan. Pinili niyang ilihim na lamang dito ang tungkol sa pagbubuntis niya sa isiping ayaw niyang mapilitan ang binata na magpakasal sa kaniya upang panagutan lamang ang anak nila. Ayaw niyang mamuhay sa isang pilit na pamilya ang anak kung kaya't minabuti nalang nitong huwag sabihin sa lalaki. Nang malaman ni Nikita na ikakasal na si Kent at Lauren, nagdesisyon itong sumama sa kaibigang si Hanz papunta sa ibang bansa upang doon manirahan at palakihin ang anak nila ni Kent. Si Hanz ay may lihim na pagtingin sa babae. Nang umamin ang kaibigan kay Nikita sa kaniyang totoong nararamdaman ay sinubukan ulit ng babaeng buksan ang puso niya para sa pagmamahal. Sino ang mananaig sa puso ng dalaga, ang ama ng anak niyang minsan na siyang iniwan o ang kaibigang matagal ng may pagtingin sa kaniya na walang ibang ginawa kung 'di ang mahalin sila at ang anak nila ni Kent? Pipiliin mo ba ang buong pamilya o ang masayang pamilya? Maaayos pa ba ang relasyon sa pagitan nila Kent at Nikita o mabubuo ang bagong relasyon sa pagitan ng dati pang dalawang matalik na magkaibigan?
Romance
1022.9K viewsCompleted
Read
Add to library
My Only Love

My Only Love

Re-Ya
Isang ubod lalim na paghinga ang ginawa ni Anya bago inilibot ang tingin sa kanyang paligid. Pagkatapos ay sinuot niya ang de- kulay na salamin sa mata. Sinukbit ang signature na shoulder bag at maingat na hinila ang katamtamang maleta. Marahan siyang naglakad palabas ng paliparan. Dalawampu’t taon ang lumipas ng lisanin niya ang bansang Pilipinas para manirahan sa Amerika. Baon ang labis na hinagpis at pagkabigo sa pag-ibig ay nakipagsapalaran sya sa ibang bansa. Kaya naman ngayon sa muling pagtapak ng kanyang mga paa sa bansang kanyang tinakasan ay may kung anong pakiramdam sa dibdib niya ang hindi niya sukat mawari. Isa lang ang sigurado si Anya naroon pa rin ang bigat sa puso niya. Tila nanariwa ang pighati na dulot ng nakaraan. May butil ng luha na gustong bumukal sa sulok ng kanyang mga mata. Agad niyang pinawi iyon at pinuno ng hangin ang nagsisikip na dibdib. Mayroon siyang mahalagang pakay sa kanyang pagbabalik. Iyon ay ang lalaking kanyang inibig ng wagas subalit nagawa niyang talikuran. Subalit lagi na’y naroon ang katanungan sa isip niya. Kaya ba niya itong harapin? Handa ba siyang anihin ang poot at galit ni Clark sa kanilang muling pagtatagpo? Pagka’t ang tingin na ng lalaki sa kanya ay isang talusira.
Romance
2.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Contract Marriage To Mr. Billionaire

Contract Marriage To Mr. Billionaire

"I'm sorry, I can't love you back. I love someone else." - Razen Isaac Beriones-Montagne. ____________ Razen Isaac Beriones-Montagne kilala bilang isang matinik pagdating sa babae. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa isang binata sa ubod ng gwapo, malakas ang karisma at higit sa lahat isang bilyonaryo? Ngunit sa edad na tatlumpung taong gulang wala pa itong nobya. NO GIRLFRIEND SICE BIRTH in short NGSB dahil hinihintay niya ang pagbalik ng dating minamahal. Subalit, minamadali na siya ng kanyang ina na mag-asawa. Kaya nang dumating ang bagong kasambahay nilang si Gueene, agad niya itong pinakilala sa mga magulang na fiance niya ito. Gulat at pagkalito ang naramdaman ni Gueene dahil bilang isang kasambahay ang ipinunta niya, ngunit hindi trabaho ang kanyang nadatnan kundi ang maging asawa ng isang binatang bilyonaryo. Anong klaseng buhay kaya ang kanyang matatamasa sa poder ng mga Montagne? Ito na ba ang kasagutan sa kanilang kahirapan o ito ang simula upang lalong maging magulo ang kanyang buhay? Paano kung muling bumalik ang babaeng unang iniibig ng binata, panindigan kaya ni Razen Isaac ang kanyang mga sinumpaan sa asawa o magpadala sa bugso ng damdamin? Hanggang saan hahantong ang pagiging mag-asawa nila gayong una palang wala na silang pag-ibig na naramdaman sa isa't isa?
Romance
1015.9K viewsCompleted
Read
Add to library
About Last Night (Tagalog)

About Last Night (Tagalog)

Aksidente at hindi inaasahan na mangyayari ni Kristina na basta-basta niya lamang maibigay ang kaniyang iniingat-ingatang Dignidad at Kalinisan bilang isang babae sa binatang nakilala niya lamang ng isang gabe. In short Kristina got a One Night Stand to the man she just meet. Dahil sa kalasingan ng dalawa at pagkawala nito sa kani-kanilang matinong kalagayan at kaisipan ay nagawa nila ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalain na magaganap. Ngunit sa kabila ng askidendting kaganapan sa kanilang dalawa ay magiging kabuluhan pala ito kay Kristina, kahit pa minsan na siyang nagsisisi sa kaniyang nagawang pagkakamali kung bakit niya naibigay ang kaniyang sarili sa binatang hindi niya lubos na kilala. Tila basta na lamang siya nagkaroon ng kagustuhan at interest sa binata matapos ang mainit na kaganapan sa kanila nang gabing iyon. Na tila humantong pa na may namumuong pagmamahal sa kaniyang puso para sa binata sa isang iglap lamang. Ngunit magagawa ba ni Kristina na ipagpatuloy ang kaniyang pagkagusto sa binata kahit na iniwan lamang siya nito na parang isang bayarang babae, na matapos pakinabangan ay iwan at pababayaan na lang? Magagawa ba niyang mahalin ang binata kapag sila'y magkikitang muli matapos nawala na parang bula? This story contains mature content! So, please! Read at your own RISK!!!!
Romance
25.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Married to the Brokenhearted Billionaire

Married to the Brokenhearted Billionaire

Sa edad na 19, gumuho ang mundo ni Eliana “Yana” Ledesma. Biglang namatay ang ama, at lahat ng ari-arian nila misteryosong napunta sa kanyang malupit na madrasta. Pinalayas siya at ilang araw syang nagpalabuy-laboy sa kalsada. Isang gabi, muntik na siyang mapahamak… Mabuti na lang ay nailigtas siya ng isang estranghero. Si Adrian Villaverde. Siya ang kasalukuyang CEO ng Villaverde Group. Isang bilyonaryong laging nasa front page ng dyaryo. Hindi lang dahil sa galing niya sa negosyo kundi dahil sa misteryong bumabalot sa pagkawala ng dati niyang asawa na si Leira. Habang nakikituloy si Yana sa puder ni Adrian, nagulat siya nang bigla itong nag-abot ng kontrata na kailangan nilang magpakasal. Hindi kailangan magkaroon ng seremonya, sex, o kahit damdamin man lang. Sa papel lang talaga. Pero habang tumatagal ang pananatili niya sa mansyon, mas dumarami ang tanong kaysa sagot: Pinili ba sya ni Adrian pakasalan dahil kamukha niya ang ex-wife nito? Ano ba talaga ang dahilan ng biglaan na pagkawala ni Leira? At bakit sa bawat kilos ni Adrian, parang may pinipigilan itong sabihin? Kasabay ng paglalapit ng loob nila ni Adrian, isang bagay ang hindi maikaila ni Yana… Mas dumadami ang mga tanong kaysa sagot. Kailangan niyang maging mapagmatyag kung gusto niyang makasiguro na ang lalaking pakakasalan niya ay hindi isang halimaw na nagpapanggap lang.
Romance
109 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4445464748
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status