
The Governor Obsession
Blurb :
"I’ll never take ‘no’ for an answer, Ms. Rossi. Whether you like it or not, you will be mine!"— Killian Cross
Isa lang naman ang gusto ni Alexandra, ang tumulong sa mga kapus-palad. Pero hindi niya aakalain makukuha niya ang pansin ng isang tao si Killian Cross—ang gobernador ng lalawigan ng santa clara. Kilala bilang ruthless billionaire at matanglawin ng bayan.
Dahil sa pagananais niya makuha muli ang boto ng mamamayan ng santa clara, kinakailangan niya ang tulong ni Alexandra. Ang foundation na itinayo niya na may kakayahang himukin ang mga nasa laylayan. Pero hindi lang ang foundation ang gusto ng Gobernador, pati ang founder ng grupo gusto din niyang angkinin.
Pero paano nga ba mapapasunod ng gobernador ang isang ‘single mom’ na iba ang hangarin sa nais niya? Si Killian na kapangyarihan ang ninanais, samantala si Alexandra tunay na malasakit ang gusto matupad.
Sa dalawang magkaibang hangarin, sino ang unang susuko? May puwang nga ba ang pag ibig sa kanila? Kung ang isa sa kanila ay gagamit ng dahas, makuha lang ang gusto.
Lire
Chapter: Chapter 4Chapter 4ALEXANDRA'S POV Habang papunta ako sa opisina ng gobernador, hindi ako humihinga. Nasa ika-limang palapag ito ng kapitolyo kaya gumamit ako ng elevator. May nakita akong dalawang babae na nasa tabi ng pintuan. Ngumiti sila sa akin. “Ms. Rossi, magandang araw po. Pwede na po kayo pumasok sa loob.” sabi ng isa. Tumango ako sa kanya. Bago ako pumasok narinig ko pa ang bulungan ng dalawa. “Hala, bakit andito si Ms. Rossi? Hindi ba siya iyon sikat na founder ng KCF?”“Oo, nga eh. Ano kaya relasyon niya kay Gov? Sana makakuha din ako ng prima niya, idol ko siya eh.” Bumuntong-hininga ako, mamaya na ako magpapa-autograph sa kanila, tapusin ko lang problema ko sa amo nila. Pagpasok ko, nakaupo si Killian sa sofa na mayroon center table. Simple lang opisina niya. Hindi ganoon sa bahay niya na puro mamahalin ang lahat. Lumapit ako sa tapat niya.“You’re too early, Darling.”Hindi na ako nag-paligoy-ligoy pa. “Alisin mo ang cease and desist order, ngayon na din!”“Maupo ka muna.”
Dernière mise à jour: 2026-11-23
Chapter: Chapter 3Chapter 3ALEXANDRA'S POV“Patricia, anak. Tara na, uuwi na tayo.” sabi ko habang nakaluhod sa harap niya, kasalNag-pout siya, hawak pa rin niya sa kamay ang isang tinidor, hindi pa siya tapos kumain ng cake. “Uuwi na tayo, Mami? Ngayon na po? Hindi pa po kasi ako nakakapaglaro sa may pool.”“Yes, nak. Ngayon na mismo.”“Pero bakit po ang bilis, mami? Mabait naman po sa atin si Tito. Ayaw mo po ba kay Tito?” Ito ang problema ko kay Patricia, ang dami niyang tanong na normal lang sa edad niya. Napatingin ako sa may balkonahe. Nandoon nakatayo si Killian, nakasandal sa railing, nakapamulsa at nakatingin sa amin magina. “Hindi ko siya kilala, anak. At hindi ba ang sabi ko sayo, don't talk to stranger?”“Pero kilala niya tayo, alam nga niya pangalan ko at maging saiyo. Kaya paano siya magiging stranger?” naguguluhan tanong niya. Huminga ako ng malalim. Sabay kagat sa labi ko. Paano ko ba sasabihin sa batang ito na ang ‘tito’ tinutukoy niya ay may tinatagong sungay? Hindi rin siya titi
Dernière mise à jour: 2026-11-22
Chapter: Chapter 2Chapter 2ALEXANDRA'S POV Hindi ko alam kung paano ako nakarating agad sa mansion ng mga Cross. Buong biyahe sinubukan kong tawagan muli ang ginamit na number ni Killian, pero hindi siya sumasagot. Pagbukas ng gate sa harapan ko, sinalubong akong ng dalawang lalaking naka-barong. Inamin ng dalawa na sila ang sumundo kay Patricia. Gustong-gusto kong sugurin ang isa sa kanila, pero naisip ko din na baka kapag ginawa ko ang bagay na iyon, mas lalo kong hindi makuha ang anak ko. "Ms. Rossi, kanina ka pa po hinihintay ni Gov," magalang na sabi ng isa, na para bang hindi sila nangidnap ng bata. Sinundan ko sila sa loob ng bahay na mas mukhang palasyo ang itsura. Mataas ang kisame, malinis ang sahig na parang ikaw na lang ang mahihiyang umapak. Sa gitna mula sa entrance, nakikita ko ang isang malaking chandelier, na para bang mas mahal pa ang ginastos sa bahay na ito kesa sa kailangan ng foundation ko. Ito ba ang buhay ng isang taong nagsasabing para siya sa mahihirap? Natutulog sa isan
Dernière mise à jour: 2026-11-22
Chapter: Chapter 1CHAPTER 1ALEXANDRA’S POVPinagmamasdan ko ang mukha ng lalaking nasa harapan ko. Matangos ang kanyang ilong, chinito at mestiso ang kulay ng balat. Para siyang isang Greek God na nababasa ko sa mga libro. Masasabi kong gwapo nga siya, pero hindi paghanga ang nararamdaman ko sa lalaking ito, kundi pagkainis. Nakaupo ako habang katapat si killian Cross, ang kasalukuyang Gobernador ng Santa Clara. Nandito kami ngayon sa isang VIP room sa isang sikat na restaurant ng bayan para pag-usapan ang ino-offer niya na lalo kong ikinagagalit. Habang seryoso siyang nakatingin sa aking nakikita ko ang amusement sa mga mata niya. Namumula ang mukha ko sa pagtitimpi nna hindi siya batuhin ng platong nasa harapan ko. Sino ba kasing matinong politiko ang magsasabi ng ‘Be my woman, Ms. Rossi.’? Hanggang ngayon nasa utak ko pa rin ang mga salitang iyon! Ang kapal din talaga ng mukha niya. Akala siguro ng lalaking ito, kagaya ako ng ibang mga babaeng nagkakandarapa sa kanya. Nakita ko nga ang gulat sa m
Dernière mise à jour: 2026-11-17

Trapped as the Villain's Mistress
“So this is how it feels to be a mistress, forbidden things really are sweet.”—Mikaela Grant.
Paano kung isang araw, bigla ka na lang magigising sa loob ng aklat na ikaw mismo ang sumulat—pero bilang isang kontrabida?
Si Mikaela ay isang bestselling author na may asawang minsan niyang minahal, pero dahil sa isang kabit, niloko siya at iniwan. Matapos ang isang aksidente, magigising siya bilang si Camilla Sterling, ang kinahuhumalingan kabit ni Kael Sinclair—asawa ni Selestina Miller.
Sa simula, akala ni Mikaela ay nananaginip lang siya. Pero kalaunan, napagpasyahan niyang maranasan kung paano maging isang kabit. Habang tumatagal, nalaman niyang ginagamit lang pala siya ni Kael para makuha ang lahat ng ari-arian ng mga Sterling. Nilapitan lang pala siya nito dahil siya ang nag-iisang tagapagmana ng kanyang pamilya.
Matapos makuha ni Kael ang lahat ng pag-aari ng mga Sterling, bumalik ito sa asawa niyang si Selestina. Para muling ibangon ang sarili, gumawa ng paraan si Camilla para lubusang mawalan ng tiwala si Selestina kay Kael at tuluyan silang mag-diborsyo. Isa itong paghihiganti bago niya naisipang magpakalayo-layo. Habang nasa eroplano siya paalis ng bansa, bumagsak ang sinasakyan niya, na naging dahilan ng pagkamatay niya bilang si Camilla Sterling.
Sa muling pagdilat ng kanyang mga mata, nasa isang ospital siya at nakabalik na sa totoong mundo. Muli niyang nasilayan si Oliver, ang ex-husband niya na lubos ng nagsisisi at gusto siyang balikan. Pero matapos ang lahat, hindi na niya kayang patawarin pa ito.
Pinilit ni Mikaela na buuin muli ang buhay niya bilang isang author. Sa isang event para sa auction ng mga bestselling books, makikilala niya ang kamukha ni Kael, si Lucian Castellano, ang multi-billionaire na obsessed sa mga gawa niyang mga libro. Siya na nga kaya ang taong mamahalin niya?
Lire
Chapter: Chapter 5Chapter 5MIKAELA’S POV“Who are you?” tanong ko, mariin ang aking boses. “Paano mo nalaman ang tungkol sa relasyon namin ni Kael?” Bumuntong-hininga ang nasa kabilang linya. “Huwag sa cellphone. Tomorrow, morning. Let’s meet hija, sa cafe liwayway, sa may dulo ng Calle Rosario. Huwag ka na magsama ng kahit na sino, maski driver mo.” “Bakit naman kita susundin?” naiinis kong sabi.“Dahil lahat ng nakapaligid sayo, binabayaran ni Kael Sinclair!” Nagulat ako, kailan pa nagkaroon ng kakayahan si Kael na maging amo sa mga tauhan ng pamilya namin? “If you want to know everything. Just do as I say.” bago pa ako makasagot sa kanya, pinatayan na niya ako ng tawag. Binulsa ko ang hawak kong cellphone. Lumapit ako sa may bintana, hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Kahapon bago ako natulog, tumutugma ang lahat ng eksena sa nobelang isinulat ko, pero bakit parang ngayon, nagiiba at hindi na ako ang kumokontrol? Bumalik ako sa lamesa at inayos ang pagkasara ng lahat ng drawer. Matapo
Dernière mise à jour: 2026-11-26
Chapter: Chapter 4Chapter 4MIKAELA’S POVHindi ako nakatulog sa biyahe pauwi, kahit nakasandal ang ulo ko sa balikat ni kael sa loob ng kotse. Nakapikit lang ako, habang iniisip ang mga susunod na eksena dapat sa nobelang isinulat ko. Sa chapter 5, dapat magtatampo ako dahil hindi pa nagfa-file ng divorce si Kael. tapos sa chapter 7, doon pa lang magsisimula ang tunay na gulo sa mga buhay namin. Pero bakit parang nagmamadali ang lahat? Bakit mabilis ang plot ng kwento at hindi sumusunod sa orihinal?“Hon, we’re here.”Idinilat ko ang aking mga mata. Nasa harap na kami ng mansion. Nakatingin ako sa malaking gate na kulay itim, makikita mula sa labas ang malaking fountain na nasa gitna ng garden. Sa libro, maliit lang ang pagpapakilala ko sa bahay ni Camilla, pero ngayon habang pinagmamasdan ko ito, mas malaki pa ang bahay na ito kesa sa tinitirhan ko sa totoo kong mundo. “Ihahatid na kita sa loob,” sabi ni Kael sa akin na akmang papasok sa loob kasabay ko. “Huwag na, Hon.” ngumiti ako at hinawakan an
Dernière mise à jour: 2026-11-26
Chapter: Chapter 3Chapter 3MIKAELA’S POVMatapos ang nangyari sa Vip room sa restawran, nagyaya ng umalis si Kael. Hindi na ako nagtanong pa kung saan kami pupunta dahil alam ko na ang susunod na mangyayari bilang writer ng kwentong ito. Gagampanan ko muna ang pagiging kabit ni Kael, kahit alam kong masasaktan si Selestina. Susulitin ko muna na mahal niya pa ako, may parte ng pagkatao ko ang nakukunsensya dahil alam kong mali ito. Pero mas nangingibabaw ang pagnanais ko na maranasan muli ang mahalin. Pumasok kami sa isang sikat at mamahaling hotel. Habang nasa elevator, hindi inaalis ni Kael ang kamay sa baywang ko habang nilalaro ang dulo ng tela ng bestida ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko, hindi na ako inosente sa ganitong eksena. Alam kong matapos ibigay ni Kael ang mamahaling singsing, katawan ko naman ang gusto niyang kapalit.Nang bumukas ang pinto ng penthouse, mula sa mahinang ilaw ng mga kandilang nakakalat, nakikita ko ang mga nakakalat na talulot ng rosas sa sahig, maging sa kama. Mayro
Dernière mise à jour: 2026-11-26
Chapter: Chapter 2Chapter 2MIKAELA’S POVHindi ako nagmamadali sa pagsubo ng kinakain ko. Kinuha ko ang wine glass na nasa harapan ko at tinikman ang laman nitong alak. Habang hinahayaan ko si Kael na nagkukuwento tungkol sa kung anu-anong tungkol sa negosyo. Pero sa loob-loob ko, wala akong balak pakinggan siya. Dahil bawat salitang sasabihin niya alam ko na dahil ‘yon mismo ang sinulat ko.Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng dessert ng magsalita siya.“Camilla.”Nag-angat ako ng tingin, seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Lumapit siya sa akin at lumuhod sa harapan ko. Mula sa bulsa niya nilabas niya ang isang maliit na itim na kahon. Binuksan niya, sa ilalim ng mga chandelier, kumislap sa harapan ko ang isang singsing na mayroong diyamante. Hinawakan niya ang kamay ko, gusto ng isuot sa daliri ko ang singsing.“Hon, I know this isn't the right time yet, but this is my promise ring, pinapangako ko na hindi tayo habang-buhay magtatago—”Alam ko na ang kasunod na tagpong ito, sumilip ang
Dernière mise à jour: 2026-11-26
Chapter: Chapter 1Chapter 1MIKAELA’S POV“Nandito na po ang lahat ng kailangan ninyong pirmahan, Ma’am,” sabi sa aking ng abogado, habang nilalapag sa harapan ko ang mga dokumentong kailangan para sa divorce namin ni Oliver. Ang lalaking akala ko makakasama ko habang buhay. Pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko. Nasa law office kami at inaasikaso ang lahat ng papeles para sa pagdidiborsiyo. Sa kabilang dulo ng upuan, nakaupo si Oliver. Busy sa kanyang cellphone at hindi siya tumitingin sa akin. “Ang bahay, ang iba pang mga ari-arian at ang laman po ng mga account niyo, ililipat po sa pangalan ni…”Hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin niya. Tinaas ko ang aking mga kamay bilang hudyat na wag na siya magsalita. Kinuha ko ang ballpen na nasa tabi ng mga papeles. Mabigat ang mga kamay ko habang sinusulat ang pangalan ko at pirma sa divorce paper. Hindi parin ako makapaniwala na sa loob ng dalawang taon, ganoon na lang niya kung itapon ang mga ala-ala ng pinagsamahan namin. Ang dahilan niya—para
Dernière mise à jour: 2026-11-26