แชร์

Chapter 11 - Guilty

ผู้เขียน: Olivia Thrive
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-06-05 00:11:52

Nakahiga si Alexis sa sofa hindi na nag-abala pang magbihis mula sa shoot. Basa pa rin ang buhok niya, at nararamdaman na niya ang bigat ng katawan.

“Siguro ito na ‘yon. Magkakabalikan na sila. Hindi na kailangan ang pagpapanggap.”

Tumingin siya sa cellphone — low batt pa talaga ngayong gustong gusto niyang malaman ang update sa relasyon ni Ralph at Mica.

“Bakit kasi heto ka na naman at nagpapakatanga? Ang hilig mong umasa."

Ipinikit na ni Alexis ang mata.

Nagising si Alexis sa ginaw, hinihila ang kumot pero nanginginig pa rin. Nilalagnat siya. Pupunta sana sa kitchen pero nahilo.

Samantala, hindi mapakali si Ralph. Maaga siyang tumungo sa studio nila Alexis dahil hindi sila nagtagpo matapos niyang ihatid si Mica.

Dumiretso siya sa production office at tinanong kung naroon si Alexis.

“Sir, hindi po siya pumasok. May sakit daw. Nilalagnat yata. Low batt raw phone kagabi, di na rin naka-update sa amin.”

Napahawak si Ralph sa batok. Nanikip ang dibdib niya. Hindi siya sigurado kung gui
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 92 - It's Always You

    Habang unti-unting natatapos ang hapunan ni Ayesha sa dining table, tahimik na nagliligpit si Alexis ng mga plato. Sa tabi ng kusina, naroon si Ralph, may hawak na basong may tubig—tila inaantay ang tamang sandali para magsalita.“Lex…” mahinang tawag ni Ralph, nilalapitan siya sa lababo. “I know nakita mo ‘yung nangyari kanina sa opisina. Gusto ko lang na manggaling sa akin ang lahat.”Hindi agad sumagot si Alexis. Inayos muna niya ang huling plato sa dishwasher bago humarap. Hindi galit ang mga mata niya—pero may halong pagod at pagsusuri, parang sinusukat kung gaano niya kakayanin pa ang paulit-ulit na paglalagay ng kanyang asawa sa alanganing sitwasyon.Alam niyang wala si Ralph sa maling posisyon, pero hindi rin nawawala ang pangambang baka sa susunod, matisod na ito pagkakamali.“Nagulat din ako sa inasal niya,” tuloy ni Ralph, “Akala ko professional siya, pero clearly, iba ang pakay. I corrected her. I kept my distance even before. She never had a chance.”Napabuntong-hininga s

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 91 - New Threat

    Mula nang muling maayos ang lahat sa pagitan nila ni Alexis, mas naging maingat si Ralph sa lahat ng kilos at salita niya—lalo na’t hindi niya makakalimutan kung paano niya muntik masira ang tiwalang binuo nilang dalawa. Kaya nga sa bawat umaga, bago siya umalis ng bahay, humahalik siya sa noo ng asawa niya. At bawat gabi, uuwi siyang may dalang maliit na pasalubong o kwento para sa anak nilang si Ayesha.Ngunit kahit anong ingat, hindi palaging maiiwasan ang tukso—lalo na kung ito mismo ang kusang lumalapit.“Attorney Santillian,” mahinhing tawag ng bago niyang sekretarya, habang may hawak na tray ng kape. “Double shot espresso with one pump of caramel. Tama ba?”Napatingin si Ralph, bahagyang gulat. “Oo. Thank you.”Mabilis ang babaeng ito—matangkad, maayos, may itsura at may kumpiyansang hindi umaabot sa pagiging bastos. Madalas siyang nakangiti, at laging attentive kaysa kailangan. Sa mga unang linggo ng pagiging sekretarya nito, wala namang masama. Maayos naman ang trabaho, mahus

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 90 - Beyond the Contract

    Tatlong buwan.Tatlong buwang ako ang magiging legal na asawa ni Alexis—kung papayag siya.Mukha man itong isang planong niluto ng abogado kong utak, pero ang totoo’y ito ang tanging paraang naisip ko para mapanatili siya sa buhay ko. Maaaring sa paningin ng iba, isang kontrata lang ito. Pero para sa akin, ito ang huling baraha ng pusong matagal nang sumusugal, pero palaging natatalo sa timing.Nang mga sandaling iyon, hindi pa tuluyang nagbabalik ang tiwala niya. Ramdam ko sa bawat pakikitungo niya sa akin—maingat, tinitimpla ang kilos, at laging may distansya. At sino nga ba naman ako para magreklamo? Ako ang lalaking sinabi niyang poprotektahan siya, ngunit natatakot ako na ako rin ang dahilan kung bakit muli siyang masasaktan.Pero mahal ko siya.Hindi na ito tanong, hindi na ito kalituhan. Mahal ko si Alexis, at kung tanging sa pamamagitan ng isang kontrata ko siya mapapabalik sa mundo ko, pipirma ako kahit ilang kopya pa.Noong araw na nilapitan ko siya sa maliit na garden café

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 89 - The Promise and the Mistake

    Halos wala na ngang ilaw sa buong opisina maliban sa desk lamp na tumatanglaw sa mga papel na halos hindi ko na mabasa sa pagod. Gusto ko na lang matapos ang report at umuwi sa asawa kong naghihintay. Kay Alexis—ang babaeng pinangakoan kong poprotektahan, kahit pa minsan, ni sarili ko’y hindi ko mapangalagaan.Pero biglang bumukas ang pinto. Akala ko janitor o intern. Hindi.Si Mica.Suot ang isang fitted na dress na halatang pinag-isipan. May bitbit siyang kape—‘yung paborito kong blend pa rin, alam kong kabisado pa rin niya. Pilit kong itinuwid ang upo ko, hinaplos ang sintido para itaboy ang tensyon.“Thought you might need this,” bulong niya, sabay lapag ng baso sa mesa. May ngiting hindi ko na dapat pang maalala.“Mica… I told you, stop doing this.” Napabuntong-hininga ako. Paulit-ulit. Akala ko noon ako ang nahirapan, pero hindi niya naisip kung anong klaseng damage ang naiwan niya.Umupo siya sa gilid ng desk, masyadong malapit. Parang gusto niyang burahin ang lahat ng taon na

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 88- Old Flame

    Nagsimula ang lahat nang pinili ni Ralph na umiwas. Mula sa mga biruan, maikling sulyap, at mga tahimik na damdaming pilit niyang pinipigil tuwing naroon si Alexis. Hindi niya alam kung kailan nagsimulang magkaroon ng bigat ang mga simpleng pag-uusap nila, pero natakot siya. Alam niyang komplikado ang lahat—lalo na’t nobya ito ng taong tinuturing niyang kapatid.Kaya lumayo siya.Unti-unti siyang hindi na bumibisita sa bahay nina Julio. Hindi na siya sumasabay sa hapunan, o nakikipagkwentuhan kapag naroon si Alexis. Tumigil siya sa pakikialam, kahit pa sa puso niya, alam niyang may dapat siyang sabihin—o pigilan. Pero pinili niyang wag.At doon niya nakilala si Mica.Sa isang legal forum para sa mga creatives at influencers, nandoon si Mica bilang keynote speaker. Isang rising star sa fashion scene, matalino, maganda, at may dating na agad na bumunggo sa isip ni Ralph. Hindi tulad ni Alexis na kalmado at payak ang kilos, si Mica ay palaban, laging sentro ng atensyon.Nang ipakilala si

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 87 - Unspoken Words

    Hindi ko kailanman inakala na mahuhulog ako sa ex ni Julio.Maraming beses ko nang sinasabi sa sarili ko na bawal. Mali. Komplikado. At higit sa lahat—delikado. Si Alexis? Siya ‘yung tipo ng babaeng dapat iniingatan, hindi nilalapitan para sa pansariling kagustuhan. Kaya nga noon pa man, pinili kong lumayo. Pinili kong hindi magpakita. Pinili kong tahimik na iwasan ang anumang pwedeng mag-ugat ng damdamin.Pero ‘yun ang akala ko. Na kaya ko.Hanggang sa gabing ‘yon.Isang halik lang ang inaasahan ko. Isang eksenang parte ng plano niya—ang magpanggap na kami para pasakitan si Julio. Tumango lang ako dahil gusto kong tulungan siya, o ‘yan ang sabi ko sa sarili ko. Pero nang hinalikan niya ako, at mas lalo akong gumanti, doon ko na-realize… may matagal nang bumubuhay sa akin na matagal ko nang pinipilit patayin.Damdamin para kay Alexis.At sa gabing ‘yon, sa halik na ‘yon, sa tibok ng puso kong parang lumilipad habang kasabay ang kanyang mga labi, doon ko rin napagtanto that I'm finally

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status