แชร์

Chapter 6 - Reel and Real Kiss

ผู้เขียน: Olivia Thrive
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-05-31 15:16:54

Didn’t I just warn you?” malamig, ngunit mababa ang tono. Para bang nilalagyan ng pader ang nararamdaman pero hindi rin matagal mapanatili.

“Hypothetical nga lang eh,” biro ni Alexis, pinilit na matawa, pero may bahid ng kaba ang kanyang tinig.

Hindi siya sinagot ni Ralph.

Sa halip, tumayo ito mula sa kinauupuan, at dahan-dahang lumapit sa kanya. Mabagal. Tiyak. Parang sinusukat ang bawat hakbang—hindi dahil nagdadalawang-isip siya, kundi dahil alam niyang walang atrasan kapag ginawa na niya ito.

“How do you want to confirm that?” tanong ni Ralph. Mahinang tinig, halos bulong—pero tumama diretso sa puso ni Alexis.

Nanatili siya sa kinauupuan. Napatingin sa mga mata nito. Nandoon na naman ang hindi maipaliwanag na init. Ang hindi nila pinangakuan, pero parehong pinipilit takasan.

Palapit nang palapit si Ralph.

Dahan-dahan. Ang kanyang kamay, halos dumampi na sa gilid ng mukha ni Alexis.

Ramdam niya ang bawat pulso ng babae. Ramdam ni Alexis ang bawat hininga ng lalaki. Unti-unti siyang napapikit. Parang isang panaginip na ayaw niyang matapos.

Ang labi ni Ralph, isang pulgada na lang ang layo.

Ang kanyang mga mata, nakatuon lang kay Alexis. Walang biro. Walang script. Wala silang ibang karakter—sila lang. Totoo.

Isang iglap pa sana—

Brrrrrring.

Tumunog ang cellphone.

Nag-ring ito sa pagitan nila. Buo. Malinaw. Parang kalabog ng katotohanan.

Napamulat si Alexis. Si Ralph, hindi na itinuloy ang galaw. Bahagyang lumayo.

Hinugot ni Ralph ang telepono mula sa bulsa. Saglit itong tumingin kay Alexis bago tinap ang green button.

“Yes?” tanong nito, malamig na ulit ang tono.

Narinig ni Alexis mula sa kabilang linya ang tinig ng publicist nila. “Confirming 9AM live interview tomorrow—press and bloggers included. Please be on time, sir.”

“Got it.”

Binaba ni Ralph ang tawag.

Tahimik ang kuwarto.

Tahimik silang dalawa.

Hanggang sa napailing si Alexis at tinakpan ang mukha gamit ang isang unan. “Seriously? That’s our timing?”

Bahagyang napangiti si Ralph. Hindi ngiti ng tagumpay—kundi ng pag-iwas. Ng pagtatago. Ng almost.

“Good thing it was just hypothetical,” sagot nito, sabay talikod.

Pero si Alexis, hindi na makangiti. Dahil kahit hindi natuloy ang halik, hindi na niya matatakasan ang katotohanang gusto niya itong matuloy.

“You’re crazy, Alexis!” sawata ni Alexis sa sarili nang sa wakas ay mapag isa na siya sa kwarto.

Tahimik si Alexis buong gabi matapos silang almost maghalikan ni Ralph. Wala namang nangyari—hindi natuloy, hindi nila pinag-usapan. Pero sa pagitan ng bawat kibot ng katawan, may tanong na bumabagabag.

“What if natuloy ’yon?”

Hindi niya masabi. Ayaw niya ring isipin. Pero buong magdamag, pabalik-balik sa isip niya ang lalim ng titig ni Ralph, ang init ng hininga nito, at ang paraan ng paglapit nito—parang hindi lang para sa palabas.

Kinabukasan, abala na sila sa paghahanda para sa live interview. Pero kahit may mga stylist at makeup artists sa paligid, hindi maitatago ang awkward tension sa pagitan nila.

“Good sleep?” tanong ni Ralph habang inaayos ang cufflinks.

“Yeah, sure. Great,” sagot ni Alexis, pilit ang ngiti.

Hindi nila binanggit ang nangyari. Wala sa kanilang gustong magsimula ng usapan. Kaya’t nanatili na lang sila sa routine—prangkahan, maayos, walang emosyon.

Pero sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata, parehong napapalingon palayo.

Parehong may tinatago.

Ang venue ay puno ng media, vloggers, influencers, at fans. May mga LED walls na nagpapakita ng “Power Couple: Alexis + Ralph – The Love Story We Never Saw Coming.”

Magkatabi silang naupo sa harap ng cameras, magkahawak-kamay—pero sa ilalim ng mesa, parehong naninigas.

Iniintroduce na sila ng host.

“Everyone is talking about you two. You just came out of nowhere! Tell us, how did it all begin?”

“Unexpectedly,” sagot ni Ralph sabay lingon kay Alexis.

Ngumiti ito, pero kita sa mata ang pagkalito. Wala pa ring linaw kung saan nagtatapos ang pagpapanggap, at nagsisimula ang katotohanan.

“That’s mysterious! And so romantic.” papuri ng host

“But of course,” dagdag ng host habang tumitingin sa audience, “we’re all dying to see how real this love is…”

“KISS! KISS! KISS!” biglang hiyawan ng mga tao.

“Just one kiss!” sigaw ng fans sa likod.

Nagkatinginan silang dalawa. Si Alexis—nanginig ang labi, hindi alam kung paano magre-react. Si Ralph—tahimik, pero may bahagyang paghigpit ng hawak sa kanyang kamay.

“Let’s give them what they want,” bulong ni Ralph, mababa ang tinig, pero matalim.

Palapit siya nang dahan-dahan. Si Alexis, nanatiling nakatitig sa kanya—hindi makagalaw, hindi makahinga. Ang cameras ay parang lumabo. Wala na ang audience, wala na ang crew.

Ang mundo nila ay sandaling huminto.

Naglapit ang kanilang mga mukha.

Isang malambot, maikling halik.

Hindi pilit, hindi agresibo. Isang halik na parang tanong. Parang paghahanap. Parang paghinto ng pag-iwas.

Pagbitaw ni Ralph, dumilat si Alexis. Tahimik silang nakatitig sa isa’t isa.

“WOOOOOOOH!” naghiyawan ang crowd.

“Well, that’s the kind of chemistry we love to see!” sambit ng host.

Ngumiti si Ralph, pero hindi iyon scripted smile. At si Alexis—pilit ang ngiti, pero sa dibdib niya, parang may pumipintig na hindi na pwedeng itago.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 99 - Bouncing Baby Boy

    Kahit ilang buwan na nilang inihahanda ang sarili sa araw na ito, walang makapaghahanda talaga kay Alexis at Ralph para sa mismong araw ng panganganak.Ika-siyam ng gabi, tahimik na nakahiga si Alexis sa kama. Si Ralph naman ay nasa tabi niya, binabasahan siya ng isa sa mga paborito nilang baby books. Naroon pa rin ang mga alaala ng mga araw na tila imposible ang lahat—ang pagkakaroon ng pangalawang anak, ang muling pagtitiwala, at ang muling pagbuo ng isang tahimik na mundo. Pero ngayon, andiyan na ang lahat.“Oo nga pala,” bulong ni Alexis habang tinatamaan ng antok, “naka-pack na ba yung hospital bag?”“Of course,” sagot ni Ralph sabay pisil sa kamay niya. “Tatlong beses ko pa ngang chineck kung kompleto.”“Hmm, good,” mahinang ngiti ni Alexis. “Sana hindi pa ngayon. Gusto ko pa matulog…”Pero tila sinagot ng tadhana ang kabaligtaran.Alas-diyes ng gabi, nagising si Alexis sa mainit na pakiramdam sa may hita. Pagtingin niya, basa ang bedsheet.“Ralph…” tawag niya, bahagyang nanging

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 98 - Dark Tunnel

    Sa pagpasok ng huling buwan ng pagbubuntis ni Alexis, akala nila ni Ralph ay nakalampas na sila sa lahat ng pagsubok. Halos kompleto na ang nursery. Kumpleto na rin ang gamit sa ospital, pati playlist ni Alexis para sa delivery room ay ready na. Pero ang buhay, laging may ibang plano.Isang gabi, habang abala si Ralph sa pag-aayos ng dokumento sa home office niya, nakatanggap siya ng tawag mula sa isang unknown number.“Hello,” sagot niya.“Ralph…”Napahinto siya. Kilalang-kilala niya ang tinig. Ang babaeng minsang nagsampa ng reklamo laban sa kanya, na kalauna’y bumawi ng testimonya at humingi ng tawad.“Anong kailangan mo?” malamig ang boses ni Ralph.“May naghahanap sa’kin… Sinasabi nilang ako raw ay may utang sa’yo. Na ako raw ay binayaran mo para magsinungaling.”“Hindi totoo ‘yan. Hindi ako—”“I know. But Ralph, please. Tinututukan na rin ang pamilya ko. They’re trying to use my past para sirain ka. Hindi pa rin tapos ang mga taong galit sa’yo.”Pagkababa ng telepono, tila nanik

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 97 - A Little Prince

    Mommy, may baby ka na sa tummy?” tanong ni Ayesha habang nakaupo sa lamesa, bitbit ang kanyang mini spoon at stuffed unicorn.“Oo, anak,” nakangiting sagot ni Alexis habang hinahaplos ang buhok ng anak. “May magiging baby brother or sister ka na.”Napabilog ang mga mata ni Ayesha. Tuwang-tuwa ito na parang nanalo ng laruan sa toy store. Tumalon ito sa upuan at niyakap ang tiyan ng ina, marahang-marahan, para bang alam niyang kailangang ingatan ang bagong buhay sa loob ni Alexis.“Yey! I’m going to be an ate!”Napatingin si Ralph mula sa kusina habang naglalagay ng prutas sa maliit na bowl. Nilapitan niya ang mag-ina at niyakap ang dalawa.“Family of four na tayo,” bulong niya habang hinahalikan ang sentido ni Alexis.Simula nang makumpirma ang pagbubuntis, naging mas maingat si Alexis. Ngunit kasabay ng pag-iingat ay ang pagbabago rin sa kanyang katawan, emosyon, at araw-araw na routine. Sa una, tila hindi siya makapaniwala. Sa kabila ng mga panahong sinubok sila ng PCOS at miscarriag

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 96 - Made in Boracay

    Boracay had a way of stopping time. Pagbaba pa lang nila ng eroplano, ramdam na ni Alexis ang kakaibang ginhawa. The sun, the salt, the sea—parang sinasabing, “Forget the world for a while.” At iyon nga ang ginawa nila ni Ralph.Walang kaso. Walang kliyente. Walang deadlines.Walang iba kundi sila.“Parang dati,” bulong ni Alexis habang magkaakbay silang naglalakad sa puting buhangin.“Mas maganda ngayon,” sagot ni Ralph, huminto para halikan siya sa sentido. “Kasi ngayon, wala na tayong kailangang itago.”And they made the most of it.Every sunset, every swim, every whispered “I love you” sa ilalim ng bituin—parang kinukumpirma lang na tama silang dalawa. At sa pagitan ng mga halakhak, halik, at tahimik na yakap—may bagong kwentong unti-unting binubuo ang tadhana.Pagbalik nila sa Maynila, may isang bagay na hindi bumalik sa dati.Ang buwanang bisita ni Alexis.Akala niya stress lang. Baka pagod. Baka dahil sa biyahe. Pero nang hindi pa rin siya dinatnan sa ikalawang linggo, may sumu

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 95 - Surprise Weekend Trip

    Habang tumatakbo ang pelikula, nagkulong ang mundo nila sa yakapan. Si Ralph, panay ang halik sa ulo at balikat ng asawa. Si Alexis, nakapulupot ang braso sa bewang nito.At nang matapos ang pelikula, tumingin si Ralph sa mga mata ni Alexis. “You know… I was so close to losing your trust. And that’s one thing I never want to risk again.”Alexis smiled. “You never really lost it. But I’m glad you fought to keep it.”Pilit ni Ralph na ikinubli ang pag-iyak. Umiling siya. “You deserve someone who never lets anyone come close to hurting you. That’s my job.”Nagulat si Alexis nang may iabit na envelop si Ralph."Ano naman 'to?"Bumulong naman si Ralph sa tenga niya. "Just open it."Pack light. Bring your favorite book. Leave your worries.” – RNapakunot ang noo ni Alexis habang binubuksan ang sobre. Doon ay may printed itinerary—no hotel name, no specific location. Just a note at the bottom:“You, me, and the weekend that we deserve.”She smiled, shaking her head. “What is this man plannin

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 94 - Sweet Redemption

    Gabi na nang makauwi si Ralph, ngunit hindi siya agad pumasok sa condo unit nila. Tumigil muna siya sa labas ng pintuan, huminga ng malalim, at inayos ang hawak—isang bouquet ng peonies, paborito ni Alexis, at isang maliit na kahon ng dessert mula sa bakery kung saan sila unang nag-date.Pinikit niya ang mga mata, binalikan ang mga huling linggo—ang selos, ang katahimikan, at ang tahimik ngunit ramdam na tensyon sa pagitan nila. At sa wakas, ito na ang pagkakataong bumawi.Pagpasok niya, nakita niyang nakaupo si Alexis sa couch, suot ang simpleng pambahay na oversized shirt at may hawak na baby monitor para kay Ayesha.“Hey,” sambit ni Ralph, hawak ang mga bulaklak. “Sorry I’m late… but I hope I’m not too late for this.”Tumingin si Alexis, saglit na nagulat, ngunit agad din siyang napangiti. “Peonies,” sabi niya habang tinatanggap ang bulaklak. “My favorite.”“Alam ko. Hindi kita nakakalimutan.” Kumindat si Ralph, sabay abot ng kahon. “Tsaka itong salted caramel cake. Remember nung d

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status