Hiram na Asawa
lakas loob niyang tanong dito ngunit hindi ito sumulyap sa kanya.
Dumaan pa ang ilang segundo ay hindi ito sumagot bagkus ay nilingon ang bellboy sa tabi niya.
"She's asking you a question," paalala nito sa bellboy.
Naituro tuloy ng bellboy ang sarili nito at mabilis na umiling, "Me, Sir? No, Sir. My name is Oscar, not Damon, Sir," mabilis na tanggi ng bellboy.
Lalong nangunot ang noo nito sa sagot ng bellboy at doon pa lang bumaling sa kanya, "I'm not Damon either. Who are you talking to, Miss? A ghost?"