HABANG NASA klase siya, biglang nagbigay ng task ang kanilang professor na kailangan daw nilang maghanap ng magiging partner nila para sa task na iyon. Hindi niya maiwasang ilibot ang kanyang paningin sa loob ng silid. Sa katunayan ay wala siyang malapit na kaibigan sa paaralan, saktong kakilala lang niya ang kanyang mga kaklase dahil hindi naman siya nangahas na makipag-kaibigan at wala din namang nanghas na kaibiganin siya.
Kaya ngayon na kailangan niya ng partner ay hindi niya maiwasang hindi isipin kung may gugustuhin bang maka-partner siya. Idagdag pa na mukhang siya na lang naman na ang natirang walang partner at kung mag-isa siyang gagawa ng task ay okay lang din naman sa kaniya. “Asha, gusto mo bang maka-partner ako?” tanong bigla sa kaniya ni Alice na katabi niya. “Wala ka pa bang partner?” “Meron na pero kung wala kang partner…” tumigil ito at pagkatapos ay nilingon ang nasa likod namin. “May partner ka na Nick?” tanong nito dahilan para lumingon din siya. Umiling ito kaya ang ending ay silang dalawa ni Nick ang naging mag-partner para sa task na iyon. Pagkatapos nilang magkasundo ay nag-usap sila tungkol sa task at hindi niya namamalayan ang pagdaan ng oras at nang masulyapan niya ang kanyang relo ay agad-agad niyang inipon ang kanyang gamit sa kanyang mesa at nagmamadaling tumakbo palabas ng building nila. Kahit na humihingal na siya ay hindi siya tumigil sa kanyang pagtakbo lalo pa at alam niyang susunduin siya ni Lawrence ngayon dahil wala pa rin ang driver. Tiyak na kapag na-late siya kahit na isang segundo lang ay katakot-takot na naman na mga salita ang maririnig niya mula sa bibig nito. Eksaktong kalalabas niya lang ng gate nang marinig niya na may tumatawag sa pangalan niya kaya bigla siyang napahinto at tiningnan ito. Nakita niya si Nick na humahangos din papunta sa kaniya habang naghahabol ng hininga. “May problema ba?” kaagad niyang tanong dito. Agad naman nitong inilahad ang kamay nito. “Naiwan mo ang cellphone mo.” sabi nito. Bahagya siyang nagulat ng wala sa oras at pagkatapos ay dinampot ito. Eksakto naman na nakita niya sa screen ng kanyang cellphone ang number ni Lawrence at tumatawag na ito sa kaniya. “Salamat.” sabi niya rito na may bahagyang ngiti sa kanyang mga labi. Tumango naman ito. “Kanina pa tumutunog yan nang maiwanan mo. mukhang nag-aalala na sayo ang boyfriend mo.” sabi nito sa kaniya. “Ah, hindi nagkakamali ka. Wala akong boyfriend.” sabi niya rito at bahagyang umiling. Napuno ng kaginhawaan ang mukha nito nang marinig ang sinabi niya at bakas sa mga mata nito ang saya. “Talaga? Totoo ba ang sinabi mo?” hindi makapaniwalang tanong nito sa kaniya. Ibubuka na sana niya ang kanyang bibig upang sumagot nang bigla na lamang may bumusinang sasakyan sa likod niya dahilan para mapahawak siya sa kanyang dibdib sa labis na pagkagulat. Nang lingunin niya ito ay ang hindi maipinta na mukha ni Lawrence ang nakita niya kaya muli niyang binalingan si Nick ng wala sa oras. “Mauna na ako Nick. salamat.” sabi niya na lamang dito at pagkatapos ay nagmamadali na siyang naglakad patungo sa kotse. Nang pumasok siya sa loob ay hindi na siya nangahas pa na tingnan ang mukha ng lalaking nakaupo sa driver seat ngg mga oras na iyon. “Napakatagal mo!” reklamo nito pagkasara niya ng pinto ng kotse dahilan para mapayuko na lamang siya. “Pasensya na…” sabi na lamang niya at napakagat labi. Ilang sandali pa ay mabilis nahumarurot paalis doon ang mamahaling kotse at hindi na siya nagsalita pa. Tahimik na lamang siyang nagmasid sa mga daraanan nila. Habang papalayo ng papalayo ang tinatakbo ng sasakyan ay doon na siya nagtaka dahil hindi naman iyon ang daan pauwi sa mansyon. “Saan tayo pupunta?” hindi niya maiwasang itanong dito pagkalipas ng ilang sandali. “Pwede ba na itikom mo na lang yang bibig mo?! Nakakairitang marinig yang boses mo!” yamot na sabi nito sa kaniya kaagad. Napalunok naman siya at nag-iwas ng tingin. “Kung may pupuntahan ka pa ay pwede mo na lang akong ibaba rito at mag-aabang na lang ako ng taxi pauwi.” suhestiyon niya rito at pagkatapos ay nilingon ito. Ang matatalim naman na mga mata nito ay sumulyap sa kaniya na para bang isang matinding kasalanan ang sinabi niya. “Alam mo, kung hindi lang dahil sa utos ni Daddy na sunduin ka ay kanina pa kita pinalabas ng kotse ko! Kaya pwede ba, tumahimik ka na lang!” muling singhal nito sa kaniya. “Pero—” “Ano ba! Hindi ka ba marunong makaintindi talaga?!” galit na galit na sigaw nito na halos suntukin na ang manibela ng sasakyan. Medyo mataas na rin ang boses nito at halatang yamot na yamot na ito sa kaniya. Ang tanging nagawa na lamang niya ay ang mapakagat-labi at mag-iwas ng tingin. Naramdaman niya ang matinding kirot na nagmumula sa kanyang puso dahil sa pagsigaw-sigaw nito sa kaniya na kahit na medyo sanay na siya ay hindi pa rin niya maiwasang hindi masaktan. Simula noong bata siya ay ni hindi pa siya nito kinausap ng maayos dahil palagi na lamang itong nakasigaw. Dahil sa nangyari ay hindi na siya nagsalita pa hanggang sa tumigil ang kotse sa isang luxury hotel. Ang hotel na iyon ay pamilyar na sa kaniya dahil lang beses na rin siya nitong isinama doon. Casino talaga ang nasa loob nito at front lang ang hotel para hindi mahuli ang mga nagpapatakbo ng mga ito. Hate na hate niya ang mga lugar na tulad nito sa totoo lang. Agad na bumaba ng sasakyan si Lawrence at hindi nagsalita. Dahil dito ay dali-dali rin naman siyang sumunod dito at halos tumakbo para lang makasabay sa mga hakbang nito. Pumasok ito sa loob at pagkatapos ay kumuha ng isang silid kung saan uminom ito. Samantalang siya ay tahimik lang na nakaupo sa isang gilid at nagmamasid dito. Hindi niya ibinuka ang kanyang bibig dahil baka mamaya ay magalit na naman ito bigla sa kaniya. Ilang oras na ang nakalipas nang dumating sila doon ngunit wala pa rin itong balak na tumayo doon. Hindi sinasadyang mapatitig siya sa mukha nito at mapaisip kung darating kaya ang araw na magiging mabait ito sa kaniya o kaya ay magbago man lang ang pakikitungo nito sa kaniya. “Anong tinitingin-tingin mo?” aburidong tanong nito sa kaniya bigla. Hindi niya kasi namamalayan na napatagal na paa ang pagtitig niya sa mukha nito. Nag-iwas siya ng tingin. “Wala.” kaswal na sagot niya. “Wala?” may halong panunuyang tanong nito at sa isang iglap ay bigla na lamang tong tumayo mula sa kinauupuan nito at naglakad papunta sa kaniya. Dahil dito ay hindi niya maiwasang mapalunok at maging ang kanyang puso ay naging abnormal na ang pagtibok. Bigla na ring nataranta ang buong pagkatao niya. “Alam ko kung ano ang iniisip mo.” dagdag pa nitong sabi nang makatapat na ito ng tuluyan sa kaniya. Mas lalo pa niyang iniiwas ang kanyang tingin ngunit sadyang malupit ito dahil mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya na inilapit nito ang mukha nito sa kaniya dahilan para mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso niya kasabay ng sunod-sunod na paglunok. “A-anong binabalak mong gawin?” nauutal na tanong niya rito. Nagulat na lamang siya nang hawakan nito ang kanyang baba at bahagyang pinisil. Gumapang mula doon ang libo-libong kuryente mula sa kamay nito patungo sa kanyang balat. Pilit nitong hinihila ang kanyang baba upang magkasalubong ang kanilang mga mata at dahil ayaw niya ay mas humigpit pa ang pagkakadiin nito roon. “Aray… nasasaktan ako…” mahina niyang daing. “Ano sa tingin mo ang gagawin ko?” muling tanong nito at mas hinigpitan pa ang hawak nito sa kanyang baba na ikinapikit na niya ng wala sa oras. Napilitan na siyang igalaw ang kanyang kamay upang tanggalin ang kamay nito ngunit sadyang mariin ang hawak nito kaya hindi ito umubra. Napangiwi na lamang siya sa sakit. Wala na siyang nagawa pa kundi ang magmulat ng kanyang mga mata at salubingin na lamang ang mga mata nito. “Tandaan mo na hinding-hindi ko gugustuhing makipagtalik sa babaeng katulad mo kahit na ikaw na ang pinakahuling babae rito sa mundo.” mariing sabi nito habang nag-aapoy ang mga mata.“Wala ka ba talagang balak sabihin sa pamilya mo Miri na nakauwi ka na?” tanong ng kaibigan sa kaniya.Agad naman na nagsalubong ang kilay niya nang marinig niya ang sinabi nito. “Bakit sana? Sila nga gumagawa ng desisyon na hindi man lang ako tinatanong kung gusto ko ba.” inis na sagot niya sa kaibigan niya.“Pero kahit na. Kailangan mong sabihin sa kanila dahil panigurado kapag nalaman nila, lalong-lalo na ng Kuya mo ay baka kung ano ang gawin niya sayo.” concern naman na sabi pa nito sa kaniya.Bumuntong hininga na lang siya at pagkatapos ay dali-daling tumayo mula sa kanyang kinauupuan. “Aalis ako, lalabas. Gusto mo bang sumama na lang sa akin kaysa magngangawa ka diyan?”Napailing na lang ito. “Napakatigas talaga ng ulo mo Miri.” sabi pa nito.Hindi na lang siya nagsalita. Siya nga pala si Mirabella, Miri for short o sa mga taong malapit sa kaniya ay iyon ang tawag sa kaniya. Well, kakauwi niya lang galing sa Canada pagkatapos niyang grumaduate. Pagkatapos niyang grumaduate ay ag
BLURBADAMSON EZEKIEL “ADAM” GRAYANPaano kung ang planong pakikipaglaro sa kapatid ng taong kaaway nila ay maging makatotohanan? Paano kung mahulog siya rito ng hindi niya nalalaman? Maipagpatuloy niya kaya ang una niyang plano na gamitin ito para saktan ang kapatid nito?Hanggang saan siya dadalhin ng plano niya? Magtagumpay kaya siya o uunahin niyang paganahin ang puso niya at isasantabi ang unang plano niya? O mababaliktad ang lahat at siya ang paiikutin sa palad nito?
HINDI na nagdalawang isip pa na buksan ni Asha ang pinto, iyon na pala ang rooftop ng hotel. Halos hindi siya makagalaw ng makita niya ang nasa kanyang harapan at pakiramdam niya ay para bang tumigil ang pag-ikot ng mundo. Napakaraming bulaklak na napapalamutian ng naggagandahang ilaw. Mula sa kanyang kinatatayuan ay isang red carpet ang nakalatag.Sa isang banda ay may violin na nang eksaktong buksan niya ang pinto ay nag-umpisang tumugtog ng napakalamyos na musika. Angkop na angkop sa napaka romantikong kapaligiran. Sa gitna ay may mesang nakahanda.Agad na nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Ilang sandali pa ay nakita niya si Lawrence sa harapan niya at marahil sa matinding pagkagulat ay hindi na niya alam pa kung saan ito nanggaling. May dala itong napakalaking bouquet ng bulaklak. Ilang sandali pa ay tuluyan nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata at napatakip sa kanyang bibig. Ang sabi nito ay hindi pa tapos ang inaasikaso nito sa opisina. Sumama pa naman ang loob niya pagkat
MAKALIPAS ang isang oras ay naroon pa rin siya sa sofa at nakaupo. Hindi pa rin siya gumagalaw. Kinakain siya ng napakaraming what ifs at parang tanga na nag-iimagine ng kung ano-ano. Ilang sandali pa ay bigla na lang tumunog ang cellphone niya dahilan para mahila siya mula sa mga kung anong iniisip niya. Nang pulutin niya ito ay nakita niya na si Lawrence pala ang tumatawag kaya mabilis niyang sinagot ang tawag. “Anong problema? Tapos na ba ang kailangan mong gawin?” tanong niya kaagad dito.“Gusto mo bang puntahan ako? Baka kasi gabihin ako e.” sabi nito sa kaniya.Bigla siyang nalungkot. “Kung gagabihin ka rin naman pala ay uuwi na lang ako. Okay lang ba sayo?” tanong niya rito.“Tinatanong kita kung gusto mo ba akong puntahan ngayon.” muling sabi nito sa kaniya dahilan para mapapikit siya ng mariin.“Hindi na. Inaantok na rin naman ako.” sabi niya rito. Nagsinungaling na lang siya dahil ang totoo ay nadismaya na siya. Siguro ay talagang sa ibang pagkakataon na lang sila magkakasam
DAHIL nga may mga damit pa naman siyang naiwan sa condo ni Lawrence ay hindi na kinailangan pa ni Asha na umuwi para lang magbihis. Isa pa, alam din naman ng Daddy ni Lawrence na doon siya natutulog paminsan-minsan at hindi naman ito nagagalit. Idagdag pa na mas natutuwa pa nga ito at palaging sinasabi na gusto na nitong magkaapo.Naglinis lang siya ng katawan niya sandali at pagkatapos ay nagbihis na at habang nasa harap ng salamin ay bigla na lang lumapit si Lawrence sa kaniya at niyakap siya mula sa kanyang likuran. Ipinatong nito ang baba sa kanyang balikat at pagkatapos ay hinalikan siya nito doon. “Asha…” mahinang tawag nito sa pangalan niya.“Hmm?” kaswal na sagot niya naman haban nakatingin dito sa salamin.“Sobrang namiss talaga kita, alam mo ba yun?” mahinang tanong nito sa kaniya.Natawa na lang siya. “Ano ba yang pinagsasabi mo? Isa pa, bitawan mo nga ako. Akala ko ba ay aalis tayo?” tanong niya rito at pilit itong itinutulak ngunit hindi siya nito binitawan.“Miss na miss
APAT na buwan ang mabilis na lumipas. Dahil na nga rin naging busy si Asha sa kanyang pag-aaral ay hindi na nila napag-usapan pa ni Lawrence ang tungkol sa kanilang relasyon lalo pa at naging busy din naman si Lawrence sa mga trabaho nito. Ang totoo nga ay halos isa o dalawang beses na lang sila magkita sa isang linggo at kung minsan ay hindi pa sila nagkikita. Nag-uusap naman sila sa cellphone kahit papano.Hindi na rin siya napilit nito na sa mansyon o sa condo nito siya tumira dahil mas pinili niyang sa sarili niya na lang condo pumirmi dahi mas malapit din naman talaga iyon sa university. Malapit na rin naman ang kanilang graduation, sigurado siya na kapag naka-graduate na siya ng tuluyan ay pipilitin na siya ni Lawrence na tumira sa condo nito.Sa nakalipas na mga linggo ay naging hectic pareho ang schedule nila at napag-usapan nila na susunduin siya nito sa university paglabas niya. Isa pa, palagi rin itong umaalis ng bansa para asikasuhin ang ilang mga bagay.Paglabas niya pa l