แชร์

Chapter 10

ผู้เขียน: Lirp49
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2024-09-16 20:33:59

MATAPOS makalabas sa eskenita ay kinausap ni Zia ang dalawang kasamang bodyguard. "Pwedeng makisabay sa inyo? Babalik na 'ko sa airport."

"Wala pong problema, Ma'am."

"Sige po, Ma'am."

Magkasabay na tugon ng dalawa. Nang nasa loob na ng sasakyan ay tinawagan ni Zia ang kapatid.

"Nakauwi ka na ba?" tanong ni Chris mula sa kabilang linya.

"Oo, kararating ko lang," tugon ni Zia.

Ang mga kasamang bodyguard ay pasimpleng tumingin sa kanya sa walang kaabog-abog na pagsisinungaling.

"Kuya, may nakalimutan akong sabihin kay Shiela. Pakibigay ang cellphone at pakausap sa kanya."

"Anong gusto mong sabihin at ako na lang ang magsasabi," ani Chris.

"Gusto ko siyang makausap, Kuya."

Isang pagod na buntong-hininga ang pinakawalan ni Chris mula sa kabilang linya. "Sige, sandali at pupuntahan ko lang sa kwarto."

Ilang sandali pa ay kausap na ni Zia sa kabilang linya ang hipag, "Hello, Shiela. 'Wag kang papahalata kay Kuya, okay? 'Yung pinakiusap mo sa'kin nagawa ko na. Mabuti ang kalagayan ng kaibiga
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (4)
goodnovel comment avatar
josie Parairo
ok lmg nmn un at least stress dun nmn din sya habulin ni chris dhil iba p rin c shiela at tingin ko dun s irene may attitude
goodnovel comment avatar
Sasaki Yuzuki
more update plss
goodnovel comment avatar
Mayfe de Ocampo
omg start na ng problema mo chris, kawawang shiela umaasa ng buong pamilya peru iba nsa isip ni chris
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 38

    ISANG mahabang katahimikan ang namayani sa kanila matapos iyong sabihin ni Patricio.Napatingin si Archie sa Ina at kita niya ang lungkot sa mga mata nito. Sunod naman niyang tiningnan si Jewel na nananahimik sa kinauupuan, ang tingin ay nasa sahig.Mayamaya pa ay nag-angat ito ng tingin at nagtama ang mata nilang dalawa pero awtomatiko itong umiwas, tinatago ang mukha pero huli na para roon.Hindi nakaligtas sa paningin ni Archie ang mugto at namumula nitong mga mata. Kaya sa halip na maupo sa tabi ng magulang ay pumuwesto siya malapit sa kinauupuan ng dalaga.Habang nag-uusap ang matatanda ay pilit naman niyang kinukuha ang atensyon nito. Gumagawa ng paraan para makausap pero hindi siya pinapansin ni Jewel.Para siyang hangin na nararamdaman at naririnig pero hindi nakikita. Mabuti sana kung napaayos niya ang phone para may paraan para makausap ito kahit sa message lang."Jewel..." mahina niyang tawag dito. Paulit-ulit niya iyong ginagawa pero hindi talaga siya magawang tapunan ng t

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 37

    NAGLAKAD palapit si Patricio saka sinabi ang nais na mangyari, "Ang gusto ko ay pakasalan mo ang anak ko."Hindi lang si Jewel at Archie ang nabigla sa sinabi nito dahil maging si Jian ay nagulantang. Hindi ito ang inaasahan niyang mangyari.Ang nais niya ay mapagalitan ang kapatid at pagbawalan ng makipagkita kay Archie hanggang sa tuluyang maghiwalay ang dalawa.Noon pa man ay gusto na niya ang binata pero hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na mapalapit dito. Siya dapat ang ka-blind date at magiging girlfriend pero sinalo iyon ni Jewel dahil wala siyang mga panahon na iyon. "D-Daddy, baka naman pwedeng huminahon ka muna," aniya sa ama. "Masiyado pang maaga para ipakasal mo si Jewel."Tumango-tango naman si Archie, sang-ayon sa sinasabi nito saka tiningnan ang ama. Umaasang sasalungat ito sa gustong mangyari ni Patricio ngunit umiwas lang ito ng tingin.Hindi man sang-ayon si Chris sa nais nitong mangyari ay mas gugustuhin na lamang niyang iyon ang maganap. Ang makasal ang anak para

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 36

    TILA isang gadget na nag-malfunction si Jewel sa narinig. Tuloy, nabigla at nagtaka ang grupo ng mga babae napagtanungan niya."A-Ayos ka lang, Miss? Hindi mo ba boyfriend 'yang kasama mo?" tanong ng isa sa mga ito.Nilingon muna niya si Archie bago sumagot, "B-Boyfriend."Medyo natawa ang babae. "Bago lang ba? Ayos lang 'yan, magpapahinga lang naman kayo. Saka, tulog na tulog, o. Walang mangyayari."Tumango-tango na lamang si Jewel saka nagpasalamat. Pagkaalis ng grupo ay may napagtanto siya. Kulang na lamang ay pukpukin ang ulo. "Ba't hindi ko 'yun agad naisip?!" Pagkatapos ay hinalughog ang bag, hinahanap ang phone pero... wala! "Nasa'n na 'yun?!" Nasa puntong babalik na siya sa bar nang mapansin na tila may umiilaw sa loob ng sasakyan ni Archie. Pagsilip...Ayon. Nasa ibaba ng upuan ang phone niya, marahil ay nahulog kanina.Napadaing siya sa inis. Kaya ang sunod niyang ginawa ay hinagilap ang phone ni Archie na nakuha niya sa bulsa. Pero...May crack na ang screen at ayaw mag-on.

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 35

    HINIHINGAL na tumigil si Chantal, animo ay tumakbo siya ng pagkalayo-layo. Matapos ay nilingon ang pinanggalingan kahit pa hindi naman makikita ang banyo sa kanyang puwesto.Wala man lang kaide-ideya na nasa malapit si Felip, nakatanaw.Nang ibalik ang tingin ay nabigla pa si Chantal ng makita ito. "K-Kanina ka pa ba riyan?" Habang naglalakad palapit.Umiling si Felip. "Pupuntahan na nga sana kita. May nangyari ba?" Dahil pansin niya ang pamumutla nito, tila naka-encounter ng hindi maganda.Napakurap si Chantal sabay iwas ng tingin. "W-Wala, may narinig kasi ako kaya, a'yon, natakot bigla." Sabay tawa para itago ang katotohanan."Sila Archie ba, hindi mo napansin?"Tinuro ni Chantal ang direksyon patungo sa banyo. "Sa restroom. Tara, nagugutom na 'ko," aniya sabay hila sa kamay nito pabalik sa dining area at nagpatianod naman si Felip."Sina Archie at Jewel?" tanong naman ni Chris matapos bumalik ang mga ito."Nando'n pa, 'Pa," tipid na sagot ni Chantal.Matapos ay isang mahabang kata

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 34

    MATAPOS ay parehong natahimik ang mag-asawa... iniisip ang mga anak."Akala ko pa naman, magiging normal ang buhay pag-ibig ng mga bata... Kasing gulo rin pala ng sa'tin," ani Shiela."Napapaisip naman ako kay Chantal... Nabanggit ni Felip na pinaplano niyang manirahan abroad dahil nagpo-focus na siya sa negosyo nila sa States.""Bakit ngayon mo lang ito sinabi sa'kin?" mahihimigan ang pagtatampo sa boses ni Shiela."Plano pa lang, hindi pa rin naman niya nasasabi kay Chantal.""Kapag nalaman 'to ni Archie, paniguradong magkakagulo na naman," ani Shiela."Kaya nga dapat na hindi niya malaman."MALALIM na ang gabi pero katatapos pa lamang ni Felip na mag-shower dahil late na siyang nakauwi. Habang nagpupunas ng basang buhok ay napatingin siya sa asawa na natutulala sa kama, nakatingin sa labas ng bintana."Ayos ka lang ba?"Napalingon si Chantal at ngumiti ngunit hindi naman umabot sa mga mata ang tuwa. "Medyo napagod lang ako, ang dami namin pinuntahan ni Mommy," tukoy kay Yolanda.Na

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 33

    NATIGILAN si Jewel matapos iyong marinig, mababanaag sa kanyang mukha ang kalituhan at pagkabigla. "N-Nasisiraan ka na ba?!" hindi niya napigilang isatinig.Nais nitong totohanin ang pagpapanggap nilang magkarelasyon?!"Seryoso ako," ani Archie.Nasapo na lamang ni Jewel ang noo, nasi-stress sa pinagsasasabi nito. "Sa tingin mo ba'y masusulosyunan ang--""I don't care, ang mahalaga lang sa'kin ay ang result."Mas nadepina ang kunot sa noo ng dalaga. "Anong result ang sinasabi mo?""Ano bang gusto mong kapalit?" sa halip ay balik tanong ni Archie."Wala.""Are you sure? Magbe-benefit sa'yo ang pakikipagrelasyon sa'kin.""Nababaliw ka na ngang talaga," anas niya at ilang sandali pa ay napaisip. "Sige, kung anong gusto mo." Hindi maamin na may punto ito, malaking tulong sa kanya kung tototohanin nila ang relasyon kahit kunwari lang. Matutuwa ang magulang kapag nalaman ng mga ito na boyfriend niya si Archie. "Pero ayoko ng gulo, baka sugurin ako ng dati mong fiancee, mahirap na." Hindi na

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status