แชร์

Chapter 62 - Stained Reputation

ผู้เขียน: Olivia Thrive
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-06-21 18:37:08

Lumipas ang mga linggo matapos ang pagkawala ng inaasam nilang anak, at bagama’t muling kumikilos si Alexis, hindi maikakaila ni Ralph na may lamat pa rin sa ngiti nito. Bumalik na siya sa kanyang mga routine—nagluluto, nag-aalaga kay Ayesha, nagme-makeup ulit kahit papaano, pero may bigat pa rin sa kanyang mga mata. Para bang may tinatago siyang pagod na hindi kayang pahingahin ng kahit anong tulog.

Sa umaga, nakikita ni Ralph na nakangiti si Alexis habang sinusubuan si Ayesha ng mashed banana, pero minsan, nahuhuli niya itong tahimik na nakatitig sa maliit na high chair habang pinupunasan ang labi ng anak—na para bang iniisip kung anong itsura sana ng pangalawang anak nila. Hindi siya umiiyak. Hindi siya nagrereklamo. Pero si Ralph, ramdam ang kulang sa kilos ng kanyang asawa.

Kaya kahit abala sa trabaho, sinisigurado niyang may sandaling makapagpapagaan sa loob ni Alexis.

Isang araw, dumating si Ralph na may dalang isang bouquet ng peonies—ang paboritong bulaklak ni Alexis. “Wala l
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 87 - Unspoken Words

    Hindi ko kailanman inakala na mahuhulog ako sa ex ni Julio.Maraming beses ko nang sinasabi sa sarili ko na bawal. Mali. Komplikado. At higit sa lahat—delikado. Si Alexis? Siya ‘yung tipo ng babaeng dapat iniingatan, hindi nilalapitan para sa pansariling kagustuhan. Kaya nga noon pa man, pinili kong lumayo. Pinili kong hindi magpakita. Pinili kong tahimik na iwasan ang anumang pwedeng mag-ugat ng damdamin.Pero ‘yun ang akala ko. Na kaya ko.Hanggang sa gabing ‘yon.Isang halik lang ang inaasahan ko. Isang eksenang parte ng plano niya—ang magpanggap na kami para pasakitan si Julio. Tumango lang ako dahil gusto kong tulungan siya, o ‘yan ang sabi ko sa sarili ko. Pero nang hinalikan niya ako, at mas lalo akong gumanti, doon ko na-realize… may matagal nang bumubuhay sa akin na matagal ko nang pinipilit patayin.Damdamin para kay Alexis.At sa gabing ‘yon, sa halik na ‘yon, sa tibok ng puso kong parang lumilipad habang kasabay ang kanyang mga labi, doon ko rin napagtanto that I'm finally

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 86 - Ralph's Point of View

    Sa bawat gabing lumilipas, hindi ko mapigilang balikan ang gabing iyon. Akala ko matagal ko nang nailibing ang lahat ng sakit. Na wala na akong pakialam. Na kaya ko nang tumayo sa gitna ng mga tao at ngumiti lang na parang walang iniwan sa akin ang nakaraan. Pero nang gabing ‘yon—sa victory party na ‘di ko naman dapat puntahan—lahat ng iniiwasan kong damdamin ay biglang sumambulat. Agad kong nakita si Alexis. Simple pero elegante ang ayos. Hindi kasing engrande ng ibang babae sa paligid, pero sapat para mapahinto siya sa paghinga. May lungkot sa mata nito kahit pinipilit ngumiti. At alam ni Ralph—hindi ‘yun dahil sa pagod. Alam niya, dahil pareho silang nagtatago ng sugat sa likod ng mga ngiti. “Ralph.” Napalingon siya. Si Alexis pala. Nasa harapan niya, hawak ang isang basong half-full ng champagne, ngunit tila hindi rin nasusustento ang lakas ng loob. “Puwede ba kitang hiramin?” Natawa si Ralph, bahagya. “Ha?” “Let's pretend we're a couple?” mariing bulong ni Alexis. “Kahit

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 85 - Julio's regrets

    Nang makarating kay Julio ang balitang nagkita sina Alexis at Ralph sa isang restaurant, para itong bombang biglang sumabog sa tahimik niyang mundo. Hindi man ito planado, hindi iyon naging sapat na dahilan para hindi siya lamunin ng galit at selos. Narinig lang niya ito sa isang common friend na hindi sinasadyang makasabay ni Alexis sa restroom ng restaurant. “Magkasama ba talaga ‘yung dalawa?” usisa ng kaibigan, walang malisya. Pero kay Julio, sapat na ang simpleng balita para mabuo ang haka-haka.Pagkauwi sa bahay, hindi niya napigilang magpakita ng paninibugho kay Alexis.“Bakit hindi mo sinabi?” malamig niyang tanong, bagama’t pilit pinapakalma ang sarili."Ang alin ba?"Napatingin si Alexis sa kanya, halatang nabigla sa tono. "Nagkita raw kayo ni Ralph." ani Julio sa madilim na anyo."Nagkataon lang, Julio. Hindi ko naman planong magkita kami. Nandun lang siya. Hindi naman kami nagtagal.”Pero tila bingi si Julio sa paliwanag. “Nagkakataon? Ganyan din ang sinabi mo noon pero bak

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 84 - Unplanned Meeting

    Isang ordinaryong tanghali lang sana. Mainit ang araw at puno ang kalsada ng ingay ng mga sasakyan. Nais lang ni Ralph na manahimik sandali, malayo sa mga papeles, deadlines, at responsibilidad na kaakibat ng pagiging panganay sa isang tahanang hindi kanya. Kaya’t nagdesisyon siyang kumain sa isang tahimik na restaurant malapit sa opisina. Pagpasok pa lang niya, agad siyang inalok ng table ng waiter, pero hindi iyon ang agad na kumuha ng atensyon niya—kundi ang pamilyar na ngiti ng babaeng naka-upo malapit sa bintana, nakayuko sa menu, tila walang ideya kung anong surpresa ang naghihintay sa kanya. “Alexis?” tawag ni Ralph, halos hindi makapaniwala. Napalingon si Alexis. Napatingin. Natigilan. “Ralph?” tila parehong pagkagulat ang nagtagpo sa gitna ng tanghaling iyon. Hindi maipaliwanag ang kasiyahang bumalot sa puso ni Ralph. Parang may liwanag na sumabog sa gitna ng araw na kay-init. Hindi niya inaasahan na makikita si Alexis—at sa ganitong paraan pa. Ang mata ng dalaga, bagama

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 83 - First Sign of Jealousy

    Madalas tahimik lang si Ralph kapag may kasiyahan o salu-salo sa bahay nila Julio. Habang abala ang iba sa kwentuhan at tawanan, siya naman ang nagbabantay sa mga pagkain sa mesa, sinisigurong ayos ang mga nakababata, at tahimik lang na umiinom ng kape sa gilid. Hindi ito agad napansin ni Alexis noong una. Pero habang tumatagal ang pagdalaw niya sa bahay nina Julio, unti-unting lumalalim ang pagka-curious niya sa lalaking halos hindi umiimik, pero palaging naroon kapag kailangan. “Kuya Ralph,” bungad minsan ng isa sa mga pinsan ni Julio, “pwedeng patulong po ayusin ‘tong bike ko?” “Dun mo dalhin sa labas, pakita mo sakin.” Walang yabang. Walang reklamo. Nakita ito ni Alexis mula sa terrace at napangiti. Tahimik niyang napansin — sa bawat kilos ni Ralph, may responsibilidad. May pagkalinga na hindi kailangang ipagsigawan. Isang hapon, nadatnan ni Alexis si Ralph sa likod bahay, nagwawalis ng mga tuyong dahon. Nakasando lang ito at mukhang pawis na pawis na, pero hindi alintana ang

  • The Fine Print of Falling in Love   Chapter 82- A Little Fondness

    Habang nakaupo sina Ralph at Julio sa garahe, nilalanghap ang preskong hangin at may tig-iisang bote ng softdrinks sa kamay, biglang nagsalita si Julio. Wala sa tono ng biruan. Wala ring bakas ng pagbibiro sa mata.“Alam mo, Kuya…” panimula niya, habang pinaglalaruan ang tansan ng bote. “Si Alexis, mabait. Maalaga. Galing sa maayos na pamilya. Hindi ko siya mahal, pero ayokong mawala siya.”Napalingon si Ralph, bahagyang napakunot ang noo. Hindi niya inaasahan ang ganoong klaseng pag-amin.“Anong ibig mong sabihin?” mahinahon niyang tanong.Napabuntong-hininga si Julio. “Gusto ko siyang maging asawa balang araw. Kasi mabuting babae siya. Responsible, mapagmahal sa pamilya… parang wife material, ‘di ba? Pero hindi ko siya mahal. Hindi ko rin alam kung kailan ko siya mamahalin. Pero sigurado akong ayokong mapunta siya sa iba.”Sa isang banda, naintindihan ni Ralph ang sinasabi ng binata. May mga taong hindi ganap ang pagmamahal, pero hindi rin handang bitiwan ang merong maayos na samaha

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status