Pagkamulat ng mata ni Ellaine ay napangiti nalang siya. She just had the worst nightmare ever! Ipinatapon raw siya ng Daddy niya sa Rancho nila Mico pagkatapos ang mas malala pa ay pinagkamalan niya raw si Mico na isang magsasaka! How embarassing is that? To think na mukha siyang taong grasa sa itsura niya sa panaginip! Good thing it's over!
Umupo siya mula sa pagkakahiga at tsaka nag-unat. Ang sarap talaga matulog sa malambot niyang pink na kama--- Wait!Napalingon siya sa kamay niya. Sinipat ang pink na bedsheet. Bigla siyang napabalikwas kaya naman nahulog siya sa kama. Sapo niya ang kanyang balakang habang tinukod ang siko sa may gilid ng kama. Kailan pa naging pink ang kama niya?!! Sa pagkakatanda niya, kulay pula ang kama niya! And as if on cue, biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nun ang lalaking hindi niya inaasahan!There he was! Mico Illustre, leaning against the door frame in his white shirt and kakhi shorts. "Gising ka na pala, bumaba ka na at kumain na." Pagkasabi nito niyon sa kanya ay umalis na ito at bumaba na. Hindi siya namamalikmata! She just saw Mico Illustre! Meaning, hindi siya nananaginip all along!"OH MY BLOODY HELL!" Sigaw niya at tsaka nag-dive sa kama at ibinaon ang ulo sa ilalim ng unan. This isn't happening!Pilit niyang inilalagay sa isip niya na hindi totoo ito. Na, kasama parin ito sa isang bangungot. Pero hindi, dahil ilang beses na niyang kinurot at sinampal ang sarili at paulit-ulit narin siyang nasaktan. Wala siyang choice kaya bumaba narin siya sa kusina dahil gutom na gutom na talaga siya. Humarap muna siya sa salamin at nagulat nalang siya nang mapansing iba na ang suot niya! She's wearing an orange shirt and a shorts. Napasigaw siya at nagmadaling bumaba sa kitchen. There he saw Mico sitting at one of the chairs, exchanging laughters to some guys while eating.She called his attention as she stiffled a fake cough. Natigilan naman ang mga ito sa pagtatawanan at tinignan siya. "Umupo ka na, Ellaine. I'm sure nagugutom ka na." Nakangiting sabi nito sakanya. "Sino'ng nagpalit ng damit ko?!" Bulyaw niya agad rito. "At bakit ito ang ipinasuot ninyo sa'kin. Oh my God! Ang cheap!" "Huwag ka ngang sumigaw sa harap ng pagkain." Sermon sakanya ni Mico. "Wala akong pakealam! Sagutin mo ang tanong ko!" Sigaw niya.Huminga ng malalim si Mico trying to control himself. He apologized sa mga taong kasama nito sa hapag pagkatapos ay tinignan siya. "Huwag kang mag-alala, isa sa mga babaeng katulong ang nagpalit sa'yo. Naka-lock ang mga bagahe mo kaya pinahiram ka muna ng damit ng isa sa mga katulong rito."Napanganga siya sa sinabi nito. She's wearing the maid's clothes?!"Huwag ka nang mag-inarte at hindi ka naman mamamatay sa mga damit na iyan. Mamamatay ka sa gutom kaya kumain ka na." Sabi ni Mico. "Who are they?" Taas-kilay na tanong niya kay Mico. "Mga trabahador ko sila. Nag-harvest kami ng mga gulay at pagod at gutom na kami kaya sumabay ka nang kumain." Paliwanag ni Mico. "What? They're workers! Bakit ka sumasabay sa mga taong pinapasweldo mo?!" Gulantang na tanong niya rito. Bakit nito hinahayaang sumabay sa pagkain sakanya ang mga trabahador nito?! His eyebrows were pulled together. "Ano'ng masama kung sumabay sila sa'kin kumain?""They're just workers! Wala silang karapatan para sumabay sa amo!" Tumayo ang isang babae na ngayon niya lang napansing naroon pala. Sorry naman, mukha kasi itong lalaki. Maikli lang kasi ang buhok at nakapandamit na lalaki. "Tama si Ellaine, Mico. Salamat nalang sa pagkain. Tara na!" Aya nito sa mga lalaki."Sino ka para tawagin lang ako sa pangalan ko?! You should address people right! Boss mo si Mico, and also we are not close to be calling each other in first name basis!" Mataray na sabi niya rito. Napayuko lang ito at aamba na sanang umalis nang bigla itong pigilan ni Mico. "Umupo ka na, Hannah. Pagpasensyahan ninyo si Ellaine, kagagaling niya lang kasi sa pagkahimatay at gutom kaya medyo wala pa sa huwisyo ang makitid niyang utak."She was shocked at what Mico said. Siya? Makitid ang utak?! Aba! "Walang aalis, Ellaine. Umupo ka na kung gutom ka na. Kung ayaw mo, umalis ka na." Mariing sabi ni Mico bago makipag-usap ulit sa mga kasama. Napanganga nalang siya rito. Pinahiya ba siya nito sa harap ng mga trabahador nito?!Umirap siya at mabilis na umakyat ulit sa kwarto niya. Mabilis niyang ini-lock ang kwarto niya at nagmukmok roon. ------Kanina pa hinihimas-himas ni Ellaine ang kumukulong tiyan. Pasadong ten o'clock na pero wala parin siyang kinakain. Nakakainis kasi si Mico eh! Kung hindi sana siya nito sinalungat, at pinaalis nalang sana niya iyong mga trabahador niya edi sana busog na siya ngayon!Gustong-gusto niya nang bumaba pero nananaig ang pride niya!Tumayo siya at dahan-dahang idinikit ang tenga sa pinto. Wala naman siyang naririnig na indikasyon na may tao. Kaya mabilis niyang pinihit ang door knob at sumungaw para tignan kung may tao ba o wala. It's twelve o'clock at hindi na niya mapigilan ang gutom kaya naman napagdesisyunan niyang bumaba sa may kusina. Twelve naman na kaya siguradong tulog na ang mga tao. Tutal, wala namang night life rito sa lugar na ito dahil puro kuliglig na ang naririnig. Hindi na niya binuksan ang ilaw dahil baka may magising pa siya. Binuksan niya ang ref at may nakitang mga ulam roon sa loob ng mga tupperware. Pero may problema siya dahil she doesn't know how to use the microwave. Baka pasabugin niya lang ang hacienda, idemanda pa siya ni Mico. Hindi naman siya kumakain ng lamig. Kaya naman napagkasya niya nalang ang sarili sa nakitang cereal at fresh milk. Kumuha nalang rin siya ng isang mansanas at saging. Kumuha siya ng mangkok, kutsara at baso at inilapag ang mga iyon sa counter top. Umupo siya sa isang high stool, at nagsimula nang lantakan ang kauna-unahang pagkain niya sa isang araw. Well technically, twelve na kaya panibagong araw na. So meaning, hindi pala siya kumain kahit isang butil ng kanin kahapon!Pinanggigilan niya ang cereal niya thinking that it's Mico's face. Ito ang may kasalanan kung bakit gutom na gutom siya ngayon eh!Grabe! Naubos niya ata ang cereal sa box. Well, bawas naman na ito nang kunin niya. Pero ganun nga siguro siya kagutom. Hindi pa siya nakuntento dahil may mansanans at saging pa siyang nilantakan. "Ah! Sarap!" Bulong niya sa sarili niya. Umalis na siya sa pagkakaupo. Now she can sleep peacefully. Paakyat na sana siya nang may biglang magsalita. "Hindi mo ba liligpitin ang pinagkainan mo?" And then the lights were turned on at nagulat siya dahil naroon si Mico sa may switch ng ilaw. "The maids will do it." She shrugged at tatalikod na sana nang magsalita nanaman ito. "Tulog pa ang mga maids. Ligpitin mo ang pinagkainan mo." Utos nito sakanya. "Kaya nga may maids 'di ba. Para saan pa at pinapasweldo sila." "Exactly. Hindi naman ikaw ang nagpapasweldo sakanila, kaya ano'ng karapatan mo para umasa sakanila?" She was taken aback. Naningkit ang mga mata niya at tinitigan ito. Hinihintay niyang magsabi ito na nagloloko lang ito pero nanatiling seryoso ang mukha nito. Is this really the Mico she knew?Inis na bumalik siya sa pinagkainan at padabog na inilagay ang mga iyon sa lababo. Itinapon niya ang mga kalat niya sa basurahan. Pagkalagay ng pinagkainan niya sa lababo at aalis na siya sana nang tumikhim nanaman si Mico. "ANO NA NAMAN?!" Sigaw niya rito. "Hugasan mo ang mga pinagkainan mo." Malumanay na utos nito. "What?" Di siya makapaniwala sa inuutos nito sakanya. "Bingi ka ba? Ang sabi ko huga-""You don't have to repeat it! Naintindihan ko, but what? I am not going to wash them. Masisira ang nail polish ko!" Kumunot naman ang noo ni Mico. Huminga ito ng malalim at walang sabing hinatak siya sa braso at hinarap sa lababo. "Wala akong pakelam diyan sa mga daliri mong may kulay, hugasan mo ang mga iyan at lalanggamin.""I don't know how to!" "Seriously, Ellaine! Ano ba ang pinaggagagawa mo sa buhay?!" Naiinis na tanong nito. Miski siya nainis sa tanong nito. "None of your fucking business."Mukhang napatid din ang pasensya nito. "Tama ka. But from right this moment, everything you do is my fucking business.""You are not the boss of me!""Hugasan mo na iyan!" Sigaw nito sakanya. Wala siyang choice kaya hinugasan nalang niya ang mga pinagkainan. Nang nililigpit na niya ito, inirapan niya si Mico na nakatingin siya. "Marunong ka naman palang maghugas eh.""Shut up."Lalagpasan na sana niya ito nang pigilin siya braso. "I expect you to be awake in six in the morning.""Are you kidding me?""Mukha ba akong nagbibiro?" Seryosong tanong nito. "Ano'ng gagawin ko ng six ng umaga?""We'll milk the cows.""Bakit ako kasali?! I am not a worker here!"Ngumisi ito na ikinatatakot niya dahil mukhang may balak ito. "Simula nang tumapak ka sa lupain ko, trabahador ka na rito.""Ano'ng pinagsasasabi mo?!""You have to work for your food and shelter. Buti nga libre na ang kuryente at tubig eh.""You're nuts! Babayaran kita kung yan ang gusto mo! But I'm telling you, I am not working!""Babayaran? Baka nakakalimutan mo, wala kang pera. You're accounts have been freezed, wala kang cash, wala kang cellphone at wala kang kotse. You obviously have nothing except for your expensive wardrobe na hindi mo naman makakain."Napipi siya sinabi nito dahil totoo. Her dad took away all of it. And she's fuming with anger!"You are not the boss of me!" She hissed. Lumapit ito sakanya that made her back off. Inilapit nito ang bibig sa may tenga niya. "Oh believe me, I am your boss now, sweetie."Mabilis na tinulak niya ito. "Don't call me that!"Ngumisi lang ito sakanya at humalukipkip. "What? Sweetie? Iyan naman talaga ang tawag ko sa'yo dati pa 'di ba?"She gritted her teeth. "Dati iyon, Mico! Maraming nagbago sa loob ng maraming taon. Alam mo naman siguro iyon, 'di ba? O baka nakakalimutan mo ang mga nangyari noon."Natigilan ito at biglang lumamlam ang mga mata na tila may naalala. She wanted to burst into tears nang makita niya ang naging reaksyon nito. Tumayo na ito at tumalikod na. Pero bago umakyat ay may sinabi ito. "Be up, at six am."Napahawak siya sa counter dahil tila nanghihina siya. Napapikit siya ng mariin habang inaalala ang mga nangyari noon. Hanggang ngayon, hindi niya parin iyon makalimutan. Hinding-hindi! Dahil siya lahat ang may kasalanan!Nakatulog nalang siya dahil sa pag-iyak.-------VOTE AND COMMENT!FOLLOWDear Diary,Naging kami na ni Mico ngayon! Sinagot ko na siya, ang saya-saya ko! Kaya lang.. napansin kong malungkot si Ellaine. Alam ko.. alam ko na nasasaktan ko siya ngayon. Pero ano'ng magagawa ko? I also love him. I'm sorry Ellaine."Dito? Dito ang getaway place mo?" Natatawang tanong ni Ellaine kay Mico. Sa rancho nito siya dinala nang sabihin nito sa harap ng maraming tao na 'kikidnapin' daw siya nito. Lumapit sakanya si Mico at niyakap ang bewang niya at pinakatitigan siya. "Alam mo ba noong umalis ka, sabi ko sa sarili ko na aangkinin kita by hook or by crook?"Napangisi si Ellaine. "So this your definition of by hook or by crook? Eh sumama ako ng kusa sa'yo." Biro niya rito. Piningot ni Mico ang ilong niya tsaka ay tumawa rin. Sobrang kaliyahan ang umaapaw sakanya sa tuwing naririnig ang malutong na tawa ni Mico. Tila ba'y wala na rin itong mabigat na dinadala katulad niya. And siguro sa loob ng walong buwan they learned how move on and let go, iyon nga lang hindi sa isa't-
"We are about to land in five minutes. Please check your belongings before going. Thank you for flying with us and welcome to the Philippines."Tumingin sa labas ng bintana si Ellaine at ramdam na niya na nasa Pilipinas na nga siya ulit. After eight months, she's finally home. She went to various countries including Korea,Taiwan,Japan and Europe kung saan na siya nag-stay. Nag-enjoy siya sa kanyang escapade at nakatulong nga itong pagso-soul searching niya dahil nahanap niya ang isang bagay na magpapakita ng totoong siya - ang pagpipinta. Actually, matagal na niya itong nahanap, it's just that hindi niya masyadong napagtuunan ng pansin. At heto nga at bumalik na siya ng Pilipinas para sa kanyang exhibit. Tinulungan siya ni Gelene - ang asawa ni Rex - para asikasuhin ang exhibit niya sa Pilipinas habang may inaayos pa siya sa Europe. Si Gelene pala ang ikinikwento ni Rex sakanya dati na mahilig rin sa art katulad niya. At isa itong sculptor kaya maraming kakilala ito para mapadali a
Alas tres na nang makarating si Ellaine sa kanilang mansion. Pagkababa palang niya ng sasakyan ay agad na dinaluhan siya ng mga kasambahay at iniakyat ang mga gamit niya sa kwarto niya. Sinalubong naman siya ng yakap ng kanyang Yaya Mildred. "Namiss kita, hija!" Wika ng kanyang yaya habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. Ngumiti siya rito at niyakap muli. Namiss niya rin naman ang kanyang yaya. "I missed you, Yaya." Sabi niya. Nang maghiwalay sila ng yakap ay nakita niya ang kanyang magulang na lumabas mula sa loob ng mansion. Tumakbo papunta sakanya ang mommy niya at mahigpit ring niyakap."I missed you, anak. Kami ng daddy mo." Bulong nito habang mahigpit siyang niyayakap. Hindi nalang siya umiyak dahil parang may bumara sa lalamunan niya. Tinapik naman ng Daddy niya ang kanyang ulo. "Halika na sa loob, gutom ka na siguro, hija." Tumango nalang si Ellaine at pumasok na sa loob. Tahimik lang silang kumakaing pamilya. Ang kanyang mommy naman ay nagtatanong tungkol sa pananati
Pagkauwi ni Mico galing Metro ay agad na hinanap ng kanyang mga maya si Ellaine. Pagkapasok niya sa hacienda ay halatang lahat ng tao roon ay tulog na. Sabagay, maga-ala una na nang makarating siya dito sa rancho.Kaya naman, minabuti niya nalang na umakyat sa kwarto niya. Pero tila may kung anong magnet ang nagtulak sakanya at dumiretso siya sa kwarto ni Ellaine. Binuksan niya iyon at sinilip ito. Dahan-dahan nalang rin niya na isinara ang pinto nang nakitang tulog na tulog si Ellaine. Pagkapasok ni Mico sa sariling kwarto ay agad na naligo siya at nagpalit ng damit. Tinutuyo niya ang kanyang buhok at naupo sa gilid ng kama nang mahagip ng tingin niya ang litrato ni Elisha. Natulala siya sandali.Maingat na kinuha ni Mico ang larawan ni Elisha at pinakatitigan. Bago siya umuwi ay dumaan talaga muna siya ulit sa libingan ni Elisha upang mamaalam. Hindi dahil sa kakalimutan niya na ito, kung hindi dahil sa mamamaalam na siya sa pagmamahal niyang matagal na palang wala. "Eli, mahal
"Ellaine! Ellaine!" Dali-daling lumabas ng study room si Ellaine nang marinig ang sigaw ng ate Elisha niya. "Ate?!" Tawag niya rito. Isang mahigpit na yakap ang binungad sakanya ng ate Elisha niya at nagtatatalon ito habang yakap-yakap siya kaya ang resulta'y pati siya ay napatalon narin. "Ellaine! My God! I'm so happy talaga!" Tili nito. "Teka-teka ate. Nahihilo na ako." Natatawang sabi niya rito. Kumalas naman ito at hinawakan siya sa magkabilang pisngi ng ate niya. "Guess what?" Masayang wika nito. Napangiti naman siya dahil talagang nakikita niya sa mukha ng ate niya na masaya ito. "Hmm.. ikaw ulit iyong top one sa block niyo?" Hula niya. Nangingiting umiling ito. "Hindi." Pakantang sagot nito. Nag-isip ulit siya. "Hmm.. I give up. Ano iyon?" Huminga ito ng malalim at tsaka siya binigyan ng isang matamis na ngiti. "Kami na ni Mico!" Tili nito. Nanigas si Ellaine sa sinabi ng ate niya sakanya. Ang ngiti niya ay unti-unting nawawala. Tila ba'y may isang malaking bombang
"Are you sure hindi ka sasama?" Tanong ni Mico. Umiling nalang si Ellaine. "Hindi na nga, Mico kulit." Kinurot niya ang ilong nito. Sinasama kasi siya ni Mico sa Metro. Luluwas kasi ito dahil may aasikasuhing trabaho roon. Tinanggihan nalang niya ang alok nito dahil mas gusto niya rito sa rancho. Tsaka nangako naman si Mico na babalik mamayang gabi.Dumukwang si Mico sa kanya at hinalikan siya sa labi. Sandali lang iyon kaya parang nabitin siya. "Sige, may gusto ka bang ipabili?" Tanong nito sakanya. Umiling ulit siya at yumakap sa leeg nito. "Basta umuwi ka mamayang gabi." Kindat niya rito. Natawa naman si Mico sakanya. Binuhat siya nito mula sa kinauupuan niya sa may verandah at tsaka kinandong siya ni Mico. "Parang ayoko tuloy umalis." Sabi ni Mico habang nakabaon ang mukha nito sa gilid ng leeg niya. Natatawa na siya nang bigyan na siya nito ng mga maliliit na halik sa leeg niya. "Mico! Sige na, umalis ka na." Taboy niya rito. "Hatid mo ko sa labas." Nakangiting lambing nit