GAYA NG KANYANG anunsyo ng umaga sa mga kasama, binisita ni Everly sa kanyang silid si Lizzy bandang tanghali. Suot pa rin niya ang kanyang white coat. Magalang na kumatok siya sa pintuan ng silid. Hindi siya basta pumasok doon dahil naisip niya na malamang ay baka may bantay ang babae ng sandaling iyon. “Tuloy…” boses iyon ng lalaki mula sa loob. Binuksan ni Everly ang pintuan matapos na ayusin niya ang kanyang sarili. Tumambad sa kanyang mga mata kung sino ang kasama ni Lizzy doon, si Lorenzo na may iba ng tingin agad.“Nabalitaan ko kung ano ang nangyari kay Lizzy nang nagdaang gabi—” Tumayo na si Lorenzo at sinalubong na si Everly. Alam niyang hindi sila good terms ng kapatid. “Hindi porket nabalitaan mo ay pwede mo na siyang bisitahin dito kung kailan mo gusto.” “Bakit? Masama ba? Narinig ko sa usap-usapan na binabanggit niya ang pangalan ko noong unconscious siya, kaya naisip ko na baka sakaling makatulong ako sa kanya kung sakaling—” “Please leave.” malamig ay may diin na
KULANG NA LANG ay lumuwa ang mga mata ni Lizzy nang makita niyang maputla ang mukha ni Everly na parang naaagnas, iyong tipong nangingitim na iyon. Basa ang buhok nito at hindi lang ang damit. Mukha siyang nakakatakot. Bumangon ba si Everly sa tubig? Paano siya nakatakas? Minumulto na ba siya nito dahil alam nitong siya ang nagpatumba sa kanya? Imposble rin iyon! Wala ng patay ang bumabalik para lang konsensyahin ang may gawa noon sa kanya at takutin.“Lizzy, give me back my life. Alam kong ikaw ang may kagagawan nito kung bakit ako namatay. Bakit mo ako kailangang ipadukot at ipatumba? Hindi ka na naawa. Makikipag-divorce naman ako, hindi mo kailangang gawin sa akin ang bagay na ito. Alam mong marami pa akong pangarap hindi ba? Paano na iyon ngayon, Lizzy? Paano na?” ini-unat pa ni Everly ang kanyang kamay, tila inaabot niya si Lizzy na sa mga sandaling iyon ay bakas na sa mukha ang labis na takot sa kanya.“H-Hindi, hindi ako ‘yun Everly…” nanginginig ang boses na sambit ni Lizzy na
NAGULANTANG NA DOON ang lalaki. Hindi ba dapat tumakas na ito ngayon pa lang? Bakit kailangan nitong palabasin na natuloy ang kidnapping kung hindi naman? Hibang na ba ito? “Pero kung sasabihin namin iyon, hihingan niya kami ng proof—” “Then bigyan natin siya ng proof. Hindi niyo naman siguro ako tatarantaduhin lalo na ngayon na alam niyo na kung ano ang kakayahan kong gawin sa buhay niyong lahat. Di ba na-picture niyo naman ako kanina? Hindi pa ba enough na proof iyon para maniwala siya?” “Kailangan pa rin natin pumunta ng beach.” turan ng lalaki na medyo nagpakutob ng kakaiba kay Everly, ano siya hibang? “Gaya ng unang plano. Kailangan natin magtungo dito.” Plano ba nitong gulangan siya? The seaside was their destination, they must have an ambush. Paano niya malalaman na nagsasabi sila ng totoo? Malamang ay marami silang kasamahan.“No, hindi ako sasama sa inyo sa beach. Kayo ang humanap ng paraan kung paano gagawin ang hiling ko. Pwede kayong gumawa ng ibang scenario na agad na
PANIGURADONG ILANG ARAW siyang minanmanan ng grupo at noong nakakuha sila ng pagkakataon na mag-isa na lang siya at lutang, saka sila kumilos. Naniniwala siya na ang grupo ay under ni Lizzy. Tatlong oras ang kanilang bubunuin upang makarating sa tabi ng dagat kung saan man siya nila planong lunurin. Iyong beach na iyon ay paniguradong ang family beach nina Lizzy na nasa bandang Camarines Sur. Sa loob ng tatlong oras na iyon, kailangan niyang makaisip ng paraan. Iginalaw niya ang kamay na nasa likod, biglang naging alerto ang katabi niyang lalaki na tiningnan siya ng masama at nag-check ng tali niya sa kanyang kamay. Palihim niyang pinindot ang relo na kanyang suot upang mag-send lang ng location niya kay Monel.‘What do you think of me? Gaya niyo na mga bobo?’ Mabagal ang naging takbo ng van paalis ng Legazpi. Ibinaling ni Everly ang kanyang mga mata sa labas ng bintana. Narinig niya ang munting halik ng mga kasama niya na tiwalang hindi niya magagawang makatakas dahil lang babae siy
NAPAKURAP NA LANG ng kanyang mga mata si Everly na naiwan na naman doong mag-isa. Sinundan niya iyon ng malalim na buntong-hininga. Bumalik sa kanyang isipan ang nangyari kanina sa hospital kung kaya naman bigla na naman siyang nawalan ng ganang kumain. Nagpasya siyang uubusin lang niya ang nasa plato niya at uuwi na rin. Gusto na niyang magpahinga. Isipin lang muli ang nangyari kanina na sagutan sa asawa ng pasyente at pagpunta nila ng police station ay napapagod na siya. Gusto na niyang ipahinga ang katawang lupa niya.“Sa sunod, makikinig na talaga ako kay Doctor Santibaniez.”Pagkalabas na pagkalabas ni Everly ng pintuan ng restaurant ay isang itim na van ang huminto sa kanyang harapan. Ang buong akala niya ay customer din sila doon, ngunit natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na nahawakan na ng lumabas ditong dalawang lalaki. Sa bilis ng mga pangyayari ay late ng nakapag-react ang kanyang katawan upang makahingi pa sana ng tulong. “Behave yourself, kung ayaw mong masaktan!”
HINDI NA MAITAGO ang gulat sa mukha ni Everly na sa halip na sermon ang sumalubong sa kanya, inuutusan lang siya nitong bumalik sa iniwan niyang trabaho? Seryoso ba ang head nila? Kung sa kanyang Lola niya iyon ginawa, paniguradong nasampal na siya upang magtanda siya. Tahimik na humakbang si Everly palapit sa table ni Dorothy. Baka nagkamali lang siya ng dinig.“Doctor Santibaniez, I’m sorry…”“It doesn’t matter. Lahat naman tayo ay pinagdadaanan ang ganitong stage ng buhay.”Nakikita pa rin ni Dorothy si Everly sa kanyang sarili noong bagong salta siya sa industriya kung kaya naman hindi niya masisisi kung gumamit man ito ng dahas upang may ipagtanggol lang. Sa una magiging ganito talaga ito, pero alam niyang sa pagdaan ng m