EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)

EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)

last updateLast Updated : 2025-07-01
By:  RIDA WritesUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
37 ratings. 37 reviews
306Chapters
85.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

‼️ Warning : R-18 SSPG ‼️ Velora Venice, mabuting empleyada sa Solara Essence. Sa kabila niyon ay mayroon silang lihim na kasunduan ng kanyang boss na si Dewei Hughes. Isang araw sa piling ni Mr. Dewei Hughes, singkwenta mil ang ibinabayad nito sa kanya. Pangdagdag sa pang-dialysis ng kanyang kapatid at para sa gastusin nila sa bahay. Inalok siya ng boss niya ng isang gabing pagt@t*lik at babayaran siya ng malaking halaga. Pumayag din siyang maging isang exclusive escort ng isang mayamang estrangherong lalaki. Ginawa ni Velora ang magsakripisyo para mabuo ang malaking halagang kailangan sa kidney transplant ng kanyang nakakababatang kapatid na si Vanna.

View More

Chapter 1

01

⚠️ Warning: R-18 ‼️ There are some words that may not be suitable for young readers.

"V, tawag ka ni manager," sabi ni Marisol kay Velora.

Kasalukuyang, naglalagay ng make up si Velora sa mukha nang pumasok sa loob ng kanyang cubicle si Marisol. Ang kanyang baklang kasamahan sa club. Napatigil siya at napalingon kay Marisol.

"Sabihin mo kay manager, susunod na ako."

"Bilisan mo at baka mainip ang customer na naghihintay sa'yo. Alam mo, bakla, rinig ko, ha. Madatung! Mayaman at guwapo!" Tumitili pang sabi ni Marisol kay V.

"Wala akong pakialam kung guwapo siya. Ang mahalaga sa akin ay kung may pera. Baka mamaya niyan barya barya lang ang ibigay sa 'king tip. Sayang lang ang oras ko d'yan."

"Promise, galante daw 'to. Makapal nga ang bulsa at hindi mo pagsisihan. May pangdagdag ka na para sa kidney transplant ng kapatid mo."

Parang biglang lumaki ang butas ng tenga ni Velora sa narinig. Kailangan na kailangan niyang makaipon para sa kidney transplant ng kanyang kapatid. Kulang kulang nasa 25 million pesos ang kakailanganin niya para sa transplant. Bukod pa d'yan ang three times a week na dialysis nito na tig-six thousand pesos per session. Kaya doble kayod si V para matutusan ang pagpapagamot ng kanyang kapatid. Daig pa niya ang makina kung kumayod. Sa umaga, nagtatrabaho siya sa kompanya at sa gabi ay sa club. Hinahati niya ang mga oras niya para mayroon pa siyang panahon upang makapagbantay sa kanyang kapatid.

Nagtatrabaho si V sa isang malaking kompanya sa araw at pagsapit ng alas syete ng gabi ay nasa club siya hanggang alas dose ng madaling araw. Hindi siya puwedeng lumampas sa oras niya. At bawat segundo ay napakahalaga sa kanya, kaya dapat hindi nasasayang.

Ang kapatid na lang niya ang kasama niya sa buhay at hindi niya kayang mawala si Vanna.

"T^ngn@ mo, Marisol! Kapag hindi totoo 'yan sinasabi mo, kukunin ko ang isang gabi mong kita..."

Napalunok si Marisol at napaatras sa takot. "Hoy, V! Sobra ka naman. Mas malaki ang kinikita mo kesa 'kin. Pag-iinteresan mo pa ang kakarampot kong kita gabi gabi. Kaloka ka! Makaalis na nga. Bilisan mo, naghihintay si manager!" Pahabol pa na sigaw ni Marisol saka lumabas ng cubicle ni V.

Natatawa na lang ang dalaga sa reaksyon ni Marisol. Parang binibiro lang niya ang bakla, kumagat naman kaagad. 'Di na siya magtataka dahil sa lahat ng nagtatrabaho sa club ay iniilagan siya. Dahil sa sobrang prangka at may matapang na personalidad. Hindi naman siya papayag na basta na lamang siyang tapak tapakan ng kung sino sino. Kahit pa ganito ang uri ng kanyang trabaho. Taas pa rin ang noo niyang naglalakad sa kalsada.

Ang kanyang golden rule, no touchi at hindi puwedeng all the way. Puwede siyang magpatable o magpahalik sa pisngi. Mahigpit niyang ipinagbabawal ang halikan siya sa labi. Masyadong mahal ang presyo niya. Ngunit, masisiyahan naman ang kahit na sinong mga customer ang magiging kasama niya sa loob ng limang oras niya sa club.

Tapos na siyang mag-ayos. Red lipstick ang kanyang pinaka-final touch. Walang nakakaalam na nagtatrabaho siya sa club. Ayaw din niyang may makaalam, lalo na ang kapatid niya.

Itinaas pa niya ang laylayan ng kanyang fit na fit na black dress at pinausli ang puwet. Saka ibinaba pa ang neckline ng suot para mas lumitaw ang kalahati ng kanyang mayamang mga dibdib.

"Perfect!" Usal niyang may malanding ngiti sa labi.

"MAUPO ka, V." Utos ni manager sa kanya. "May nagrequest sa'yo. Personal request ka niya sa loob ng isang linggo. Ang gusto niya sa condo niya at hindi dito sa club."

Nagulat siya sa tinuran ni manager Rosenda. "Tinanggap mo, manager?" tanong niya na medyo napataas ang tono ng boses.

"Natural! Pera na, eh. Binayaran na niya ako ng advance sa commission ko. Five hundred thousand para sa unang gabi."

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig na ibiniyad sa manager nila ng customer. Ganoon kalaking pera? Sino naman kaya ang galanteng customer na 'yon? Mga tanong niya sa isip.

"Five hundred thousand pesos ang ibinayad niya sa inyo? Buo ba?"

Mabilis na tumango si manager. "Kaya nga hindi ko na pinalampas. Pareho tayong kikita dito, V. Ang pakiusap niya, pasayahin mo daw ang kaibigan niya. At kung magustuhan ka ay kukunin niya ang serbisyo mo ng isang buwan," lagpas sa mata ang ngiti na sagot ni manager na mas lalo niyang kinatakhan.

"Para namang nakakapang-duda ang taong 'yan. Ayokong sumabit, manager. Baka mamaya pakitang gilas lang ang paglabas niya ng pera."

"Hindi ang customer na nagbayad sa akin ang magiging kasama mo ng isang linggo. Malaki ang ibabayad niya sa'yo kapag nagustuhan niya ang trabaho mo. Baka nga magresign ka na bilang star ng club ko 'pag natanggap mo buong bayad."

Kailangan niya ng pera pero iyong sa labas ng club ay labas sa kanyang rules.

"Magkano naman ang ibabayad niya sa akin, kung sakaling magustuhan niya ang trabaho ko?" Untag ni V.

"Thirty million..."

Nanlaki na naman ang mga mata ni V nang marinig ang napakalaking halaga ng ibabayad sa kanya. Mapapagamot na niya ang kapatid niya at hindi na niya kailangan na magpakahirap mag-ipon para sa transplant ni Vanna.

"Ganoon kalaki? Thirty million pesos... sobra naman ata para sa isang linggong serbisyo ko."

Napataas ang gilid ng labi ni manager sa tinuran niya.

"Thirty million sa loob ng isang buwan. Pero alam ko na magugustuhan niya ang performance mo. Kaya galingan mo. Isa pa, kailangan mong sumiping sa kanya. Ikaw ang ibinigay ko dahil kailangan na kailangan mo ang pera para sa kapatid mo. Malaki ang ibabayad niya sa'yo dahil virgin ka pa," sabi nito.

Hindi siya pumapayag na sumiping sa kahit na sinong lalaki. Kahit na ganito ang uri ng trabaho niya ay maipagmamalaki pa rin niya sa lahat na virgin pa siya. Iyan ang hinding hindi niya kayang ibigay sa mga naging customer niya, ang kanyang pinakaiingatang puri.

"Alam mo naman ang patakaran ko. Kaya, paano mo tinanggap ang offer na pera?"

"Ang sa akin ay kikita ako at empleyado kita dito sa club ko. Isang linggo o isang buwan lang naman, V. Patusin mo na. Sayang din ang thirty million. Hindi mo iyan makukuha sa isang buwan mo dito sa club." Pangungumbinsi ni manager.

"Pero, 'di ko kaya ang ipinapagawa mo, manager. Hindi ako nakikipag-s^x sa mga lalaking customer. Alam mong ayoko ng ganyang klaseng trabaho. Kung hindi lamang dahil sa kapatid ko ay 'di naman ako magpo-pókpòk dito sa club," rason ni V. May prinsipyo pa rin siya sa buhay.

Naniniwala pa rin siya na dapat maging birhen ang babae hanggang sa araw ng kaniyang kasal. At tanging sa lalaking handa siyang pakasalan ibibigay ang kanyang sarili.

"Sunggaban mo na. Kalimutan mo na ang prinsipyo mong 'yan. Mas mahalaga ang buhay ng kapatid mo. Ipaligo mo lang pagkatapos. Saka, hindi ka naman niya makikilala. Hanggang ngayon wala pang nakakilala kay Queen V. Sayang din 'to," pamimilit ni manager para kagatin ni V ang offer.

Oo, thirty million pesos na 'yon. Pero ang kapalit ay ang kanyang puri. Wala na siyang itinira para sa sarili niya kung gagaya siya sa mga kasamahan niyang nagbebenta ng katawan. Ayaw niyang babuyin siya ng kung sino sinong lalaki. Mahalaga pa rin sa kanya ang kanyang dignidad at dangal.

"Pero, manager. Importante pa rin po sa akin na malinis ako sa araw na ikakasal ako. Magiging hindi na rin ako iba sa mga kasama ko dito sa club, mga babaeng mababa ang lipad."

"Ayaw mo bang makaalis dito sa club ko? Pagkakataon mo na 'to para makaahon. Velora, pag-isipan mo itong maigi. Bibigyan kita ng tatlong araw para mag-isip. Natanggap ko na rin ang advanced payment. Sa oras na tumanggi ka, ipapasara niya ang club ko. Ako, walang problema. Pero ang mga kasama mong sinasabi mong mababa ang lipad, mawawalan silang lahat ng trabaho."

Natahimik si V. Hindi niya alam kung anong isasagot sa sinabi ni manager. Wala na rin siyang choice, kailangan niyang tanggapin ang offer kesa masara ang club. Parang 'di kaya ng konsensiya niya na marami ang madadamay sa pagtanggi niya.

"P-Pag-iisipan ko...." napipilitang tugon niya saka mariing napalunok.

Napangiti si manager. Kinuha ang isang bungkos ng pera. "One hundred thousand 'yan, sa'yo na 'yan. Puwede ka ng umuwi sa inyo at pag-isipan mong maigi ang desisyon mo. Bumalik ka dito sa club kapag desidido ka na. Tandaan mo, Velora, tatlong araw lang ang ibinibigay ko sayo para makapag-isip."

Marahang tumango si V. Tinanggap ang isang daang libong piso mula sa paunang bayad sa kanya. Tumayo siya at dahan dahang naglakad palabas ng opisina ni manager.

Nang makalabas si V ng opisina ay nag-ring ang phone ni manager.

"Did she accept it?" Bungad na tanong ng nasa kabilang linya.

"Hindi pa po, sir. Pero alam kong tatanggapin po niya ang inaalok ko sa kanya."

"Make it sure, Rosenda. Dahil kung hindi pati ikaw ay hindi na masisilayan ang sikat ng araw. Mabubulok ka sa kulungan at ipapasara ko ang mga negosyo mo!" Madiing babala ng lalaking nasa kabilang linya.

Nanlalaki ang mga mata ni Rosenda at nanginig ang kanyang mga kamay sa sobrang takot.

"Sir, 'wag niyo naman po akong takutin."

"Hindi kita tinatakot, Rosenda. Gawin mo ang ipinapagawa ko sa'yo at siguraduhin mong papayag si Velora." Pagkasabi niyon ng lalaki ay kaagad na pinatay nito ang tawag.

Nailapag ni Rosenda ang kanyang phone sa ibabaw ng lamesa at pinunasan ang butil butil ng namuong pawis sa kanyang noo.

Kailangan niyang mapapayag si V dahil kung hindi ay mawawala lahat ang pinagpaguran niya.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

10
100%(37)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
37 ratings · 37 reviews
Write a review
user avatar
RIDA Writes
Si Zander po ang nag-iisang anak nina Len Santos at Alex Santos. Iyong pamilyang kumupkop kay Vanna noong maysakif pa siya. Si Ate Len po na tawag ni Velora, ang nag-alaga kay Vanna noon... 🫶
2025-07-01 13:42:10
0
user avatar
Rissa Bien
Ang sarap basahin ng story. Ang ganda po
2025-06-29 05:35:27
1
user avatar
RIDA Writes
Para po sa mga nagbabasa...🫶 Book 1 : Dewei and Velora - Completed Book 2: Jai and Aster - Completed Book 3: On-going
2025-06-22 11:25:40
0
user avatar
Wellma Ancuna
lhat Ng story mo walng mnlng natapos tapusin m mna bago k gumawa Ng panibago
2025-06-14 10:59:12
0
user avatar
RIDA Writes
Happy 70k views 🫶 Maraming, maraming salamat po. Happy reading and love lots 🫶
2025-06-11 12:49:16
0
user avatar
RIDA Writes
Happy 60k views 🫶 Maraming, maraming salamat po, dear readers... Happy reading and love lots, RIDA Writes 🫶
2025-06-04 15:32:42
0
user avatar
RIDA Writes
Happy 50k views ... Thank you po ng maraming, marami... Happy reading and love lots, RIDA Writes 🫶
2025-05-28 14:48:16
1
user avatar
RIDA Writes
May update na po. Happy reading and love lots, RIDA Writes ...️🫶
2025-05-25 18:50:02
1
user avatar
RIDA Writes
Happy 40k views 🫶 Maraming, maraming, maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa. Happy reading and love lots, RIDA Writes 🫶...
2025-05-22 15:56:25
0
user avatar
RIDA Writes
Happy 35k views. Maraming, maraming salamat po sa pagbabasa. Happy reading and love lots, RIDA Writes 🫶
2025-05-17 16:26:21
1
user avatar
Snobsnob
Before ko magstart magbasa, ask ko lang kung isang story lang ba to na ongoing or may ibang stories din dito sa book? thanks.
2025-05-17 14:46:29
1
user avatar
peneellaa
highly recommendeddd, basa na!
2025-05-16 17:21:15
1
user avatar
BITUING GRACIA'S
ang ganda ng story
2025-05-16 07:15:33
1
user avatar
RIDA Writes
Happy 30k views..... Maraming, maraming salamat po sa pagbabasa 🫶
2025-05-15 07:07:50
1
user avatar
Lilian Alexxis
Napakagandang story
2025-05-12 12:26:03
1
  • 1
  • 2
  • 3
306 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status